THIRD PERSON POV; Ilang araw na ang nakalipas mula ng bumalik sa bansa si Zamirah. Inihahanda na din ni Donya Mariella ang isang engrandeng party para dito na dadaluhan ng mga kilalang tao sa mundo ng pagnenegosyo. Habang abala si Zamirah sa pamimili sa mall ay kinausap naman ni Adam si Donya Mariella, tungkol sa babae at sa tunay na pagkatao nito. Kumatok si Adam ng dahan-dahan sa pinto ng opisina ni Donya Mariella dito sa mansyon. "Pasok!" Ani ni Donya Mariella na hindi alam kung sino ba ang kumakatok "Madam!" Tawag ni Adam kay Donya Mariella na abala pala sa mga kailangan nitong pirmahan para sa kompanya. "Iho,may kailangan ka ba?" Tanong pa ni Donya Mariella. "Madam,busy ka po ba? Nakakaistorbo ba ako?" Sunod-sunod na tanong ni Adam dito. "Hindi naman masyado,medyo minamadali

