Continuations of LOYDA'S FLASHBACK'S Kinabukasan ay hupa na ang init sa katawan ni Loyda at Noah. Wala na din ang epekto ng drugs sa kanilang mga katawan. Unang nagising si Loyda at pinanood nito ang s*x video ni ni Noah na ngayon ay kamukhang-kamukha na ni Xandro. Kung hindi lamang bumalik si Xandro ay tuluyan na nilang makukuha ang kompanya. Pero sad'yang may swerte pa sila,dahil nakita n'ya agad na hindi si Noah ang nasa mansyon ng umuwi s'ya ng araw na iyon. Kilala n'ya ang nobyo maging ang kilos nito kaya naman agad n'yang natawagan si Noah na h'wag ng babalik sa mansyon. Habang pinapanood ang video ay napapangiti na lamang s'ya,dahil kapag nakita ito ni Amirah ay iisipin n'ya talagang si Xandro ito. "Napakatalino mo talaga Loyda." Kausap pa nito sa kan'yang sarili habang nan

