Matapos ang araw na iyon na nagkasagutan kaming dalawa ni Yzmael ay hindi ko na ito pinapansin.
At ngayon nga ay nagyaya si Fonso na maligo kami sa kabilang isla.
Nagpaalam naman ako kila Inay at itay, pumayag naman sila.
"AMIRAH!" Dinig ko na tawag sa akin ni Fonso, kakauwi pa lamang kasi nito galing sa Manila dahil doon dito nag-aaral ng kolehiyo.
"Nay lalabas na po nand'yan na si Fonso." Paalam ko pang muli sa aking Ina.
"Mag-iingat kayo anak, alam mo naman na kahit marurunong kayong lumagoy ay maaring may malunod pa din kapag hindi nag-ingat."Bilin sa akin ni inay na lagi ko naman tintandaan,dahil noong nakaraang taon lamang ay may nalunod nga dito sa amin,dahil sa hindi din nakinig na tumataas na ang alon.
"Opo Nay," sagot ko dito.
Lumabas na nga ako at nakita ko naman si Itay na sa kausap si Yzmael.
At nandito na naman ang bruhang si FIA.
Sabagay baka susunduin din nito si Yzmael at maaring kasama din namin ito.
"Tay aalis na po kami " paalam ko din kay itay.
"Ingat kayo anak, Fonso ikaw na ang bahala sa kanila." Bilin pa ni Itay sa amin.
"Opo mang Karyo,ako na ang bahala sa kanila." Sagot ni Fonso kay Itay.
"Tayo na Yzmael!" Pag-aya naman ni FIA kay Yzmael.
"Tay aalis na po kami!" Paalam din nito kay Itay.
Naglakad na nga kami papunta sa bangka na aming sasakyan papunta sa kabilang isla.
Habang paakyat ako sa bangka ay may dalawang kamay ang nasa harapan ko ngayon at gustong umalalay.
Kaliwa ko ay si Yzmael at sa kanan naman ay si Fonso.
Mas minabuti ko na lamang na hawakan ang kamay ni Fonso dahil hanggang ngayon ay nagtatampo pa din ako kay Yzmael.
"Salamat Fonso!" Sabi ko pa dito at umakyat na din pagkatapos akong alalayan.
"Yzmael pwede ba na kargahin mo ako para hindi sumayad ang aking balat sa gilid ng bangka!" Maarteng sabi naman ni FIA kay Yzmael na wala naman nagawa ku'ndi sundin ang utos nito at ang suot na naman ng babae ngayon ay kulang nalang hindi nagdamit.
Kung sabagay nasa tabing dagat kami at maliligo kaya bagay naman ang suot n'ya ngayon.
Sad'yang ako ang naluluka dito kapag natanggal ang tali ng bra n'ya sa likod ay siguradong makikita ang mga monay n'ya.
Pero kung sa dibdib lang naman ang pag-uusapan ay hindi naman ako papatalo dito,alam ko naman sa aking sarili na may ibubuga din itong aking mga monay na kahit hindi ibalandra ay nahahalata naman kahit pa malalaki ang aking suot na damit kadalasan.
"Salamat Yzmael!"malanding sabi pa ni FIA habang inilalapag ito nito ng lalaki.
Magkatabi ang dalawa at ako naman ay katabi din si Fonso ngayon.
Mag-iisang taon pa lang naman ito sa Manila,pero ang awra nito ay tila nag-iba,mas lalo itong pumuti at ang katawan na dating batak na batak ay lalong naging maganda.
Hanggang sa nakarating din kami sa kabilang isla at halos magsigawan na ang lahat.
Kasama din kasi namin ang mga kababata namin na si Camie at Luis na magkasintahan din.
Si Camie ay isa sa masasabi kong totoong kaibigan sa akin, hindi ko man masasabing bestfriend ko ay maasahan naman ito.Ayaw din nito kay FIA.Noong minsan nga ay halos masabunutan na nito si FIA dahil sa kalandian nito.
Isa isa na kaming nagsipagbabaan at katulad kanina nag-inarte na naman si FIA.
Binuhat na naman ito ni Yzmael dahil namamanhid daw ang mga paa nito at hindi makalakad ng maayos.
"Ang arte talaga!" Dinig ko pang sabi ni Camie na ikinalingon ko dito.
Ngumiti lamang ako at napatingin naman kay Fonso na tila balewala lamang dito ang sinabi ni Camie, tungkol sa kapatid n'ya ,siguro ay maging ito ay napapansin na din ang mga pinaggagawa ng kan'yang malanding kapatid.
"Inalalayan naman akong muli nito at nauna muna s'yang bumaba at ngayon ay tila aabangan ako nito at bubuhatin din.
"Kaya mo ba ako!?" Tanong ko pa dito.
"Oo naman kayang kaya kita,wala ka bang bilib sa mga muscle na ito!" Sagot nito sa akin na ikinatawa ko na lamang.
"Ikaw talaga!" Sabi ko dito at humawak na sa kan'yang kamay.
Karga nga ako nito at ang loko ay dinala pa ako kung nasaan ang mga kasama namin saka ako nito ibinaba.
"Aysus dito talaga ako sa dalawang ito kinikilig. "Sabi na naman ni Camie na nakasunod lamang sa amin.
"Sagutin muna kasi yang si Fonso." Tudyo pa ni Luis sa akin.
"Alam n'yo tigilan na ninyo ang pang-aasar sa amin.Ang mabuti pa ay ayusin na natin ang mga dalang tent para mamaya ay okay na ang lahat." Wika naman sa kanila ni Fonso.
Kan'ya kan'ya na nga kami na ayos at kami ni FIA ang magkasama s isang tent.
"Pwede naman kasi na kami ni Yzmael ang magkasama dito!" Naiinis na sabi pa nito habang inaayos namin ang tent.
"Bakit kasi hindi mo sabihin sa Kuya mo na si Yzmael ang gusto mo na kasama at hindi ako " Sagot ko naman dito.
Alam ko naman na ayaw ko nitong makasama sa iisang tent.Kyng ayaw n'ya sa akin ay mas lalong ayaw ko din sa kan'ya.
"Ikaw na kaya ang magsabi kay Kuya na gusto mo s'yang makasama sa isang tent,para automatic kami na ni Yzmael ang magkasama sa iisang tent.
Utos pa nito sa akin.
Alam mo FIA kung gusto mo ay ikaw ang magsabi sa kanila dun,dahil alam mo naman kung ano lamang ang namamagitan sa amin ng Kuya mo." Sabi ko pa dito.
"Ano bang ayaw mo kay Kuya? Ang tagal na n'yang nanliligaw sa'yo pero hanggang ngayon ay hindi mo pa din s'ya sinasagot!?" Nagulat ako sa mga sinasabi ng babaeng ito sa akin,dahil noon ay inis na inis ito kapag lumalapit sa akin ang Kuya n'ya at noon ay gumagawa pa nga nito ng paraan para magalit sa akin si Fonso.
'"Bakit tila yata bumaliktad na ang mundo ngayon FIA,noon ay halos ayaw mo akong palapitin sa Kuya mo! Ngayon naman ay halos gusto munang sagutin ko s'ya."Wika ko dito na ikinaismid lamang nito sa akin.
"Gusto ka ni Kuya at bilang kapatid n'ya kahit ayaw ko sa'yo, susuportahan ko pa din s'ya." Sagot nito sa akin na ikinatawa ko na lamang dahil sa mga sagutan nito na halata naman kaya n'ya ako ipinagtatabuyan sa kan'yang Kuya Fonso ay dahil gusto n'yang masolo si Yzmael.
"Bakit ka tumatawa d'yan? Nababaliw ka na ba? Tanong pa nito sa akin.
"Wala naman masama bang tumawa!?" Sagot ko dito na palaban na din.
Naiinis na kasi ako sa mga sinasabi nito sa akin na akala mo naman ay susundin ko.
Alam ni Fonso kung anu lamang ang kaya kong ibigay sa kan'ya at tanging pagkakaibigan lamang at tanggap naman daw nito ang aking desisyon.Ang tanging hiniling lamang nito sa akin ay h'wag akong lalayo sa kan'ya at kung sakali man na may mamahalin akong lalaki ay ipaalam ko sa kan'ya.Mabuting kaibigan sa akin si Fonso kaya naman sinusuklian ko din ito nang maayos na pakikisama dito.
"Ikaw na nga ang magtapos nito!" Pabalibag na ibinagsak nito ang kabilang parte ng tent na inaayos namin.
Naglakad ito papunta sa may dalampasigan at hinayaan ko na lamang.
"Mas okay pa nga na mag-isa na lamang akong mag-ayos nito kaysa naman katulong ko ang isang iyon na puro reklamo." Kausap ko sa aking sarili at nagpatuloy na nga ako sa pag-aayos nitong tent.
"Kailangan mo ba ng tulong!?" Napalingon naman ako sa nagsalita at hindi ko naman ito sinagot dahil baka mamaya ay nakikita na naman kami ni FIA na nag-uusap nito.
"AMIRAH,bakit ba parang ayaw mo akong kausapin!?" Tanong pa nito.
"Pwede ba Yzmael! Kaya ko na ito doon ka na lang kay FIA manggulo." Sagot ko dito.
"Yzmael!"
Speaking of the devil heto na nga at napansin na nito ang paglapit sa akin Yzmael.
"Oh hayan na pala s'ya!" Sabi ko pa.
"Nand'yan ka lang pala,halika doon tayo at samahan mo akong maligo."Sabi pa ni FIA na ngayon ko lang napansin na tanging bra at panty na lamang pala ang suot nito.
Ito ata ang sinasabi nilang two piece.Kanina kasi ay nakasuot pa ito nang shorts.
"Bakit naliligo ka na at hindi tinutulungan dito si Amirah!" Tanong ni Yzmael sa babae at napatingin naman sa akin si FIA.
"Ang sabi n'ya kasi sa akin kanina ay kaya n'ya na daw ito kaya naman umalis na lamang." Sagot nito na ikinataas ko na lamang ng kilay.
"Totoo ba ang sinasabi ni FIA?" Tanong pa ni Yzmael sa akin na halata naman na hindi ito naniniwala sa babaeng ito.
"Kaya ko naman kasi talaga ito,at sige na maligo na kayo at iwan na ako dito." Sagot ko sa kanila.
"See! Kaya n'ya na daw dito kaya halika na!" Pag-aya pang muli ni FIA dito.
Sumama na lang din dito at alam ko naman na nag-eenjoy din s'ya sa presensya ni FIA.
Matatapos na ako sa pag-aayos ng tent nang may maramdaman akong tila may tao sa aking likuran.
"Tapos ka na ba?" Tanong nito sa akin na walang iba ku'ndi ang aking bestfriend na si Fonso.
"Malapit na ito,bakit nandito ka pa at hindi makisali sa laro nila!? Sagot ko dito at nagtanong na din kung bakit hindi s'ya sumasali sa mga kaibigan namin na nagsasaya na ngayon.
"Wala ka kasi doon kaya naman hindi din masaya." Sagot nito sa akin.
"Ikaw talaga,ang mabuti pa siguro ay magluto na tayo ng mga kakainin dahil tiyak na gutom ang mga yan, pagkatapos nilang maglaro." Sabi ko dito.
"Game, lutuan na!" Sabi pa nito at inayos na nga namin ang mga pagkain na lulutuin.Sa totoo lang ay magaling talagang magluto si Fonso kaya nga HRM ang kurso na napili nito
Gusto kasi nito na makasakay sa barko bilang isang Chef at ang kan'yang kurso naman na napili ay maari sa larangan kan'yang gustong pasukin.
"Siguro kapag nakasakay ka na sa barko ay baka makalimutan muna kamo dito,lalo na kapag nakakilala ka na ng naggagandahan na babae doon." Sabi ko pa dito habang pinaypayan ko ang baga para magtuloy-tuloy na ito sa pag-apoy.Magluluto kasi kami ng barbeque.
"Alam mo naman na hindi mangyayari iyon, tingnan mo nga at taon taon ay umuuwi ako dito para bisitahin kayo,lalo ka na Amirah." Wika nito na parang nagsisi tuloy akong biniro ko pa ito.
"Alam mo naman na hangga't wala ka pang ipinapakilala sa akin na lalaking mamahalin mo at mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal ko ay umaasa pa din akong baka sakaling mahalin mo din ako." Sabi pa nito.
"Mahal naman kita Fonso,pero alam mo din naman na kapatid lamang ang nararamdaman kong pagmamahal para sa'yo." Sabi ko pa dito sa malungkot na tono ng aking boses.
"Huwag na nga ito ang pag-usapan natin,dapat ay magsaya lamang tayo dahil birthday mo." Sabi ko pa at ngumiti naman ito sa akin.
"Tama ka araw ko ito at magsasaya lamang tayo ngayon." Sabi naman nito at nagtawanan na lamang kami.
Ganito naman talaga kami nito palagi,ayaw ko kasi na sasama ang loob nito sa tuwing napag-uusapan namin ang pagkakagusto n'ya sa akin.
Hanggang sa lumapit na sa amin sila Camie na tila mga gutom na.
"Ay ang bango naman ng niluluto n'yo d'yan na dalawa," Sabi pa nito.
"Kaya naman pala hindi kayo nakikigulo sa amin,dahil nag-eenjoy na kayong magluto dito." Sabi naman ni Luis na nakahawak pa sa beywang ng girlfriend nito.
"Alam naman natin lahat na bonding ng dalawa na yan ang pagluluto."
"Nakakagutom naman ang mga naamoy ko na niluto n'yo Kuya." Wika ni FIA na palagi na lamang nakadikit kay Yzmael na ngayon ay nakahawak din sa beywang ng babae habang sinusubuan s'ya ni FIA ng barbeque.
"Syempre luto namin ni AMIRAH yan,, kailan ba kami nagluto ng hindi masarap!" Sabi naman ni Fonso na ngumiti pa sa akin at piningot ang aking ilong na madalas naman talagang gawin nito.
Hindi naman nakaligtas sa aking mata ang mga tingin ni Yzmael na para bang galit ito o baka naman ako lang ang nag-iisip nito.