Lumipas na ang maghapon at ngayon ay katatatapos ko lang kumain ng hapunan at itong magaling na Boss ko ay tila wala yatang balak na iwan ako dito sa kwarto na ultimo pag-ihi ko ay talagang nakabantay ito. Para tuloy akong bata ngayon na inaalagaan at binabantayan nito. "Xandro, p'wede mo naman akong iwan na dito." Sabi ko dito na ikinaangat nito ng kan'yang ulo. May binabasa kasi itong tila mga papeles na hindi ko naman alam kung ano ba ang mga iyon at wala naman akong pakialam. "Dito ako matutulog." Sagot nito at lumapit na sa akin. Inilagay nito sa bedside table ang hawak kanina. Wala na akong nagawa ng mahiga ito sa tabi ko at ako naman ay tumalikod na lamang dito. Nakatulog din naman ako kanina ng makainom ako ng gamot kaya ngayon ay parang hindi na ako dinadalaw ng antok. Haban

