Warning SPG! In Love And Death -Belleyel- Binaba niya ako sa wakas nang makapasok na kami sa loob ng chapel ng dati kong paaralan, hinila niya ako palakad sa pinakadulo ng chapel kung saan ang stage at huminto kami sa pinaka-sentro. "Ice." Saglit siyang huminto dahil tumigil ang paghakbang ko. Napakurap pa ako nang makita ko ang nakangiti niyang mukha sa paglingon niya. Sa ilang ngiti na nakita ko sa kanya, ito na yata ang pinaka-maganda at pinakamalambing. Kaya't hindi ko napigilan ang mapangiti sa kanya pabalik. Pinaharap niya ako sa malaking krus na nasa harap at gayundin ang kanyang ginawa. "I want to tell You something," Kumunot ang noo ko at pinakinggan ang kanyang sasabihin kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. "I want to confess all my sins and i'll leave it to Your

