Lumipas ang mga araw at tuluyan na nga na naghilom ang mga sugat ni Yzmael.
Heto nga at tulong-tulong kami ngayon na gumagawa nitong kan'yang magiging kubo.
Dahil hindi naman s'ya maari sa kwarto ko manatili.
"Iho isabit mo ito nang maayos d'yan." Utos pa ni Itay dito.
"Opo Tay!" Sagot ni Yzmael na nasanay na din itong tawagin na itay at inay ang mga magulang ko.
Hanggang ngayon ay wala pa din itong maalala sa kan'yang nakaraan at kahit pa pilitin n'ya ay hindi nito magawang maalala ang kan'yang nakaraan.Sumasakit pa nga ang ulo nito kapag pinipilit n'ya.
Kaya naman hindi na namin ito madalas tanungin dahil baka makasama pa sa kan'ya.
"AMIRAH!" Dinig kong tawag sa akin ng kapatid ni Fonso na si FIA.
Hindi ko nga alam kung bakit napapadalas ang pagpunta nito dito sa amin.
Dati naman kasi ay hindi ito pumupunta sa amin,pero ngayon napapansin ko na halos araw-araw ay nandito at nakikipag-usap ito kay Yzmael.
Minsan nga ay naiinis na ako dito,dahil kung makapagdamit ay akala mo isang pokpok,kulang nalang ay bra at panty nalang ang suotin.
Hindi ko nga lang masabi dito dahil syempre kaibigan ko pa din ang kan'yang kapatid at ang Ina naman nito ay sobrang bait din sa akin.
"Anong ginagawa mo dito FIA?" Tanong ko sa kan'ya.
"Wala naman,parang sa tono ng pagtatanong mo sa akin Amirah ay tila ayaw mo akong magpunta dito." Tanong pa nito sa akin.
"Hindi naman, nagtatanong lang naman ako,nakakapagtaka kasi na madalas ka na kung magpunta dito, samantalang noon ay halos ni hindi makalapit dito sa kubo namin." Sagot ko dito na bagama't mahinahon ay siguro naman ay makakahalata ito sa aking ipinupunto.
"Wala naman sigurong masama kung ngayon lamang ako nagpupunta dito di ba!?" Tanong pa nito sa mataray na tono ng kan'yang boses.
Ayaw ko na lamang itong patulan,dahil baka kapag pinatulan ko ito ay magkaroon pa ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin at baka madamay pa dito ang magandang samahan namin ng kan'yang Ina at nakakatandang kapatid.
"Hi Yzmael!" Tawag naman nito kay Yzmael na pababa na ngayon mula sa itaas ng kubo na ginagawa nila ni Itay.
Halos patapos na sila dito at tanging bubong nalang ang kulang at makakalipat na s'ya dito.
"Sige Amirah, hindi naman kasi talaga ikaw ang ipinunta ko dito ku'ndi ang aking Yzmael." Sabi pa nito sa akin sa medyo mahinang boses lamang nito at naglakad na papunta sa pwesto ng lalaki ngayon.
Kekembot-kembot pa ito habang papalapit ngayon sa lalaki at ang nakakainis ay kung makangiti naman dito si Yzmael ay tila ba gustong gusto naman nito na nandito ang babaeng.
Tila nag-eenjoy pa ang loko habang papalapit sa kan'ya ang bruha na akala mo naman ay feeling modelo sakang naman ang mga paa.
Nawalan na tuloy ako nang gana na lumapit sa kanila pero hindi pwede dahil heto at kailangan n lumapit pa din dahil nasa akin ang meryenda nila na maruya na niluto ko.
"Anak, nasaan na ang meryenda!?" Sigaw pa ni Itay.
"Sandali lang po papunta na ako d'yan Tay!" Sagot ko dito.
Inayos ko na ang nasa plato na maruya at naglakad na palapit sa kanila.
"Nag-abala ka pant magdala ng meryenda Fia!" Dinig ko pa na sabi ni Yzmael habang palapit ako sa kanila.
Meryenda din pala ang dala ng babaeng ito na nakalagay kanina sa lagayan ng ice cream.
"Gusto ko kasi na matikman mo itong aking niluto Yzmael na ginataan na saging at s**o na may halo din na ube." Sagot ni FIA na halata naman na may gusto ito kay Yzmael.
Inilapag ko na lamang ang aking dala sa harapan nila.
"Ito na po Tay, ang meryenda n'yo." Sabi ko pa at napatingin kay Yzmael na nakatingin din pala sa akin,nagbawi agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan ito ng matagal at isa pa ay tumingin na din nang matalim sa akin si FIA na akala mo naman ay girlfriend na ng lalaki kung makahawak ito dito.
Ang nakakainis pa ay nakahubad si Yzmael ngayon ng pang-itaas kaya naman kitang-kita ang napakagandang katawan nito na hinahawak-hawakan lamang ni FIA.
Hindi ko alam kung bakit ba parang gusto ko na tanggalin ang pagkakahawak nito ngayon sa katawan ni Yzmael.
"Salamat anak!" Sambit pa ni Itay.
"Mukhang masarap din ang niluto mo Amirah!" Sabi naman ni Yzmael na ikinasimangot naman ni FIA.
"Mas masarap itong niluto ko Yzmael, promise kapag natikman mo ito ay siguradong hahanap-hanapin muna." Malanding sabi ni FIA na halata naman na ayaw nitong magpatalo sa akin.
"Marunong ka na palang magluto ngayon FIA, samantalang noong nakaraan lamang ay sinaing na lamang na bigas ay natutong mo pa kaya galit na galit si Caring na nagsisigaw dahil hindi ka man lang n'ya maasahan sa gawain sa bahay n'yo."
Napabaling ang tingin nito kay Itay,dahil sa sinabi nito.
Lihim na lamang ako na natawa dahil sa sinabi ni Itay.
"Marunong naman po akong magluto Mang Karyo."magalang na sagot nito kay Itay at napansin ko naman na tila napahiya ata ito.
"Sabi mo eh! Sabagay madali lang naman talagang matutong magluto lalo na kung gusto mo talagang matuto." Sabi pa ni Itay at nagpatuloy na ito sa pagkain.
"Pwede ko bang tikman itong niluto mo?" Tanong pa ni Itay dito.
"Sige po kuha lang kayo d'yan." Sagot nito na napipilitan lang siguro, dahil syempre kailangan na maganda ang magimg impression sa kan'ya ni Yzmael.
"Masarap nga,halika Yzmael at kumain ka na din at ikaw naman FIA ay sumalo na sa amin!" Pag-aya pa ni Itay at ang nakatayo na si Yzmael naupo malapit sa tabi ko.
Si FIA naman ay hindi ko akalain ang gagawin,dahil imbes na sa tabi nito umupo ay kumandong pa talaga ang talakitok na babaeng ito sa hita ni Yzmael.
Talakitok po sa tagalog ay maarte.
"Pwede ba na dito nalang ako umupo,nabasa kasi ng gata ang uupuan ko sana." Sabi pa nito na nagpaalam kung kailan naman ay nakaupo na s'ya.
"Okay lang,h'wag ka lamang masyadong malikot dahil baka mamaya ay matapon naman sa'yo itong ginataan." Sagot naman ni Yzmael.
"Sandali lamang sa inyo ay tila naririnig ko ang tawag ng Inay mo Amirah." Paalam ni Itay na tatayo na sana ako para samahan ito pero pinigilan ako nito.
"D'yan ka na lamang anak at kumain,baka kasi may iuutos lamang ang Inay mo at kaya ko na iyon." Sabi pa ni Itay na pumulot pa ng maruya at naglakad na ito papunta sa kubo namin.
Naiwan naman kaming tatlo dito at kahit may bakanteng mauupun na ay hindi pa din ito umaalis sa pagkakandong kay Yzmael.
"Amirah kain ka lang ng niluto ko masarap yan."Sabi naman nito sa akin kaya naman kumuha din ako ng niluto kuno nito o baka naman ipinaluto.
Habang kumukuha ako ng ginataan na malapit sa pwesto nilang dalawa ay may naisip naman akong kalokohan.
Makakaganti na din ako sa babaeng ito.
"Humanda ka sa akin ngayon!" Sabi ko pa sa aking isipan at nang iaangat ko na ang mangkok ay sinadya ko talaga na tumapon ito sa malanding babae na ito na akala mo ay higad kung maka-kumyapit kay Yzmael.
"Ohhh my!" Sigaw nito na napatayo na at napatingin sa kan'yang sarili.
"Bakit kasi hindi ka nagdadahan-dahan d'yan Amirah, tingnan mo tuloy ang aking hitsura ngayon,nanlalagkit na ako dahil sa ginawa mo!" Mangiyak-ngiyak na sabi nito na halata naman na nagdra-drama lamang dahil nandito si Yzmael.
"Pasens'ya na hindi ko naman sinasadya na matapon sa'yo ang ginataan, sad'yang dumulas sa kamay." Sabi ko pa dito.
"Ewan ko sa'yo Amirah,ayaw mo lang siguro na nandito ako!" Sabi pa nito.
"Ang mabuti pa siguro ay umuwi ka na muna FIA,para makapagpalit ka ng damit." Wika naman ni Yzmael dito.
"Sige uuwi na muna ako,pero babalik ako bukas at magdadala naman ako ng ulam para sa'yo." Sagot nito kay Yzmael.
Tumingin naman ito sa akin ng matalim ng yumakap ito kay Yzmael.
Akala mo ba FIA madadaan mo ako sa pagtataray muna yan! Isip isip ko pa at tinaasan ko na din ito ng kilay.
"Sige Yzmael aalis na akio at magbihis ka na." Paalam pa nito.
Nang makaalis ito ay nag-umpisa naman akong ayusin ang pinagkainan namin.
"Amirah, bakit mo ginawa iyon kay FIA!?" Tanong nito sa akin.
"Ano bang ginawa ko sa kan'ya? Aksidente naman ang nangyari na nabitawan ko ang mangkok." Sagot ko dito at napailing iling lamang ito na parang hindi naniniwala sa akin.
"Nakita ko ang ginawa mo at alam kong sinadya mo iyon."Sabi pa nito na parang may naiinis pa sa tono ng kan'yang boses.
Naiinis siguro ito na umalis na ang babaeng iyon at baka nga may gusto na din ito dito.
"Ayaw mo bang umalis ang babaeng iyon kaya ipinagpipilitan mo ngayon na sinasadya ko ang nangyari!?" Naiiyak na ako habang nagtatanong dito ngayon,pero pinipigilan ko.
"Pakiramdam ko kasi ngayon sa aming dalawa ng FIA na iyon ay mas kinakampihan mo s'ya?" Sabi ko pa dito.
"Hindi ko s'ya kinakampihan Amirah,Ang sa akin ay alam kong sinadya mo na matapon sa kan'ya." Sagot pa nito na ipinagdidiinan talaga na sinadya ko.
"Oo sige na, sinadya na kung sinadya! Pero bagay lang iyon sa kan'ya dahil malandi s'ya!?" Sigaw ko dito at naglakad na papunta sa kubo dahil naiiyak na talaga ako.