"Come," tumayo si Dwayne at inilahad ang kamay sa akin. "E-eh?" Nagtataka ko siyang tiningnan. "Nagpaalam na ako kay Mickey. Don't worry," seryoso niyang sabi at binitbit ulit ang mga regalo na dala niya. Sinundan ko siya sa elevator. Bumaba kami sa basement kung saan siya naka park. He opened the door for me so I hop in. He put the paper bags in the trunk. "We goin' somewhere?" I calmly asked. "Yes," Pagkatapos nun ay nanahimik na ako. Dala na rin ng pagod at dami ng iniisip. Star City. Dito pala ang punta namin. I thought it would be noisy dahil sa mga rides, pero baka tahimik na dahil nag-uwian na ang mga tao. Tiningnan ko ang oras, magsasara na sila. Ano ang gagawin namin dito? "Let's go," iniwan lang ni Dwayne ang sasakyan niya, may nakita naman akong papalapit na naka black.

