bc

HER LUCKIEST DEBT

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
family
opposites attract
second chance
friends to lovers
kickass heroine
mafia
gangster
heir/heiress
drama
tragedy
serious
mystery
loser
office/work place
cheating
disappearance
rejected
poor to rich
addiction
like
intro-logo
Blurb

She is a master of survival, crafting a life out of "rags to riches" against a world that demands her failure. Every door is slammed in her face, and every ounce of hope seems to vanish, leaving her with nothing but the willingness to sacrifice her own spirit to save her siblings. She breaks under the weight of her misfortune, weeping and cursing her luck only to find her strength in the aftermath. She keeps moving forward, fueled by the one thing that prevents her from ever walking away, her family.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: The Weight Of A Coin
HER LUCKIEST DEBT CHAPTER 1: The Weight Of A Coin Ang tunog ng mabibigat na bota sa semento ay mas nakakabingi kaysa sa kulog. Nakadikit ang likod ko sa magaspang na pader ng eskinita, ang hininga ko ay pigil na pigil, halos sumabog na ang baga ko. Huwag kang gagalaw, Mona Lisa. Huwag kang hihinga. "Alam naming nandito ka lang, Mona," ang boses ay malat, parang bakal na kinakalawang. Si Kardo. Ang kanang-kamay ng taong nagpabaon sa akin sa impyernong ito. Sa bulsa ng suot kong kupasing jacket, hawak ko ang natitirang dalawang daang piso ang pambayad ko sa upa at ang pambili ko sana ng hapunan. Pero kung makikita nila ako ngayon, hindi lang ang perang ito ang kukunin nila. Kukunin nila ang dignidad ko. At posibleng ang buhay ko. Tatlong araw na akong walang matinong tulog, naisip ko habang nakikita ang anino ng mga lalaki sa dulo ng eskinita. Tatlong taon na akong alipin ng interes na hindi natatapos. Dahan-dahan kong inilipat ang paningin ko sa fire escape ladder na nakakabit sa mataas na pader. Masyadong mataas. Delikado. Pero kung mananatili ako rito, tapos na ang kwento ko. "Hoy! Lumabas ka na, bago pa namin kalikutin ang buong building na 'to," sigaw ng isa pa. Isang mabilis na desisyon. Iyon lang ang meron ako. Sa bilis ng kidlat, tumakbo ako palabas ng pinagtataguan ko. Hindi papalayo, kundi papunta sa mga basurahan na nakatambak sa gilid. Sinipa ko ang mga ito para gumawa ng ingay sa kabilang panig, sapat para malito sila. Takbo. Habang humahagibis ako sa gitna ng madilim na kalsada, naramdaman ko ang pagpintig ng bawat litid sa binti ko. Walang permanenteng trabaho, walang matatawag na tahanan, walang kasiguruhan kung sisikat pa ang araw bukas. Sa gitna ng pagtakbo, may napansin akong itim na sasakyan na nakahinto sa gilid ng highway. Bumukas ang pinto. Isang estranghero ang lumabas, may hawak na briefcase na tila sinadyang iwan malapit sa basurahan, hindi man lang nito inihulog mismo sa loob ng basurahan, inilagay lamang na parang ayaw marumihan. Palinga linga ito sa magkabilang paligid, pagkuwa'y nagmadaling sumakay sa isang luxury na sasakyan. BMW? Kung tama ako sa nakikita ko. Huminto ako. Ang puso ko ay humahampas sa dibdib ko na parang ibon sa hawla. Hindi ko mabitiwan ng tingin ang briefcase na sinadyang iwan nung lalake. May kung anong tumunog sa utak ko. Natutuwa. Baka para sa akin. Oo, baka para sa akin! Isang masuwerting araw! Pera? Alahas? Ginto? Nasa loob ng briefcase na iyon ang susi. Hindi lang susi ng isang bahay, kundi susi ng isang buhay na matagal ko nang pinangarap. Pero sa likod ko, papalapit na ang mga yabag ni Kardo. Mona Lisa, itataya mo ba ang kaluluwa mo para sa pagkakataong ito? Walang pagpipilian. Kapag pumili ako, may magugutom. Mauubusan ng huling patak ng gamot si Papa. Mapapatigil si Laila sa pag-aaral. Mauudlot ang pagpapagamot kay Mama, pati na ang buhay-at-kamatayang maintenance ni Gab. Lahat ng 'to, kaya kong pasanin. Kaya kong isugal ang lahat pati ang sarili kong kaluluwa. Bago pa man ako umabot sa bingit ng mga mata ni Kardo, kumilos na ang mga paa ko na mas mabilis pa sa hagupit ng hangin. Saglit kong dinampot ang briefcase bago sumuot sa dilim. Kailangan kong mawala sa paningin niya at ng mga tauhan niya. Isiniksik ko ang sarili ko sa sikip at dilim ng isang basurahan. Amoy bulok, nakakasulasok. Pero wala akong pakialam. Sanay na ang katawan ko sa dumi. Kung tutuusin, dapat ko pang pasalamatan ang mga basurang ito, ilang beses na rin silang naging karamay ko para iligtas ang sarili ko at ang buong pamilya ko. Habang patuloy akong nagmamanman sa dilim, may sumingaw na amoy sa gitna ng masangsang na basura. Kahit nanuot na sa lalamunan ko ang amoy bulok, nakilala ko agad ang mabangong pamilyaridad na 'yon. Isang beses lang sa isang taon kung umorder kami ng Jollibee, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang amoy ng paborito ni Gab. Dali-dali akong nagkumot sa mga pinagtabuyan. Lalo pang tumalas ang pangamoy ko, sinusundan ang linya ng malutong na manok. Kumakalam ang sikmura ko. Kahit madilim at walang kasiguruhan kung ano ang madidiin ng mga daliri ko sa basurahan, binalewala ko ang lahat. Ang tanging mahalaga ay makuha ang pagkaing 'yon para sa kanya. May nasalat ang mga kamay ko, isang malaking plastik. Dinikit ko ang ilong ko rito para tiyakin. Nang lumanghap ang pamilyar at matinding amoy na kanina pa nagpapatunog sa sikmura ko, walang-patummanggang pinunit ko ang balot. Busog ito sa laman. May mga buto-butong may kaunting laman pa, mga tirang ulam na halos hindi pa nagagalaw. Kahit ano pa 'yan, sinunggaban ko at isinubo nang sabay-sabay. Ninanamnam ko ang bawat pagnguya. Ang sarap! Habang ngumunguya, tila may sariling isip ang aking mga mata, lumuluha ito habang umiinit ang aking mga pisngi. Nalasahan ko ang alat at pait ng mga luhang humahalo sa bawat subo. Masakit isipin. Sa madilim na basurahan ko pa matitikman ang ganito kasarap at mamahaling pagkain. Dito pa sa dumi ng lansangan natagpuan ang kauna-unahang salong-sikmura ko sa maghapong ito. Ngunit sa kabila ng hapdi, mabilis kong pinahid ang aking mukha at ngumiti nang mapait sa sarili. Ayos lang, naibulong ko. Pag-uwi ko huhugasan ko ito nang maigi, lalagyan ng pampalasa, at muling lulutuin. May pang-ulam na rin sina Mama mamaya. Para sa mga taong katulad kong gumagapang sa putik bago nakahanap ng pera ay isang biyaya para sa'kin ang makapulot ng barya o pagkain sa basurahan. Mahirap kitain ang pera. Masakit. At delikado. Bumigat ang aking tiyan. Busog na ako at halos wala pang bawas ang laman ng isang plastik na pinagkainan ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Dahil sa matagal na pagkubli, hindi ko na matukoy kung anong oras na. Nangalay ang buong katawan ko sa kakayuko at kakatago. Siguro nama’y sawa na sa kakahanap ang mga pesteng ’yon sa akin. Nang masiguro kong ligtas at tahimik na ang daan, marahan akong umahon mula sa aking pinagtaguan. Pinagpag ko ang aking damit at sinubukang mang-amoy. Malamang, amoy basura na rin. Sa tagal kong nakasuksok doon, imposibleng mag-amoy dalaga pa ako. Gaya ng dati, sa lilim at dilim ng gabi ako dumadaan. Umiiwas sa bawat taong makasalubong. Yumuyuko, nagtatago sa sariling balikat tuwing maririnig ang mga bulong at usap-usapan tungkol sakin at sa aming pamilya. Hindi pa ako maaaring umuwi. Sa halip, lumiko ako patungo sa maliit na kainan ni Aling Myrna. Sana. Iyon ang dasal ko habang papalapit. Sana ay tinambakan siya ng mga hugasin kanina. Masama man itong pakinggan, ito na lamang ang tanging paraan upang makapasok ako at muling makiusap na maging dishwasher. Alam ko ang ugali ni Aling Myrna, maldita, suplada, at laging nakasimangot. Subok ko na siya. Sanay na akong masigawan at mapagbalingan ng init ng ulo. Isa pa, may kabutihan din naman sa kabila ng kasungitan niya. Kapag maaga kong natatapos ang mga utos, pinapauwi niya akong may dalang supot ng mga tirang ulam. At para sa akin, mas mabuti na ang umasang may iuuwing ulam mula sa kusina niya, kaysa muling mangalkal ng pagkaing itinapon sa basurahan. Agad kong hinanap si Kuya Verne o si Kuya Verns kung tawagin ng mga suki at kakilala. Siya ang maaasahang tagaluto ng mga ulam dito, at nagkataon ding pinsan ni Aling Myrna. Saktong-sakto ang dating ko, abala siya sa paghalo ng malaking kaldero ng pares na ihahain mamayang alas-diyes, eksaktong oras ng uwian ng mga panggabing manggagawa mula sa planta. Bago pa man siya lumingon, lumapit na ako nang may halong kaba at pag-asa. "May tambak ba, Kuya Verns? Sana meron naman," tanong ko sa biyudong tagaluto habang pinapairal ang pinakamahusay kong mukhang kawawa nanlalaki ang mga mata, nakanguso, at nagpapasya nang magmukhang abandoned puppy. Hindi na siya lumingon sa lababo para sumilip. Sa halip, diretsahan niya akong tiningnan habang patuloy sa paghalo ng kaldero. "Kaninang tanghali pa ang mga hugasing 'yan," biro niya, may kasamang himig ng panunukso. "Walang sumulpot na dishwasher ngayong araw maliban sa iyo na kung kailan gabing-gabi na e saka pa nagpakita. Aswang yarn?" Sabay humagalpak siya ng tawa na umalingawngaw sa maliit na kusina. Bago pa man ako makapagsalita, nagpatuloy na siya sa pagdaldal habang mabilis na hinahalo ang kumukulong pares. "Hindi rin naman kasi sumulpot si Abby. Siya itong nangako kay insan na maghuhugas ng mga plato, tapos nganga walang Abby na sumulpot." Parang musika sa tainga ko ang mga salitang iyon. Walang pagsidlan ang tuwa ko, gusto ko sanang mapasayaw sa tabi ng kalan. Hindi na ako nagpapaligoy-ligoy pa, kinuha ko ang gasgas nang apron, mahigpit na itinali ang mahaba kong buhok at humarap sa tambak na lababo. Habang nag-aayos ako, napangiti ako nang maisip ang bulsa ko. May dalawang daan pa akong natitira, at mamaya pagkatapos ko rito, aabutan pa ako ni Aling Myrna ng 250 at may kasama pang ulam. Ayos, bulong ko sa sarili. May ulam na nga sa hapunan, may pambayad pa ng upa bukas. Subalit habang abala ang mga kamay ko sa pagbabanlaw, biglang lumipad ang isip ko sa isang bagay na kanina pa nagpapakabog sa dibdib ko. Ang misteryosong briefcase. Kasalukuyan itong nakatago sa maliit na locker dito sa kusina, katabi ang pagkaing nakuha ko sa basurahan kanina. Ang briefcase na sinadyang iwan ng lalaki. Bakit kaya? Napagtanto ko na ni minsan ay hindi ko man lang naisipang silipin o buksan ang dala-dala kong iyon. Ano kaya ang laman? Pera ba? Ginto? Isang halo ng kaba at matinding sabik ang gumapang sa buong sistema ko. Yayaman na ba ako? YAYAMAN NA KAMI!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.8K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
3.1K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
260.8K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
89.7K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.5K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
15.8K
bc

Inangkin ako ni Ninong (SPG)

read
40.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook