Chapter 17: Confession

2126 Words
Neo's POV "Hayy nakakapagod." wika ni ate saka sumalampak sa sofa Bakas nga ang pagod sa mukha niya Pero mas gusto kong bigwasan siya. Isa na namang pagkakataon ang nasayang na sana naka amin na ako kay Luna pero dahil sa magaling kong kambal ay hindi nangyari yon. Sana hindi nalang siya tumulong. (-.-) "I'm thinking twin. What if yayain ulit natin si Luna bukas? Kaso baka may pasok siya. Ano sa tingin mo twin? San natin pwedeng isama si Luna?" "Sa Subic." sagot ko "Masyadong malayo." "Ikaw na mag isip ikaw naman masusunod." "Ikaw na! Ikaw tong pumoporma kay Luna eh. Hindi nga lang halata Hahahaha." (-_-) "Sa Rest House natin sa Batanggas." "Wag dun masyadong historical yung hitsura ng bahay don." akala ko ba ako na masusunod? (-.-) "Ikaw na bahala bwiset." "Galit ka?" "Hindi nagsasabi lang." "Galit ka ata eh." (-.-) "Bahala ka dyan." sabi ko saka umakyat na sa kwarto. "HOYYY UTANG NA LOOB MO SAKIN KUNG BAKIT KAYO NAGKAKASAMA NG LUNA MO HOYYYYY!!" Megaphone amp! Pake ko kung siya ang dahilan ng pagkakasama namin ni Luna. Eh dahil naman sa kanya parang hindi rin ako nakikita si Luna. (-_-) It's already 7:15 pm At wala akong ginawa kundi ang mag-isip nang mag-isip Paano kaya kung dumiskarte ako palihim kay Luna? Yung style ng mga secret admirers? Kaso magmumukha naman akong stalker non (-.-) Baka matakot pa sa akin si Luna Ano kaya kung wag na ko makinig sa mga sinasabi ni ate Palpak lagi eh (-_-) *Tok tok tok* Katok yan wag kayong ano(-.-) "Pa--" "Twin nagyayaya si Luna sa bahay nila. Movie Marathon daw. Iniisip ko nga eh kung nagtatrabaho pa kaya tong babaeng to? Lagi nalang libre pag niyayaya! Ngayon naman siya pa tong nagyayaya. Ano twin, sama ka?" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil derederetso na siyang pumasok at nagsalita sa harap ko "Ayoko sumama hindi rin naman ako mapapansin ni Luna don." "Pano ka mapapansin eh halos hindi ka naman nagsasalita. Mas marami pa yung kwento namin ni Luna kesa sa sinalita mo eh." Eh pano ako makakapagsalita eh kasama ka (-.-) "Basta ayaw kong sumama." "Ang arte mo. Bahala ka nga." sabi niya saka nag walk out. Inamba kong batuhin siya ng unan pero lumingon siya kaya yung unan niyakap ko nalang (-_-) K I N A B U K A S A N...... Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatunganga. Dapat pala sumama nalang ako kina ate. Mukhang kanina pa siya nakaalis Hayyyyy (._.) Mababaliw ako kung mag-isa lang ako dito. Gumala ulit kaya ako? Magparty? Magbar? WHAAAAAA ayoko parang hindi ko na nakikita yung sarili ko dun Nagtalukbong ako ng kumot saka sinipa-sipa yung kumot sa loob. Mukha akong tanga (-.-) "Psst." automatiko kong tinanggal ang kumot sa buong katawan ko. "Ate!" "Anong ginagawa mo? Sino ka-wrestlingan mo dyan?" (-_-) "Akala ko kanina ka pa nakaalis. May usapan kayo ni Luna diba?" pag-iiba ko ng usapan "Hindi ako matutuloy sa usapan namin ni Luna." "Huh? Bakit?" "Niyaya ako ni Joshua manood ng sine." "Joshua? Who the hell is Joshua?!" ba't ngayon ko lang narinig yung pangalan na yun? "Psh. OA mo ah. Bakla yun. Stylist ng mga artista dito sa Pilipinas." "Aahh kala ko manliligaw mo." "Eew. Ayun na nga. Hindi ako makakapunta kaya ikaw nalang." (O_O) "Ako?" "Hindi baka yung kumot. Kumot ikaw yung pumalit sakin manonood kayo ni Luna ng T.V behave ka dun ah." sabi niya saka nagkunwari pang kinakausap yung kumot. (-.-) "Sigurado ka?" tanong ko "Saan? Na ikaw ang papalit o yung kumot?" "Ate naman! Natural ako!" "Oo, ikaw ata ayaw mo kaya yung kumot nalang." (-_-) Suko na ko "So ano? Game ka ba? Kung ayaw mo ipapadala ko na sa Driver yung kumot." "Oo nalang ate. Baliw ka na." "Ayaw mo nun makakasama mo si Luna.....kayong dalawa lang." (O_O) (^_^) Oo nga noh! "Gusto ko sanang sumama sayang." "Oo nga ate sayang nga noh? Hindi ka makakasama." pagsakay ko sa kanya. Tama! Magandang chance to! Walang Ashari, Walang Abala. Hayaah! "Oo nga sayang. I-cancel ko nalang kaya yung lakad namin ni Joshua?" (O_O) "H-ha? Hinde ate wag na.... for sure magtatampo yung friend mo na yun. Saka ngayon lang siya nagyaya kaya pagbigyan mo na." "Lagi siyang nagyayaya hindi ko lang sinasabi." "Huh? Ah-eh k-kahit na. Saka wala rin namang pinagkaiba. Magmomovie marathon ka kina Luna. Manonood kayo ni Joshua ng sine. Pareho lang! Kaya dun ka na sa sinehan mas malaki don." "Oo nga noh? Bakit parang ayaw mo ata akong kasama?" "Ha? Hindeeee ate naman... Ikaw? Ayaw ko makasama? Hahah pwede den---este hindi pwede Hehe." "Sige na mag-ayos ka na. At lumayas ka na. Ayusin mong hindi matorpe babalibagin talaga kita." "Luna. Gusto kita. Magugustuhan mo rin ba ko?" Napailing-iling ako. Nandito ako sa harap ng salamin at nag eensayo ng mga pwede kong sabihin kay Luna Take 2 "Ehem. Luna. Ang ganda mo ngayon. Bagay na bagay sayo yang suot mo. Nagmumukha kang Dyosa sa paningin ko." Ang korny potek Take 3 "Luna, you look beautiful.......Arrghhh inenglish ko lang eh!!" Take 4 Kelangan talaga may pa Take 1 take 2? "Luna. Gusto kita. Hayaan mong patunayan ko yon. Hindi ko alam kung kelan o paano pero sigurado ako...ikaw ang laman ng puso ko..........Argghhhh baka pilosopohin ako non sabihin niya nasa harap ko siya at wala sa loob ng puso ko." "Luna......Ako to si Neo na mahal na mahal ka." Pfffttt! Natoy is that you? "Psst." Agad akong napalingon sa pinto. "Ate! Kanina ka pa ba dyan?!" hindi ko matago ang hiya sa mukha ko. Sigurado pulang pula na ko rito. "Mukha kang tanga." (-.-) "Psh. Hindi pa ba kayo aalis ni Joshua?" pag iiba ko ng usapan "Hindi naman talaga kami aalis." O_O "H-huh? Edi...s-sasama ka kina Luna?" Hindi pwedeeeee "Hindi din. Alam ko naman na ayaw mo kong kasama kasi hindi ka nakakaporma kay Luna eh. Abala ako para sayo." pagkasabi niya non ay ngumiti siya nang pilit "Ate....--" "Sshh ok lang ako ano ka ba. Narealize ko rin yun nung medyo iniwasan mo ko kahapon." "Ate so---" "Wag ka magsorry. Wag mo kong intindihin. Ang isipin mo....si Luna." lumapit siya sa akin at inayos ayos niya ang buhok at damit ko. "I'm happy for you twin. At ang advice ko sayo....follow this." tinapik niya ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Yan ang sundin mo. Hindi yung nagpapractice ka ng mga sasabihin mo kasi kusa lang na lalabas yan kapag sinabi na ng puso mo." napangiti ako sa sinabing yun ni ate. Ngayon...masasabi kong makakatulong nga ang advice na iyon ni ate. "Thank you ate." sabi ko saka niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik. Kahit minsan baliw siya at nasisiraan ng bait..siya lang ang nagiisang kambal ko na ginigiit na ate ko siya. (^_^) DUMAAN muna ako sa flower shop at sa Chocolate store para may maibigay ako kay Luna. Medyo nahirapan lang ako pumili ng bulaklak pero nung tinawagan ko si ate, nag sabi siya yung yellow tulip daw ang bilhin ko. Nagtaka pa nga ako kasi ang alam ko red rose ang partikular na binibili ng mga manliligaw. Pero ang sabi ni ate, ayun nga daw yung point. Masyado ng partikular at common yung red rose eh masyado daw unique si Luna sa ibang babae kaya hayaah si ate ang nasunod. (-.-) Whooo~ Andito na ako sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Luna. "It's ok Neo you can do it." bulong ko saka pumasok na sa gate at umakyat na sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Luna. *Tok tok tok* Maya-maya lang ay bumukas na rin ang pinto nito at bumungad ang isang anghel na may napakagandang mga mata Charing Lumabas mula rito si Luna suot ang napakagandang ngiti "Neo. Buti natuloy ka. Nagtext si Ashari na hindi na raw siya makakasama." "O-oo nga eh. Niyaya siya ng kaibigan niya biglaan." "Huh? Ang sabi niya nagLBM daw siya." O_O "T-tapos nagkaLBM nga siya kaya hindi rin sila natuloy ng kaibigan niya hehe." ate naman nag iwan parin ng problema? "Ahh ganon ba. Tuloy ka." tumuloy ako sa loob saka iniabot sa kanya ng bulaklak at chocolate na kanina ay nakatago sa likod ko. "P-para saan to." bakas sa mukha niya ang pagkagulat at........namumula rin siya. (^.^) "Ahh p-para sayo yan." "Bakit mo naman ako binigyan ng ganto?" batid kong pinipilit niyang itago ang hiya Huminga muna ako ng malalim Eto na yun! Eto na yung pagkakataon mo Neo! "Luna....I think....... I like you." "W-wha--" "I know hindi pa tayo ganon katagal na magkakilala pero yung mga oras na kasama kita....feeling ko hindi na matatapos yun at parang......ayaw ko na rin matapos yun. The way you care at me, the way you look at me, the way everything that you do, all of your words of wisdom, all of those..... were still right here in my mind. That talent thingy, I treasured it. Yung sinabi mong talent is not the best thing you can do, it is about what can you do. It made me realize and appreciate myself. And it's because of you. I don't know how or why but I'm sure. Luna I like you. No. I think I'm falling for you. I think I love you. Luna." mahabang salaysayin ko. Pero lahat ng yon totoo. Parang nakahinga ako ng maluwag nang masabi ko yun. Tama nga si ate. Kusa lang lalabas lahat ng mga gusto kong sabihin. Ngayon.....hinihintay ko nalang ang sagot ni Luna na tingin ko ay nagulat sa lahat ng sinabi ko. "Mahal mo ko? Pano mo nasabi?" naibagsak ko ang magkabilang balikat ko dahil sa natanggap kong sagot mula sa kanya. Pinaghirapan ko ang confession na yun tas eto lang yung matatanggap kong reaksyon sa kanya "Seriously? Wala ka man lang bang naramdamang kilig nung sinabi ko un? Ang hirap kayang umamin!!" reklamo ko sa kanya "Hahahahah oo na sige! Naniniwala na ako. Eh paano ka ba magmahal para masabi ko na kinikilig ako." totoo ba to? siya ba talaga yung babaeng gusto ko? Baka mali lang ako ng bahay na pinasukan (-_-) "Pag ako nag mahal pati asin lalanggamin." confident na sagot ko "Hah! Hindi ikaw si Jeydon Lopez!" "Edi kapag ako nagmahal ako ang supremo na magpoprotekta sayo kahit kanino pa man." "Duh? You're not Ace Craige ok?" "Edi ano! Buong puso kong ibibigay ang pagmamahal ko sayo aking binibini." "You will never be my Juanito! Bat ba yan yung pinagsasasagot mo?!" "Sige ito nalang! Hindi ko nalang sasabihin sayo kung gaano kita kamahal! Ipaparamdam ko nalang!" "At sino naman yang ginagaya mo? Si Maxpein? Alam mo tumigil ka na! Si Deib Lohr nalang gayahin mo tutal puro kabadingan ang alam niyo pareho!" "Kaya nga si Maxpein nalang ginaya ko kasi puro kabadingan na natutunan ko kay deib eh!" "Eh bakit ba kasi ginagaya mo pa sila? ang simple simple ng tanong ko sayo eh! Saka pano mo pala nakilala yang mga yan? Wattpader ka ba?" "Ikaw kaya magkaroon ng kapatid na author kung hindi ka macurious sa sandamakmak na libro na meron siya." "Ahhhhh. Eh bakit nga ba sila pa ang naisip mong isagot sa tanong ko. Eh hindi naman sila ang itinatanong ko." Huminga muna ako ng malalim. Para akong nasa game show! HOT SEAT! "Ok fine. I may not be Jeydon Lopez but I'll asure you na mamahalin kita kahit ilang sako pa ng asin ang langgamin. I will protect you not as a supremo but me as Neo. I will treat you not only my binibini but also the one who will complete me. At handa akong magpakabading gaya ni Deib just to prove you that your my one and only baby babe." "Anong kailangan kong maramdaman?" sinamaan ko siya ng tingin "Ok ok kinikilig na ko." Napangiti ako nang marinig iyon Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. "So...tayo na?" tanong ko habang nakayakap sa kanya "Awww baket?" angal ko nang kurutin niya ako sa tagiliran. Nakalimutan kong brutal nga pala yung babaeng mahal ko (-.-) "Ayan! Linyahan ng mga lalaking hindi marunong manligaw." "Eh manliligaw pa magiging tayo rin naman. Sayang sa oras babe." "What the-- babe?!" "Ayaw mo?" */pouts "Wag ka magpout mukha kang kuhol." sama naman ng ugali nito "Yan ba first day ng relationship natin? tatawagin mo kong kuhol?" "Relationship?! Hoy hindi pa kita sinasagot noh! Ni hindi ka nga nanligaw! Umamin ka palang!" "Kelangan pa talaga ng ligaw ligaw na yan? Halika sa gubat iligaw kita." Bigla nalang akong napatakbo at sumampa sa sofa dahil ang babaeng mahal ko, kumuha ng walis tambo at iniambang ibato sa akin. "Joke lang ito naman oh! I love you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD