"Babe, sinaktan ako ng katulong na yan." Kunwaring umiiyak na sabi pa ni Loyda. Pero nagulat ako ng bigla nitong alisin ang pagkakayapos ng kamay ni Loyda sa katawan n'ya. "Babe!" Tawag pa ni Loyda dito pero nilagpasan lamang s'ya nito at lumapit ito sa akin. "H'wag mong sabihin sa akin na kakampihan mo talaga ang muchacha na yan!* Nanggagalaiti na tanong pa nito kay Xandro. "Tumigil ka Loyda,at alam kung hindi ka papatulan ni Amirah kung wala kang ginawang mali sa kan'ya! At anong ginagawa mo dito sa mansyon? Di ba nag-usap na tayo Loyda." Wika ni Xandro at tila matinding pagtitimpi ang ginagawa nito para lamang hindi masaktan si Loyda. "Talaga bang kakampihan mo ang babaeng yan Xandro? Ako ang biktima dito." Nagpapaawang sabi nito. "Hindi na kita maintindihan Loyda,ang mabuti pa ay

