"H'wag kayong mag-alala Lola, dahil hindi ko pababayaan ang mag-ina." Sabi pa ni Adam na ikinangiti naman ni Donya Mariella ang naging sagot nito. "Maraming salamat Adam,sana ay hanggang sa huli ay nasa tabi ka pa din ng aking apo." Nakangiti na sabi pa ni Donya Mariella. "Sige po Lola, kailangan ko pa na sunduin ang mag-ina,dahil siguradong pagod ang baby Yeira sa pamamasyal nila." Paalam pa ni Adam. "Sige na Iho, pasens'ya na kayo,dahil hindi ko kayo masasamahan ngayon. Kailangan ko pa itong tapusin para bukas ay okay na at wala na akong iisipin pa."wika pa ni Donya Mariella at naglakad na nga palabas ng pinto si Adam. ******************* AMIRAH'S POV Nasa mall kami ngayon kasama si Yaya Shane at si baby Yeira. Umuwi kasi sandali si Adam at nakalimutan daw nito ang kan'yang lise

