Neo's POV
"Pano ba yan Luna, magiingat ka ah. Mamimiss kita." saad ni ate kay Luna
Ngayon na ang alis ni Luna sa bahay. Natapos na yung trabaho niya rito sa amin. Inaamin kong nalulungkot ako pero hindi ko naman kailangang ipahalata.
"Mamimiss rin kita Ash. Salamat sa pagwelcome niyo rito sa akin ah." sagot niya sabay yakap kay Ate.
"Walang anuman yun. Saka pwede ka pa namang bumalik rito eh. Welcome na welcome ka! Minsan pag wala kang duty invite kita rito. Or anong malay mo baka si Neo yung mag dala ulit sayo rito." saad ni ate pagkahiwalahay nila ng yakap.
Napatingin naman ako sa kanila dahil sa narinig ko. Binigyan ko ng nagtatanong na mukha si ate. Napatingin rin sa akin si Luna.
"I mean, malay mo pairalin niya ulit yung katangahan niya tapos maospital ulet. Hehe." sinamaan ko naman si ate dahil sa sagot niyang iyon.
"Anyways, sige na mauna na kayo ni Neo. Twin mag iingat sa pagmamaneho ah." habilin ni ate. Ako kasi ang maghahatid kay Luna pauwi. Gustuhin man ni ate na siya ng maghatid pero may trabaho rin siyang kailangang asikasuhin. Kahit naman kasi wala siya sa New York eh kailangan niya paring magsend ng email doon. Si kuya rin ay nagpresintang maghatid kay Luna pero nagkataong may tumawag sa kanya sa trabaho at pinapapasok siya urgent.
Hindi man sabihin ni kuya pero napapansin kong attracted siya kay Luna. Pero hindi ko na nilagyan ng malisya un. Ano naman bang pake ko diba?
Hindi naman sila bagay(-.-)
Pinagbuksan ko na ng pinto si Luna sa passenger seat. Kinuha ko na rin ang maleta niya at inilagay sa backseat. Pagkaupo ko sa driver seat ay dumungaw pa kami ni Luna sa bintana para magpaalam sa kanila saka ko na pinaandar ang makina.
Tahimik lang ang buong biyahe kaya naman binuksan ko nalang yung radyo.
"Kinalimutan kahit, nahihirapan
Para sa sariling kapakanan,
Kinalimutan kahit nahihirapan,
Mga oras na hindi na mababalikan, Pinagtagpo, Ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo~"
Yan ang nagplay pagkabukas ko ng radyo. Napangiti naman ako. Naalala kong narinig ko yang kinanta ni Luna noong commatose pa ako.
"Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan..Wag mo ng balikan patuloy ka lang masasaktan....Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana...Sadyang mapaglaro itong mundo.....Hayy ang ganda ng kantang yon.." yan ang pagkakasabi pa niya noon..
Nakangiti lang ako habang nagmamaneho. Nagpatuloy lang rin ang kanta hanggang sa matapos ito.
"Nagagandahan ka sa kanta?" biglang tanong ni Luna. Napalingon naman ako sa kanya.
Binalik ko ang tingin sa kalasada saka sumagot sa kanya.
"Oo, bakit mo natanong?"
"Nakangiti ka habang nagmamaneho. Humihilig rin yung ulo mo habang tumutugtog yung kanta." sagot niya
Napansin niya pala yun?
"Ahh may naalala kasi ako sa kantang yun." sagot ko nalang
"Talaga? Anong naalala mo?" napasulyap naman ako sa kanya.
"Eto na yung address na binigay mo. San ba pwede magpark dito?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.
"Ahh sige deretso ka muna, may restaurant dyan sa malapit." sagot niya sabay turo ng direksyon pa ditetso
Ipinark ko na yung sasakyan ko sa tapat ng isang restaurant. Lumabas ako sa sasakyan kasabay ni Luna.
"Gusto mo bang dumaan sa bahay?" tanong niya
Napaisip naman ako saglit. May kung ano sa akin na naguudyok na pumayag sa yaya niya
What the hell is happening to me?!
"Sure." biglang sabi ko
Wait? What?!
"Ok! Tara!" yaya niya
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang malaking eskinita. Doon ay huminto kami sa tapat ng isang maliit na gate na may mataas na bahay sa loob. Eto ata yung apartment na tinutuluyan niya
"Tara pasok ka sa 2nd floor pa yung kwarto ko." sabi niya kaya sinundan ko nalang siya
"Halika pasok." sumunod na nga ako sa kanya sa loob ng kwarto na inuupahan niya. Tama lang naman ang laki. Siguro kahit tatlong tao ay pwede pang tumira rito.
"Ikaw lang mag isa rito?" tanong ko sa kanya
"Oo, nasa probinsya kasi yung pamilya ko. Maupo ka, ikukuha lang kita ng juice." sagot niya
"Sige salamat." sagot ko ngunit sa halip na umupo ay nilibot ko ang kwartong iyon. Napansin ko ng mga litratong nakapwesto sa iisang lugar.
Sila siguro ang pamilya ni Luna. Doon ko nakita ang isang litrato na nakasabit ang di hamak na mas malaki sa ibang mga litrato kung saan lima silang naroroon. Sila marahil ang magulang ni Luna at dalawang kapatid na lalaki na mas bata sa kanya. Napadako ang tingin ko sa mukha ni Luna. Kahit saang anggulo tingnan ay simple talaga ang kagandahan niya. Tiningnan ko pa ang ibang mga litrato hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang frame kung saan may kasamang lalaki si Luna at nakahalik pa ito sa pisngi niya.
Napakunot ako ng noo. Sino naman kaya ang lalaking to?
"Eto na yung Juice mo. Anong tinitingnan mo dyan?" rinig kong tanong ni Luna.
Pumunta naman siya sa gawi ko. Nakita niya na hawak ko ang litrato kung saan may nakahalik sa kanyang pisngi.
"Sino siya? Boyfriend mo?" ewan ko ah pero parang labas sa ilong yung tanong ko na yun
(-.-)
"Huh? Hindi ah! Katrabaho ko yan sa ospital, kababata ko rin. Sa iisang probinsya kami galing, sabay kaming napadpad dito sa Maynila." sagot niya
Iniabot naman niya sa akin ang baso ng juice na hawak niya. Tumalikod na rin siya pagkakuha ko sa kanya ng baso.
"Katrabaho? Kababata? Tapos may pakiss?" bulong ko habang nakatingin parin sa litratong iyon.
"May sinasabi ka?" napalingon ako sa kanya bigla. Nandyan pa pala siya sa likod ko?
"Ah.....eh a-ano....kababata? Parang wala lang sa inyo yung kiss noh?"
wait--what?! Ba't nasabi ko pa yun?!
"Huh? Eh syempre, kasama ko na yan lumaki eh, parang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa." sagot niya.
"Teka nga? Bakit parang.....interasado ka?" napatigil naman ako dahil sa tanong niya na yun.
Mabilis kong nilagok yung juice sa basong hawak ko.
"Huh? Hindi ah. Nagtatanong lang." todo iling kong sagot matapos maubos yung juice. Takte ba't parang bitin yung juice!
"O-okay?" sagot nalang niya. Humakbang na siya palayo sa akin. Doon na ako nagtaka sa sarili ko
Ano bang nangyayari sa akin? Napahawak ako sa lalamunan ko.
Shit! Ang sakit sa lalamunan nung juice!
Sumunod naman na ako kay Luna.
"9:30 pa lang pala. Makakaabot pa ako sa shift ko." sabi niya habang nakatingin sa relo niya
"Huh? Papasok ka pa?" tanong ko
"Oo naman. Aabot naman ako eh." sagot niya
"Ihahatid na kita sa ospital."
(O_O)
What the hell is wrong with me and my tounge?!
"Sure ka? Baka makaabala pa ako sayo, mag aayos pa ako eh." sagot niya
Okay Neo, subukan mong bawiin yung sinabi mo in a nice way
(-0-)
"I'll wait it's okay."
(._.)
Ano bang nangyayari saken? Kinukulam ba ko? Ba't ganon!?
"Sige ikaw bahala, sandali lang ako mag aayos." sabi niya saka pumasok na sa kwarto
(-.-)
WALA pa ngang kalahating oras ay natapos na mag ayos si Luna. Nasa harap ko siya ngayon at nakasuot ng nurse na uniform. Ngayon ko lang ulit nakita na magsuot siya ng uniform niya. Hindi naman kasi kailangan na mag uniform pa si Luna sa bahay nung inaalagaan niya ako eh.
"Oh ba't ganyan ka makatingin." napaayos ako nang magsalita siya bigla.
"Oh, nothing... I just realize na parang nagroroleplay ka lang as a nurse kapag suot mo yang uniform mo." sagot ko
"So sinasabi mo na hindi ako mukhang nurse ganon?"
"No! I-i mean, mas mukha kang model." i said...sincerely
"Bolero." sabi niya saka nauna ng lumabas ng apartment unit niya. Hinabol ko naman siya saka humarang sa daanan niya.
"Hey! I'm telling the truth." sabi ko. Napahinto naman siya saka tumingin sa akin.
"Oo nalang." sabi niya saka tinabig ako patabi para makaraan siya.
Teka! Nakita ko yun! Ngumiti siya!
Napangiti rin ako matapos maisip na kinilig siya sa sinabi ko
Wait?! What the hell did I say?!
Bumalik ako sa reyalidad saka humabol na kay Luna pababa ng apartment.
PAGDATING namin sa ospital ay nag insist pa ako na ihatid siya sa loob. Sa totoo lang nawiwirdohan na ako sa sarili ko pero may part rin sa akin na natutuwa ako sa pinaggagagawa ko.
I think I should consult a doctor.
(-.-)
"LUNATOOOOTTTT!!" iyan ang nangibabaw nang makalapit kami sa lobby. Tinig ng isang lalaking patakbong palapit sa amin. Sabay naman kaming napatingin ni Luna sa kanya.
Pagkalapit niya ay agad niyang sinunggaban ng yakap si Luna
At sino naman ang lalaking ito?!
"Brightot naman ang ingay mo!" saway sa kanya ni Luna pagkahiwalay nila ng yakap.
"Eh namiss kita Lunatot ko eh. Isang buwan ka rin kayang nawala." sagot nito. Teka? Siya yung lalaki sa picture.
Mukha siya tuod.(-.-)
"Namiss rin kita Brightot." sabi niya saka kinurot ang pisngi nito. Sa hindi malamang dahilan ay napahawak rin ako sa pisngi ko.
Mas masarap namang kurutin yung akin.
(-_-)
"Siya nga pala Bright. Si sir Neo nga pala, siya yung naging home patient ko." sabi niya saka humarap sa akin. Naialis ko naman bigla ang kamay ko sa pisngi ko.
"Hi Sir. Good Morning po." bati naman nung lalaki. Anong pangalan niya? Bright? Lakas maka bumbilya ah.
"Good morning." walang ganang bati ko.
"Eh bakit ka naman niya hinatid pa Luna?" tanong naman ni boy bumbilya
"Bakit masama ba?" napatingin naman silang dalawa sa akin na para bang nagtataka kung bakit ganoon ang tono ng pananalita ko.
"Ah I-i mean, hindi naman siguro masamang ihatid si Luna rito, besides, it is my way to say thank you to Luna for taking care of me......yeah, t-that's right." alinlangan kong sagot
What the hell is wrong with me?!
"A-ahh ganoon po ba? Ahh sige po.. Ah Luna ano? Tara na?" yaya ni bumbilya kay Luna.
"Sige mauna ka na muna." sagot niya rito kaya naman walang nagawa si bumbily kundi ang tumalima.
Hinarap naman ako ni Luna.
"Salamat sa paghatid, magtatrabaho na ko ah. Yung mga bilin ko sayo ah. Iwasan mo na ang alak. Ayusin mo yung buhay mo. Pasayahin mo ang pamilya mo sa pagbabago mo. Wag ka ng babalik dito para gamutin pa ah." saad niya. Bahagya akong napangiti at wala sa sariling niyakap ko siya.
Basta na lamang kumilos ang katawan ko at nakita ko na lamang ang sarili ko na nakayakap kay Luna.
*DUG DUG DUG*
I can even hear her heartbeat. Parang ang sarap sa feeling (^_^)
Humiwalay ako sa yakap. Tumingin ko sa kanya at balas sa mukha niya ang pagka gulat.
"Thank you for everything Luna." I said saka tumalikod na sa kanya at lumabas na nga ng ospital na iyon
Lumingon ako sa pinanggalingan ko at nakita ko si Luna na naglalakad na rin paloob.
*DUG DUG DUG*
(O_O)
Wait? Kaninong heartbeat yun? Malayo na ko kay Luna ah?
Kusang napahawak ang kamay ko sa dibdib ko at doon nga ay naramdaman kong mabilis ang t***k nito.
Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko. Bigla nalang rumehistro sa aking isipan ang ginawa kong pagyakap kanina kay Luna. Maging ang madalas na pagtitig ko sa itim na itim niyang mga mata.
Napapikit ako ng mariin. What the hell is going on?!
Hinampas ko ang busina kaya lumikha ito na malakas na ingay. My God Luna. What are you doing to me?
The hell! YOU'RE DRIVING ME CRAZY!
*tok tok tok*
Binaba ko ang windshield sa driver seat nang may kumatok rito. Dito bumungad ang isang matandang babae.
"Ijo. Sa susunod naman na bubusina ka ng malakas, tingnan mo kung nasa tamang lugar ka, aba't nasa parking lot ka eh bigla ka nalang bubusina, akala ko tuloy eh masasagasaan na ako." mahinahon ngunit nangangaral na sabi niya.
"Ah eh, pasensya na ho lola." sabi ko saka yumuko.
"Ayos lang ijo, kung ano man yan nararamdaman mo, maiintindihan mo rin yan balang araw." sabi niya na siyang ikinagulat ko.
"Po?" tanong ko ngunit nginitian niya lang ako.
Umalis na siya sa tapat ng bintana ko at ako naman ay naiwang nagiisip ng malalim.
Aaarrggghhhhh!!