"Ay! Bakit ka naman nang gugulat d'yan?" Sabi ko sa kan'ya.
Walang iba ku'ndi si Yzmael na hindi ko alam kung bakit ba s'ya nandito ngayon.
"Bakit nandito ka? Baka mamaya n'yan ay makasama pa sa'yo ang paglalakad." Sabi ko pa dito.
"Umalis na kasi ang Itay mo at naiinip naman ako sa kwarto." Sagot nito sa akin.
"Nagugutom ka na ba,sandali lamang maluluto na itong aking niluluto." Sabi ko pa dito.
"Ano ba ang niluluto mo,ang bango kasi." Tanong nito na lumapit pa talaga sa akin at tumingin sa aking niluluto na ulam.
"Sinabawang isda,siguro naman ay kumakain ka nito?" Tanong ko pa dito na medyo naiilang na din sa paglapit nito sa akin.
Maliit lang kasi ang kusina namin at dahil mataas na tao ito ay nakayuko ito dito.
"Pumasok ka na kasi sa loob,mauusukan ka pa dito."
"Okay lang dito muna ako."Sabi pa nito na ubod ng kulit talaga.
"Bahala ka nga d'yan."
Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagluluto at hanggang sa matapos ako ay nandito pa din ito.
"Anak nasaan ang dayo?" Narinig ko na tanong ni inay mula sa loob ng bahay.
Hindi pa pala kasi nito alam na gising na si Yzmael.
"Inay nandito po s'ya sa kusina!" Pasigaw na sagot ko dito.
Narinig ko naman ang mga yabag nito papunta dito sa kusina.
"Nagising ka na pala Iho." Sabi pa ni inay ng makita nito na nakaupo ngayon dito sa harap ng mesa si Yzmael.
"Kumusta ang iyong pakiramdam?" Tanong pa ni inay dito.
Halata na puyat si Inay dahil sinusumpong na naman si Mica kagabi at sa aking palagay ay hindi na ako nito ginising.
"Okay lang po ako at wala naman ibang masakit sa akin,maliban dito sa aking sugat na tinamaan ng bala." Sagot nito kay Inay.
"Ano nga ba ang iyong pangalan iho?" Tanong pang muli dito ni inay.
"Wala po akong maalala ni ang aking pangalan ay hindi ko alam." Malungkot na sagot nito kay Inay.
"Sa totoo lang Inay ay wala po s'yang maalala kaya naman binigyan na lamang namin s'ya ng maari natin na itawag sa kan'ya habang namamalagi s'ya dito at nagpapagaling." Paliwanag ko naman kay Inay.
Nakakaawa naman kasi ang sitwasyon ng dayo kaya naman kailangan na habang nandito s'ya ay maging masaya naman ang bawat araw nito.
"Ano ba ang pangalan na ibinigay n'yo sa kan'ya?" Tanong pa ni inay.
"Yzmael po." Sagot ko.
"Magandang pangalan at bagay sa kan'ya." Nakangiti na sabi pa ni inay.
"Nakaluto ka na ba anak?"
"Opo nay."
"Si Mica po okay na ba s'ya?"
"Okay naman anak , hindi na kita ginising kagabi,dahil alam ko naman na ang aking gagawin.Kaya lamang ay heto at puyat talaga,dahil natatakot akong makatulog sa pagbabantay sa kan'ya." Sagot ni inay sa akin.
"Ngayon ay nakatulog na s'ya matapos makainom ng gatas." Dugtong pa nito at kumuha na din ito nang plato para makapaghain na kami.
"Saan ba ang Itay mo?" Tanong pa nito na napatingin naman ako kay Yzmael dahil dito nagpaalam si Itay.
"May kukunin lang daw po s'ya sa kan'yang kumpare at babalik din daw po agad." Sagot nito kay Inay.
"Kumain na siguro tayo dahil tiyak akong nagugutom ka na Iho.Sana lamang ay masarapan ka dito sa aming munting pagkain." Sabi pa ni inay.
"Naku okay po sa akin ang kahit na anong pagkain at isa pa po ay ako dapat ang mahiya sa inyo dahil sa pagpapatuloy n'yo sa akin dito sa inyong bahay.Ni hindi n'yo na alintana pa kung sino ba talaga ako.Kaya labis po ang aking pagpapasalamat dahil sa inyong pagtulong sa akin."
Wika ni Yzmael na ikinangiti ko na lamang dahil sa totoo lang ay tama naman ito.Hindi namin s'ya kilala,pero nararamdaman kong mabuti tao ito.
"Alam mo Iho,dito ka sa anak ko magpasalamat ng labis,dahil s'ya ang nakakita sa'yo at palaging nagbabantay." Sabi pa ni inay na ikinalingon naman sa akin ni Yzmael.
"Salamat Amirah!"
"Kumain na nga tayo at isa pa Yzmael ay kahit naman sinong nangangailangan ng tulong ay tutulungan namin nila Inay." Sabi ko naman dito habang aking inilalapag ang kanin.
"Kumakain na pala kayo d'yan," napalingon naman kami sa biglang pagdating ni Itay.
"Mabuti naman at nand'yan ka na Samuel,halika na at kumain na tayo." Pag-aya dito ni Inay.
"Parang ang sarap naman nitong niluto mo anak," Sabi pa ni Itay.
"Tay naman binola n'yo pa ako,kumain na muna tayo at baka mamaya ay lumaki na itong mga tenga ko dahil sa aking mga naririnig na pambobola n'yo sa akin." Natatawang sabi ko pa na ikinatawa na din nila itay.
Mahirap man kami pero masaya naman ang aming pamumuhay,kahit pa minsan ay mapapaisip ka na lamang kung bakit ba may mayaman at may mahirap?
Magana naman na kumain din si Yzmael at nakikisabay din ito sa usapan namin.
Sa tingin ko ay magiging maayos ang pananatili nito dito.
Nang matapos kaming kumain ay ako na din ang kumilos para hugasan ito.
"Ako na po dito Nay magpahinga na lamang po kayo at alam kong hindi biro ang gising sa gabi." Sabi ko pa kay Inay.
"Salamat anak. "
"Ikaw iho ay magpahinga na din muna dahil hindi naman ibig sabihin na nagising ka na ay okay na ang pangangatawan mo." Sabi naman ni Inay kay Yzmael.
"Sige po mamaya ay babalik na din ako sa aking silid." Magalang na sagot nito.
Nang makapasok si Inay ay nagpatuloy na ako sa aking ginagawa.
"Gusto mo bang tulungan kita d'yan?" Tanong pa nito sa akin.
"Okay na ako dito,ang mabuti pa ay sundin muna lamang si Inay." Sagot ko dito.
"Nakakahiya naman sa inyo kung libre na nga ang pagkain ko ay hindi pa ako nakatulong kahit sa mga gawain dito sa bahay n'yo."
"Ano ka ba naman, syempre sa ngayon ay hindi ka pa pwedeng kumilos-kilos,pero hintayin muna maging okay ka at lahat dito ay ipapagawa ko sa'yo para hindi ka na maboring." Sagot ko dito ng pabiro.
"Hihintayin na lamang kitang matapos d'yan." Sabi pa nito at hanggang sa matapos nga ako ay nandito lamang at nakatingin sa bawat galaw ko.
Nakakailang tuloy sa kan'ya at naalala ko na naman ang eksena kanina sa kwarto.
Hindi naman ako ganito sa kahit na sino dati pero sa lalaking ito ay nakakailang.