"Nope, hindi alam ng parents ko. That's why it's really heavy here," tinuro niya ang puso niya. "My mom, I'm afraid she will question herself why I become like this. It's not like I wanted to be like this, I mean– it just happened." Pangalawang baso pa lang ni Atlas. Itong akin ay pangatlo na. "They are your parents. Matatanggap ka nila," I figured I should say that. Kahit na hindi ko alam kung paano magkaroon ng mga magulang. "It's not the end of the world, come on. You are attracted to both women and men, who knows? You might end up having a family one day, and if not– may kapatid ka pa. Ihabilin mo na sa kanya ang pagpapatuloy ng blood line niyo," bahagya akong napatawa. "Nothing's easy huh..." nag-isang shot pa ulit si Atlas. Sa pang-apat na shot niya ay may kamay na pumigil na sa k

