CHAPTER:37

1111 Words

Naglalakad kami ngayon ni Asun papunta sa sala,dala ang mga meryenda para kila Madam. Nakangiti naman sa akin si Ma'am Gaile ng malapit na ako dito. "Meryenda po."Saad ko dito. "Thank you!" Sabi nito ng ibigay ko sa kan'ya ang juice.. "Alam mo girl,ang ganda ganda mo talaga, hindi ako makapaniwala na maid ka lang dito sa mansyon ni Madam Allyza." Sabi pa nito na hindi naman nakakainis dahil totoo naman na katulong lang ako at syempre nakakakilig na masabihan na maganda ng isang napakagandang babae din na kung tutuusin ay hindi n'ya naman kailangan pang sabihin iyon. "Salamat po sa papuri." Ani ko dito. "Maganda talaga yang si Amirah,unang kita ko pa lang sa kan'ya noong iniligtas n'ya kami ay gandang ganda na ako sa kan'ya." Sabi naman ni Madam. "Hindi naman po ako ganoon kaganda."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD