Neo's POV
ILANG linggo pa ang nakaraan at isang buwan na nga ngayon simula nang umalis si Luna rito. Naging maayos naman ang kalagayan ng mga tao rito. Nagsimula kami ng bagong buhay ngayong magaling na ako. Si Mom and Dad nagdeclare na ng family day tuwing sabado at linggo. Hindi naman kasi nila maiiwanan basta basta ang trabaho nila kaya binawasan nalang nila ang mga araw na may trabaho sila para mabigyan kami ng oras.
Si kuya Geo naman eh busy sa pagiging accountant niya, talagang pinagbubutihan niya ang trabaho niya. Batid ko na pangarap niya talaga ang pagiging accountant kaya naman hindi na ako magugulat kung isang araw ay sa kanya ipamana ni daddy ang kumpanya. Magaling magpaikot ng pera si kuya at alam niya na ang pasikot sikot na galaw ng pera.
Si ate naman nadito parin sa Pilipinas. Hindi pa naman daw siya required na bumalik sa New York. Through email parin siya nagsesend ng mga gawa niya. Batas siya eh. Wala tayong magagawa.
(-.-)
At ako......gulong g**o parin. Ewan ko ba, simula nung hindi ko na nararamdaman ang presensya ni Luna, mas lalo siyang hinahanap ng katawan ko. Kahit ng tenga ko hinahanap hanap yung boses niyang masakit sa tenga. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ito ang unang beses na mangyari sa akin ang ganitong pakiramdam. Hindi naman pupwedeng may gusto ako sa kanya, dahil alam ko ang feeling ng inlove.
At hindi ko nararamdaman kay Luna yun. Pero inaamin kong may pagkakapareho.
Yung pagbilis ng t***k ng puso ko. Naramdaman ko narin yun noon. Yung hindi ako mapakali at gustong gusto kong titigan yung mga mata niya. Naramdaman ko na noon at naranasan ko rin kay Luna ngayon.
Pero kung ikukumpara ko yung dahilan kung bakit nararanasan ko iyon, malabong magustuhan ko nga si Luna. Malayong malayo siya sa taong minsan ng nagparanas sa akin kung paano magmahal.
*Tok tok tok*
"Pasok!" sigaw ko. Narito kasi ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nakatulala sa kisame habang inuunan ang dalawa kong braso.
"Twin! Mall tayo?" yaya ni ate pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Pilitin mo muna ko." biro ko sa kanya.
Napatayo ako ng mabilis nang hubarin niya yung sandals na suot niya.
"Oh bakit ka tumayo? Pipilitin pa nga kita diba?" wala talagang kwenta biruin tong babaeng to!
"Ate naman, hindi ka naman mabiro!" sigaw ko sa kanya saka pumunta na sa cabinet ko para kumuha ng pamalit na damit
PAGKARATING namin sa mall ay hinila agad ako ni ate sa botique. Sinama niya siguro ko para may taga bitbit siya
(-.-)
"Twin anong mas maganda? Itong white o itong black?" tanong niya habang ipinapakita sa akin ang dalawang dress na nagugustuhan niya
"Bakit black saka white pinagpipilian mo? Aattend ka ng lamay?"
"Oo tapos ikaw yung pinaglalamayan." prankang sagot niya
Kahit kelan talaga hindi ako mananalo sa babaeng to.(-.-)
Napahagikgik naman ang dalawang sales lady na nagaasikaso kay ate. Eh? Anong nakakatawa? Pagbuhulin ko kayo dyan eh.
PAGKAALIS namin sa botique ay dumeretso kami sa tindahan ng mga accesories. Pustahan mamaya sa mga sapatos naman punta nito.
(-_-)
"Twin tingnan mo yung necklace oh, bagay sakin." sabi niya sabay ipinakita ang kwintas at isinubok pang ikabit sa leeg niya.
"Ang ganda." sabi ko
"Ganda ko? Alam ko na yun."
"Ah hinde, yung kwintas kako, maganda hindi ikaw."
"Eh kung ipulupot ko kaya to sa leeg mo?"
"Bakit ba kasi bibili ka pa ng kwintas? Suot mo na nga yung kwintas na bigay ko sayo oh!" sabi ko sabay turo sa suot niyang kwintas. Yung niregalo ko sa kanya nung nagkatampuhan kami sa ospital
"Mas gumaganda ka kapag yung bigay ko ang suot mo." dagdag ko pa.
"Talaga?"
"Syempre joke lang yun." sagot ko saka mabilis na lumabas sa store na yun
Narinig ko pang sumigaw siya pero nilingon ko lang siya at tinawanan. Hinintay ko lang siya rito sa labas ng store.
Habang naghihintay ay nahagip ng mata ko ang naglalakad na magkasintahan habang magkahawak ang mga kamay. Nakita ko rin ang isa pang magkasintahan na nagsusubuan ng ice cream sa loob ng Ice cream store sa tapat ng accesories store kung saan ako naroroon.
Napag isip isip ko na, bakit pa natin kailangang maging masaya sa piling ng taong mahal natin kung may darating at darating na pagkakataon na iiyak rin tayo dahil sa sakit.
"Aaahhh! Aray naman ate!" nasa kalagitnaan ako ng pagiisip tapos bigla nalang siyang mamimingot. Ang sakit ng tenga ko!
"Ikaw eh! Lakas mo mangtrip!" reklamo niya
"Lakas mo manaket!" ganti ko sa kanya
"Gusto mo ulet?" may tonong pagbabanta sa tanong niya
"Hindi na hindi na! Saan na ba tayo? Sa susunod hindi na ko sasama sayo!" hindi naman niya ako pinansin nun saka iniabot na sa akin ang paperbag na bitbit niya.
Sabi ko na nga ba magiging tagabitbit lang ako ng babaeng to eh!
(-.-)
Nauna na siyang naglakad kaya sumunod naman ako.
Huminto kami sa isang shoe department. Sabi ko sa inyo sa sapatusan kami susunod eh.
Nag ikot ikot siya sa loob at ako naman ay sinusundan lang siya. Napahinto kami nang may magustuhan siyang sapatos. Kulay dilaw ito at may mataas na takong.
Pinagmamasdan ko lang si ate habang sinusuri ang hawak niyang hills hanggang sa nabaling ang paningin ko sa babeng nakaupo sa couch habang sinusuotan ng lalaki ang paa niya ng sandals. Yung parang katulad sa scene ng Cinderella.
"Aww ang sweet nila." napatingin ako kay ate nang sabihin niya iyon. Napansin niya rin pala ang dalawang iyon.
"Twin, gawin mo rin sakin yun." sabi niya saka itinuro yung babae at lalaki.
"Ano ko Jowa mo? Baka ihampas ko pa sayo yang sandals mo eh." sagot ko sa kanya
"Aba't--" iaamba niyang ibato sa akin yung sapatos pero hinarang ko yung dalawang braso ko sa mukha ko.
"Oo na oo na susuotan ka na nga eh! Para naman kasing wala kang kamay!" reklamo ko
Umupo siya roon sa couch at iniabot niya sa akin ang pares ng hills na napili niya kanina.
"Ano ba yan! Ambaho ng paa mo ate!" biro ko sa kanya at umasta pang nababahuan talaga.
Mukha namang napahiya siya sa ibang mga tao na nasa loob ng store. Makaganti man lamang sayo HAHAHA!
"NEO MATTTT! ako nanggigigil na ko sayo ah kanina ka pa!"
"Aray--ano--ate Joke lang --aray masakit yung kurot --aah masaket! Joke lang nga eh!" reklamo ko habang tinatadtad niya ako ng kurot at hampas sa katawan
NATAPOS din ang magulong araw sa Mall. Narito kami ngayon ni ate papuntang parking lot. Habang naglalakad ay may nakita kaming babae at lalaking nagyayakapan sa tapat ng isang kotse. Masayang masaya ang mga mukha nila.
Naalala ko bigla yung pagyakap ko kay Luna. Malinaw pa sa pandinig ko ang t***k ng puso niya noong magkalapit kami. At hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit maging ako ay nakakaranas na bumilis ang t***k ng puso.
"Hey! Twin! Let's go!" bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang sigaw ni ate. Nakalayo na pala siya. Huminto pala ako kanina?
Dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse. Inilagay ko na rin ang mga pinamili ni ate sa backseat.
Pinaandar ni ate ang kotse niya. Habang ako ay tahimik lang na nakatanaw sa labas ng bintana.
"Naalala mo siya?" biglang tanong ni ate.
"Huh?"
"Masyado tayong maraming nakitang couples sa mall, kaya tinatanong ko kung naalala mo ba siya?"
"Sino?" si Luna ba ang tinutukoy niya?
"Si Adrastea."
Napaiwas ako ng tingin. Akala ko si Luna ang maiisip niya. Bakit nga ba nawala sa isip ko si Adrastea? Minsan ko na siyang nakasama sa mall. Mas sweet pa nga kami kaysa mga couple na nakita ko kanina sa mall eh. Pero bakit si Luna ang nasa isip ko? Hayy ano bang nagyayari sa akin?
"Ate, may tanong ako.....paano malalaman kung ang pusong nasaktan ng sobra noon ay muling nagmamahal ngayon?" wala sa sariling tanong ko
Binigyan niya pa ako ng makahulugang tingin saka ibinalik ang atensyon sa daanan.
Batid kong gusto niya pa akong usisain tungkol sa tanong ko ngunit mas pinili niyang bigyan ng pansin ang tanong ko.
"Kapag nararamdaman na ulit ng puso mo ang nararamdaman nito noong hindi pa siya nasasaktan noon." malalim na sagot niya
"Ano? ang g**o! Nararamdaman, noon noon lang naintindihan ko eh." reklamo ko
"Kapag nararamdaman na ulit ng puso mo kung paano magmahal gaya ng pagmamahal nito noong hindi pa ito nasasaktan!"
"Tulad ng?"
"Halimbawa, kung sa una mong pag-ibig, bumibilis ng t***k ng puso mo sa tuwing nariyan siya at ngayon, nararamdaman mo ulit ito sa pangalawa mong pag ibig matapos kang masaktan. Kuha mo?" malalim pero nagegets ko.
"Bakit mo nga ba natanong?" tanong niya.
"Don't tell me......Oh my God Neo are you inloved again?!" tuwang tuwa niyang tanong
"Hindi! Naisip ko lang! Saka i-ikaw?! Bakit alam mo yung mga ganyan?! May boyfriend ka na noh?!" natataranta kong sabi sa kanya
"Hah?! Wala noh?! Nakalimutan mo na bang writer ako?! Natural alam ko yang mga ganyan!" sagot niya
Oo nga pala!
"Ba't ba natataranta ka? Tell me twin? Who's that unlucky girl?"
"Ba't naman unlucky? Ano tingin mo sakin? Malas?"
"HAHAHA hindi naman, pero yung ugali mo medyo slight ng kaunti." sagot niya saka ngumiti nang pagkalawak lawak.
"Anyways, kung totoo man na inlove ka nga. Don't forget to consult me ha? Expert ako dyan HAHAHAHA!"
"Ewan ko sayo!" sagot ko. Nakarating nga kami sa bahay nang kinukulit parin ako ni ate.
Bakit ba ang bigdeal naman sa kanya ng tinanong ko? Eh sa nalilito na ko sa nararamdaman ko para kay Luna eh. Sumabay pa yung advice niya kanina. Pareho nga ng nararamdaman ko noon ay ang nararamdaman ko ngayon kay Luna.
"But on a serious note twin. I'm happy kung inlove ka nga ulit. I just want to meet the girl. Parang wala ka naman kasing ibang babaeng nakakasama lately kundi ako saka si Lu--wait?! Don't tell me?!"
"Hoy ate kung anu-ano yang pinagiisip mo ah!" sigaw ko sa kanya saka umiwas ng tingin.
"So siya nga?! Si Luna nga?! Oh my God!!" gulat na gulat niyang tanong at bakas na bakas sa mukha niya ng tuwa
"Bahala ka nga dyan Ashari." sabi ko saka tinalikuran nalang siya pero bago pa man ako makahakbang ay hinila na niya ako paharap ulit sa kanya
"Hoy ikaw! Papalampasin ko yang pagtawag mo sa akin na Ashari pero itong usapan natin, hindi! Sasabihin mo sa akin kung bakit at paano mo nagustuhan si Luna. Eh diba hate na hate mo yun?!" tinignan ko nalang siya matapos niyang sabihin yun pero ginantihan niya lang ako ng masamang tingin
Naibagsak ko ang dalawang balikat ko tanda na sumusuko na ako sa kambal ko. Ikunuwento ko sa kanya lahat ng nararanasan ko simula nung mawala si Luna dito sa bahay at yung mga nararamdaman ko na parehong pareho sa nararamdaman ko noon kay Adrastea
"Confirmed twin! You're Inloved! Again! I'm so happy for you." saad niya pagkatapos ko magkuwento
"You're happy? How about me? I'm still confused ate, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko." Sagot ko
"Yes you are sure! But not yet ready." bibigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin
"What do you mean?"
"You and your heart is already sure about your feelings with Luna but then, you're still not ready to love again." makahulugang sabi niya
"Tingin mo ate?"
"Yes. Because your memory still fits the past. Neo, Adrastea is gone. Please move on. Hindi na siya babalik. Let your heart be happy again. Help yourself Neo." napagisip isip ko ang sinabing iyon ni ate.
Tama nga ba na kalimutan ko na siya?
Tama ba na magmahal ako ulit?
"I'll help you." sabi ni ate