-Belleyel- Napanganga ako habang mapang-usig na tinititigan kami ng guro na nasa harap namin. "Fernandez?" Napaangat ako ng tingin nang bigla niyang banggitin ang pangalan na iyon. "Po?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. "Ikaw ba?! Siya!" Anya saka ininguso si Icell na nasa likod ko lang. Nakasandal siya sa dingding habang magkahawak ang kamay namin sa likod. Tinignan ko ang nakalagay na pangalan sa may bulsa niya. Fernandez "So you are the famous Fernandez who has a gang here. So what are you doing here with Miss..." Tinignang niya ang pangalan na nasa uniporme ko. "Reyes?" Pilit kong inaalis sa pagkakahawak ni Icell yung kamay ko kasi dumako ang tingin niya doon. "Bakit kayo magkahawak kamay?" Nakataas kilay na tanong nito. "Why? Is it not allowed?" Nilingon ko si Icell. Napamu

