Chapter 16: Moves

1335 Words
Neo's POV "Ate anong ginagawa natin dito?" matapos ang paguusap namin kahapon na sinasabi niyang tutulungan niya ako ay wala naman ng sinabi si ate sa kung anong tulong ang ibibigay niya. Nagulat nalang ako nang magsabi siya kanina na magbihis ako at may pupuntahan kami at ngayon nga ay nandito kami sa tapat ng ospital na pinagtatrabahuhan ni Luna "Sabi ko sayo tutulungan kita diba? Eto na yun." sagot niya "At ano namang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya "Just trust me. Watch and learn." pagkasabi niya non ay pumasok na siya sa loob "May I call on Nurse Arcillia?" pakiusap niya sa lobby Napaayos ako ng tayo nang makita kung sino ang papalapit sa amin. "Luna." banggit ko sa pangalan nito. "Oh andito ka na pala, pinapatawag palang kita eh." bungad sa kanya ni ate saka nakipagbeso rito "Ano palang ginagawa niyo rito?" tanong ni Luna na bakas talaga sa mukha ang pagtataka. Kinabahan naman ako bigla nang dumako ang paningin niya sa akin. Bigla ay hindi ko alam ang gagawin ko. "Ahm yayayain ka sana naming kumain sa labas kung libre ka. Alam mo na, hindi ka rin naman iba sa amin. You know, friends." sagot ni ate saka ako tiningnan nang may pambubuyong tingin "A-aah eh Oo nga. K-kung o-okay lang *ehem* kung ok lang naman." sabi ko sabay pilit na ngumiti My God Neo Matt! You're too obvious! "Hmmm. Libre ako at this moment. Actually papunta na nga sana akong cafe eh." sagot niya "Talaga? Hahahaha! Grabe! Alam mo babasahin ko na talaga yan! Nakakaexcite!" (-_-) Anyare na? Akala ko ba tutulungan niya ko kay Luna? Ba't parang sila nalang yung tao rito? Bored akong tumingin sa dalawa kong kasama na nagtatawanan dahil sa pinagkukuwentuhan nila tungkol sa w*****d. "Oo tapos sinabihan niya pa na Abu sayaf raw yung lalaki kasi nga balot na balot!" kwento ni Luna. "Hahaha suman saka abu sayaf? Hahahaha ibang klase. Double kill si kuya mong boy." natatawang ani ni ate (-_-) Believe me, I'm invisible. (-.-) "Ahm wait. Mag C-cr muna ako Ash. Lumabas ata ihi ko kakatawa." pagpapaalam ni Luna. (-_-) Napatingin ako kay ate. Halos maluha luha siya kakatawa. Ako halos maluha luha na sa yamot. Akala ko ba tutulungan niya ko dumiskarte? Ba't parang siya na yung manliligaw ngayon? "Ano na Twin? Ang torpe mo naman! Hindi ka makadiskarte man lang kay Luna. Hindi ka pa umiimik dyan para ka tuloy hangin." (O_O) Literal na nanglaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon Ako? Torpe? Hindi umiimik? PANO KO MAKAKAPAGSALITA EH NAUUNA NA SIYA?! "Eh ate paa-" "Hep hep! I know, alam ko na nagpapasalamat ka dahil nakakasama mo ngayon si Luna and it's all because of my help pero Neo naman. Galaw galaw baka mastroke. Hindi ka manlang makapagbitiw ng banat. Weak!" (-_-) Thank you mo mukha mo. Paano ako makakabanat kung ikaw na ung nauuna kay Luna. Ikaw banatan ko dyan eh. (-.-) Bumalik si Luna at buong akala ko ay ito na ang tyansa ko para magpakitang gilas. "So asan na nga ba tayo?" ganoon na lamang kung bumagsak ang magkabilang balikat nang si ate na naman ang naunang magsalita. Hindi pa nakakaupo si Luna ay sinalubong niya na agad ito ng kwento niya. NAKABALIK kami ng bahay nang hindi manlang ako nakaporma kay Luna. Wala eh. Si ate ata yung manliligaw (-.-) Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa at gumaya rin si ate sa ginawa ko. Tamad ko siyang tiningnan. "Ang sayang kasama ni Luna noh?" sabi niya "Dapat niligawan mo na rin ate anong malay natin, bisexual ka pala.(-_-)" "Aray! Kelangan mamato ng unan?" "Hoy ikaw! Wag mo ko pagsalitaan ng ganyan ah! Palibhasa hindi ka nakakuha ng moves kay Luna. Ni hindi ko nga narinig na nagsalita ka eh! Nagsalita ka ba?" sinamaan ko nalang siya mg tingin. Paano ako makakagalaw eh hindi nga maalis ni Luna yung atensyon sa kanya kasi kuwento lang siya ng kuwento.(-.-) K I N A B U K A S A N "TWEEEEEEEEEEEEENNNNNN!!" kalalabas ko lang ng C.R nang marinig ko ang megaphone na sumapi sa ate ko. "Ano ba yun? Ang aga aga nambubulabog ka." "Bat ganyan yang suot mo? Balik sa C.R dali magbihis ka." sabi niya habang pilit akong pinapapunta pabalik sa c.r. "Bat?" "Niyaya ko si Luna sa Amusement park!" "Batman." "Eh kung hampasin kaya kita ng baseball bat? Umayos ka nga chance mo na to kay Luna." chance ko o chance niya na naman. Wala na rin naman akong nagawa kaya sinunod ko nalang si ate. NANDITO kami ngayon sa amusement park na napagkasunduan nina Luna at ate. Ang sabi raw ni Luna ay dito nalang kami magkita kita since kasama niya rin daw ang pinsan niya at ang boyfriend nito. "Ash!" napalingon ako sa gawi ng nagsalita. At nariyan na nga ang siyang hinihintay kong pag ibig. "Luna!" nagbeso beso sila ni ate saka ako tuluyang napansin ni Luna "Hi Neo." Hindi pa ako tuluyang nakapagsalita noon ngunit pasimple akong siniko ni ate. "Ah eh..H-hi Hi Luna. You look pretty." pigil hininga kong bati sa kanya. Pansin ko naman na namula siya sa sinabi ko. Halos pumalakpak ako sa tuwa. Kinilig siyaaaa~ Alam ko, kinilig siya. Hahahahaha! Bago pa man ako humirit ng isa pa sanang banat ay hinila na ni ate si Luna sa kung saan. Naiwan akong nakatulala at nakatingin sa pwestong inalisan nila. ASHARIIIIIIIIIII!!!!!! 1 H O U R L A T E R Halos lahat yata ng rides sa park na ito ay nasakyan na naming tatlo. Pero sa isang oras na tinagal namin ay hindi ko na muli pang nakausap si Luna. Wala eh. Matindi yung kalaban ko. Kapatid ko mismo Parang takot na takot siyang hindi mapansin ni Luna. (-.-) "It was sooooo fun!" sigaw ni ate pagkababa namin ng roller coster. Umupo kaming tatlo sa bench para magpahinga. Yung pinsan ni Luna saka yung boyfriend nito ay may sarili nilang mundo. Sana all may sariling mundo. (._.) "Wait C.R lang muna ako. Dito muna kayo. Don't worry hindi ako susuka heheh." Dalawa nalang kaming natira ni Luna. Pareho kaming walang imik. Pinuno kami ng katahimikan. Hanggang sa magdesisyon akong magsalita na. "Close talaga kayo ni Ash noh? Sinamahan mo pa kami sa gala namin." at ayun na nga at nauna siyang magsalita. (-.-) "Ah ehhh. Oo nga. Kahit siya naman talaga yung epal dito." syempre pabulong ko lang sinabi yung huli. "Ha? Hindi ko masyadong narinig." "Ha? Hindi wala. Ang sabi ko oo close talaga kami. Sa sobrang close gusto ko na siyang sakalin." syempre pabulong ulit yun. "Bumubulong ka ba?" "Ha? Hindi ah." "Aahh baka mali lang yung pagkarinig ko." sabi niya Mahabang katahimikan ulit ang naghari. Wala parin si Ate. Naligaw na ata "May tanong ako Luna." pati ako nabigla sa inusal ko. "Ano yun?" "Kung mahal ba kita, mamahalin mo rin ako?" Naghintay lang ako sa sagot niya. "Huy! Ano na yung tanong mo?" parang bumalik ako sa reyalidad mula sa isang panaginip. Hindi ko kayang itanong sa kanya yon. Saka bakit ba yung naisip kong itanong? "Ha? Wala a-ano...nakalimutan ko Hehe." palusot ko nalang "Eh?" "Ehtlog." pabulong kong sabi "May sinasabi ka?" "Huh? Wala ah. May naririnig ka atang hindi ko naririnig." Eh kung sabihin ko nalang kaya sa kanya na gusto ko siya? Oo tama! "Luna." pagtawag ko sa pangalan niya "Hmm? Bakit naalala mo na ba yung itatanong mo sa akin?" tanong niya "Hindi, ano may sasabihin sana ako sayo." sagot ko "Huh? Ano naman yun?" "K-kasi Luna... G-" "Let's Go na sa Ferris Wheel mahaba ang pila baka matagalan tayooo." napapikit nalang ako ng mariin dahil naudlot na naman ang sasabihin ko dahil sa magaling kong kambal. "Ah sige. Ahm ano nga ulit yung sasabihin mo Neo?" bumalik ang atensyon ko kay Luna "Ah a-ano...n-nakalimutan ko ulit Hehe." palusot ko naman. Alangan namang umamin ako sa harap ni ate. Wala nang karoma-romantic yun. (-.-) Bwisit ka talaga kahit kailan Ashari
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD