Makalipas ang dalawang araw ay okay na talaga ang aking pakiramdam. Hindi na din ako pinalipat ng kwarto ni Xandro at maging ni Madam Allyza na sinunod ko na lamang. Ngayon nga ay heto ako at nagdidilig ng mga halaman dito sa garden. Napakagandang pagmasdan ng namumukadkad na mga bulaklak na para bang ang ibig sabihin nito sa akin ay bagong simula. Napapangiti na lamang ako at kinakausap pa ang mga ito. Sa Isla kasi ay ito ang aking madalas gawin sa mga tanim kong halaman na nakakagaan ng aking pakiramdam. Lalo na kapag may mabigat akong pinagdadaanan ay kinakausap ko ang mga halaman. "HAYOP KANG BABAE KA!" Dinig kong sigaw ni Loyda na hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sa akin at galit na galit ito ngayon na para bang may ginawa na naman akong mali sa kan'ya. Samantala

