Chapter 18: She's Mine

1766 Words
Neo's POV "Mama mo I love you." pambabara niya "Love mo mama ko? Ayaw mo nun? Mama mo mama ko tapos ikaw asawa ko (^_^)" pambawi ko "Puro ka kalokohan." sabi niya saka umupo nang padabog sa sofa. Umayos ako ng upo at tumabi sa kanya Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa Hindi kaya masyado akong naging mabilis? "Uhmm Luna? Naiilang ka ba sakin?" kakaba-kabang tanong ko Narinig ko naman ang malalim na paghinga niya. "Sa totoo lang napapaisip ako.." sagot niya "Ano naman yang naiisip mo?" "Ikaw." napalingon naman ako sa kanya "Bakit naman?Don't tell me maha---" "Ano ba yan kung anu-ano naman yang iniisip mo!" nakasimagot na reklamo niya "Eh ano?" tanong ko sabay kamot ng batok ko "Ikaw....Ginugulo mo isip ko!" bulyaw niya (O_O) (^_^) "Panong g**o?" pilyong tanong ko Bigla akong napatayo nang umamba siyang mamalo saka sumimangot ulit Ano naman kayang problema niya? Teka? "Don't tell me gusto mo talagang magpaligaw?" "NATURAL!" "Teka chill ka lang. Ganun ba talaga kahalaga yun?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung pano manligaw. Hindi ko naman yun ginawa dati (-.-) "Alam mo, kung iniisip mo na aksaya sa oras ang panliligaw...nagkakamali ka. Kasi sa prosesong yon mas magkakakilala ang dalawang tao. Ang relasyon hindi naman yan minamadali. Hindi yan kape na ilalagay mo lang sa tasa tapos bubuhusan ng mainit na tubig tapos finish na. Para yang ube halaya....na kahit iisang kulay lang ang nakikita iba't ibang sangkap naman ang kailangan para lalong sumarap at lalagyan mo pa ng effort at hirap." paliwanag niya (O_O) Wow! "Naiintindihan mo na?" Wala sa sariling napatango ako Ayan na naman siya sa mga words of wisdom niya..... .....na talagang nakakapagpabago ng isip ko. "Kamusta?" bungad ni Ate pagkarating ko ng bahay. Pagkatapos ng usapan naming iyon ni Luna ay nag movie marathon kami tulad ng napag usapan at talagang sadya ko naman doon. Pero syempre hindi mawawala ang ka sweetan ko....... ......at hindi rin mawawala ang kasadistahan ni Luna. Ganon ata siya kiligin.....nananapak (-.-) "Ayos naman." sabi ko saka ngumiti ng pagkalaki-laki (^_^) Nagulat ako ng hinila niya ako paupo sa sofa. "Magkwento ka dali!!" excited na sabi niya "Eeh nakakapagod magkwento!" reklamo ko "Ayaw mo?" walang emosyon niyang tanong "Ayaw" "Ayaw mo talaga?" nagbabanta ng tanong niya tapos kita ko rin na humigpit na yung hawak niya sa unan . . . . . . "Pagkalabas ate ni Luna sa pinto ng kwarto niya iniabot ko na agad yung dala kong bulaklak tapos chocolate, nagtanong pa nga siya kung para saan daw yun tapos dun na ko umamin ang haba ng sinabi ko nun tapos hindi ko na maalala basta kung ano lang yung naisip kong sasabihin ko yun nalang yung sinabi ko. Noong una hindi pa naniwala si Luna tapos syempre nagtatanong pa siya ng kung ano-ano at syempre sinagot ko yun tapos naimpress ko siya ang galing ko ate. Tapos tinanong ko siya kung kami na tapos hinampas niya ko, sabi niya dapat daw ligawan ko siya eh sabi ko sayang sa oras magiging kami rin naman sa hul--ARAY ATEE!" hindi ko na natuloy ang kinukuwento dahil binato ako ni ate ng unan. "Siraulo ka ba?! Bakit hindi mo liligawan si Luna?!" bulyaw niya "Hindi mo naman ako pinapatapos ate eh! Liligawan ko si Luna wag ka mag alala! Parang ligaw lang eh!" reklamo ko "Anong parang ligaw lang? Eh kung iligaw kaya kita sa gubat?! Hindi mo ba alam na mahalaga sa aming mga babae ang panliligaw ng lalaki?" "Ganoon ba talaga ka-bigdeal ang panliligaw?" "Natural! Babae kami eh! Palibhasa si Adrastea ang nanligaw sayo noon!" "Ate naman eh!" reklamo ko "Bakit? Totoo naman ah! Ikaw lang naman tong hindi marunong manligaw! Sa mga fairytale nga may nagliligawan pa eh! Si Kristoff nga niligawan pa si Ana!" "Sino naman yang Kristoff at Ana na yan?" "Sina Kristoff at Ana yung sa Let it Go." sagot niya Let it Go? "Anong Let it Go?" Kunot noo kong tanong. Parang wala namang Fairytale na Let it Go "Let it Go! Yung si Ana kapatid ni Elsa tapos si Elsa may superpowers yung sila nga gumawa kay olaf diba?" Pfftt "Let it Go amp! FROZEN yun! Let it go ka dyan?!" "Eeh...pareho lang yun! Tsaka iniiba mo yung usapan eh! Umayos ka sa panliligaw kay Luna! Ilang beses ko na sinabi sayo na iba si Luna sa mga babae dyan! Kaya dapat ibang level ang panliligaw mo! Simple but memorable! Yung may tatak ng isang CASABUENA!" 2 weeks na pagkatapos kong magconfess kay Luna at ginawa ko nga ang mga bilin ni ate. Ginawa ko ang lahat ng mga payo niya tungkol sa panliligaw. Hindi naman pala ganoon kahirap. Mas naeenjoy ko nga dahil mas maraming oras na kasama ko si Luna. Saka hindi na rin naman masama, kahit kasi manliligaw palang ako eh parang kami na rin naman (^_^) Nandito ako ngayon sa apartment na tinutuluyan ni Luna. Wala siyang shift ngayon kaya buong araw ko siyang kasama. "Luna Loud!" tawag ko sa kanya "Luna loud?" nagtatakang tanong niya. "Oo Luna Loud...In the loud house in the loud house~" natatawang pagkanta ko sa theme song ng cartoons na Loud House. Oo na ako na mahilig sa Cartoons (-_-) "Luna Loud ka dyan! Hindi naman ako rakista!" "Hindi nga.....sadista lang." biro ko na abot langit pa ang ngiti "Teka!!Joke lang eh!" sigaw ko nang umamba siyang manghampas Sadista nga (._. )7 Umayos siya ng upo kaya naman umayos na rin ako. Tahimik lang kaming nanood ng movie "Kamusta na pala ang family mo?" biglang tanong niya "Okay lang naman." sagot ko Napakaboring naman ng usapan namin (-_-) Ahhh Alam ko na "What if....I prepare a Lunch para maipakilala na rin kita kina mommy at daddy." "Eh?" "Ehtlog." walang ganang sagot ko "Neo naman eh!" "Sige na! Sa linggo kaya? Ano sa tingin mo?" tanong ko "Sigurado ka ba?" nag aalangang tanong niya "Oo naman. Ano pa ba inaalala mo dyan eh nakilala mo naman na sila dati ah." "Oo nga pero....bilang nurse mo. Eh ngayon?" "Edi bilang babaeng nililigawan ko." confident na sagot ko Nakita ko naman na namula siya kaya naman abot langit ang ngiti ko "Ano nginingiti mo dyan?!" "Hindi ako nakangiti. Nastroke ata ako oh." sabi ko saka ngumiwi at umarteng nastroke (-.-) Sunday 10:00 am Nandito kami ngayon sa bahay namin kung saan tinutulungan ko magluto si Luna para sa Lunch namin. Nagpresinta kasi siya na siya na ang magluluto para naman daw kahit papaano ay may maibigay siyang present sa mga magulang ko. Asus! Ang sweet naman ng future girlfriend ko sa parents ko. Sana magustuhan nila ang magiging manugang nila (^_^) "Neo tikman mo nga kung okay na to." Agad naman akong lumapit sa kanya. Sinubo niya sa akin ang kutsarang hawak niya na naglalaman ng kaunting sauce ng Caldereta Kung tinatanong niyo kung anong naitutulong ko kay Luna dito sa kusina......eto tagatikim "It's fine." sagot ko matapos matikman ito. "Sure ka ah. Baka maalat." nangangambang tanong niya "Hindi naman tama lang." "Tinodo ko na yung pangengealam sa kusina niyo. Nagbake narin ako ng chocolate cake." saad niya "Sige lang. Ano pa at magiging asawa rin naman kita." pilyong sagot ko "Gusto mong makatikim ng sandok? Isalaksak ko sayo tong hawak ko." "Asawang s*****a Hahaha." umamba pa siyang ibabato niya sa akin ang sandok pero nakatakbo na agad ako palabas ng kusina "MAHAL PARIN KITA KAHIT GANYAN KA!" sigaw ko pa pagkatakbo ko PAGKATAPOS na pagkatapos magluto ni Luna ay agad ko ng tinawag sina Mommy at Daddy pati na rin si Kuya para makapag salu-salo na kami sa hapag. Si ate? Ewan ko dun naglayas na ata. (-.-) "I'm HOMMMEEE!" bungad ni ate pagkapasok niya ng bahay "Hi home nice to meet you." sagot ko "Aray! Anak ka naman ng tokwa Ashari!!" angal ko ng ihampas niya sa likod ko ang dala niyang bag. "Siraulo ka eh!" "It hurts Ashari ayan na naman yang bag mo na may lamang semento! Ang Tigas!" "Isa pang Ashari mo tutubuan talaga ng bundok yang likod mo!" sigaw niya "Tama na yan huy! Nakakahiya kay Luna." saway ni Kuya "Hi Luna babes!" baling ni ate kay Luna. Luna babes? Nakipagbeso beso si ate kay Luna saka inakbayan ito para maupo na. Iniisip ko talaga minsan na bisexual si ate Nakakadiring pangyayari Umupo na ako sa tabing upuan ni Luna. Nasa harap namin si Kuya at Ate pati narin si Mommy. Si Daddy naman sa gitna. Tahimik lang kami na kumakain. Yung tanging ingay lang na naririnig ay ang maingay na tunog ng kutsara at pinggan ni ate. (-_-) Oo napakaingay niya kumain "I'm happy to see you here again ija." panimula ni Daddy "Thank you Sir." magalang na sagot ni Luna "Sir? Haha it's too formal just call me Tito." hirit ni Dad "O-okay po T-tito." nahihiyang sagot ni Luna "I honestly got shocked when I found out who's the lucky girl that my son's courting. It's his Nurse!" natutuwang pahayag naman ni Mommy "Tita nalang din ang itawag mo sakin ija." dugtong niya at ngumiti kay Luna Ngumiti rin si Luna sa akin. Atleast hindi na siya mahihirapan na pakisamahan pa ang mag magiging biyanan niya. (^.^) "Courting huh? Mabuti yan anak. As far as I remember hindi mo niligawan si Adrastea noon Hahaha." "Dad." saway ko sa kanya. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Luna ang tungkol kay Adrastea. "Why-- Ahuh? Don't tell me hindi mo pa nasasabi kay Luna ang tungkol sa Ex girlfriend mo." "I'm going to tell her about that Dad but still.... I think this is'nt the right time." sagot ko saka tumingin kay Luna Ngumiti lang siya ng bahagya "There's no right time son. Besides, hindi na rin naman babalik si Adrastea." sabi niya "I'll remember that Dad." sagot ko "Anyways, goodluck sa panliligaw mo. I'm counting on you son. Kailangan mapasagot mo si Luna." nakangiting saad niya "I will Dad." sabi ko saka ngumiti kay Luna. "I know I'm still his suitor but I'll prove to her that I'm worth it." pagkatapos non ay hinawakan ko ang kamay niya. "And she's mine." pagtatapos ko ng sinasabi ko "That's my son." proud na sabi ni Dad Nakangiti rin kaming tinitingnan nina Mommy at Ate. Si Kuya naman parang naiilang pero kilala ko yan. Alam kong natutuwa din yan samin ni Luna. Sadyang wala lang talagang bilib sakin yan sa babae eh (-.-) Tiningnan ko si Luna. Pero ngumiti lang siya sa akin at tinuon na ang pansin sa kinakain niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko inaalala niya yung tungkol kay Adrastea.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD