Pagkatapos kumain ay naisip ni Xandro na pumunta muna sa kwarto ng kan'yang mommy. Kumatok s'ya at ng marinig ang tinig ng kan'yang Ina ay agad n'yang pinhit ang doorknob na bukas naman pala. "Mom!" Tawag ni Xandro. "Yes Son,may kailangan ka ba?" Tanong ng kan'yang Ina ng makapasa si Xandro sa loob ng silid nito "Gusto ko na malaman kung anong ulat ng tauhan mo Mom na sumusubaybay kay Loyda!?" Diretsahan na tanong ni Xandro sa kan'yang mommy. "Katatawag lang n'ya at kasama daw ng asawa mo maghapon ay bestfriend n'ya. I'm sorry pero mukhang mali ata ang hinala ko kay Loyda. Baka wala talaga s'yang kinalaman sa pag-alis ni Amirah." Sagot ng mommy ni Xandro na humingi pa ng pasens'ya. "Okay lang Mom,sa tingin ko ay kung para talaga kami sa isa't-isa ni Amirah ay babalik s'ya sa akin. P

