Ilang araw na akong umiiwas Kay Sir Xandro at mabuti na lang ay palaging nandito di si Loyda kaya naman kahit papaano ay hindi n'ya ako masyadong ginugulo. Ngayon nga ay susukatan nga ng kan'yang size si Loyda para sa kan'yang wedding gown. May babaeng pumunta dito ngayon at ito ang kanilang wedding designer. Maganda ang babaeng may napakagandang katawan na para bang modelo. Sa totoo lang mas maganda pa nga ito kay Loyda. Pababa naman si Sir Xandro ngayon sa hagdan at himala at hindi nito kasama ang babaeng parang linta kung makalapit sa kan'ya. "Amirah!" Tawag nito sa aking pangalan. Dapat ay aalis na ako bago pa ako makita nito pero huli na dahil tinawag na ako nito at hindi naman maaring hindi ko ito puntahan. "Po!" Tipid na sagot ko dito. "Lumapit ka sa akin." Utos pa nito hab

