Dalawang araw ng walang malay ang dayo,at humihilom na din ang mga sugat nito.Maayos naman ang kan'yang paghinga kaya naman hindi na namin s'ya dinala sa hospital..
Ang mga pasa nga nito ay unti unti na din na nawawala.
"Hi pogi, kaylan ka kaya magigising para naman makita ko ang mga mata mo!" Kausap ko dito habang nakangiti.
Pinapalitan ko ito ng damit ngayon at napapatigil na naman ako,kapag huhubarin na ang kan'yang pang-ibaba.
Infairness kasi sa lalaking ito ay may malaking kargada kaya naman natatakot baka mamaya ay biglang mabuhay.Natatawa na lamang ako sa aking iniisip
Isa akong babae na walang karanasan sa lalaki,pero heto ako at kung anu ano ang pumapasok sa aking isipan.
"Itigil mo ang kalandian Amirah baka mamaya ay buntis ka nang lalabas sa kwartong ito!" Kausap ko pa sa aking sarili.
Hinubaran ko na nga ito at aking pinipilit na lamang na h'wag tumingin sa p*********i nito na noong una ko itong makita ay curious talaga ako kaya napatitig ng matagal.Pero ngayon ay parang natetempt naman akong hawakan ito.
"Mabubuhay ka kaya kapag hinawakan kita?" Kausap ko sa p*********i nito na kung makikita siguro ako ngayon ni itay baka masapak pa ako nito.
"Sabi kasi nila kapag daw hinahawakan ito ay nabubuhay." Grabe Amirah umayos ka dahil baka mamaya ay mabuhay nga yan!' para akong tanga na kinakausap ang aking sarili.
Pero dahil sa likas na makulit ako at gustong malaman kung mabubuhay nga ay dahan-dahan ko na hinawakan ito.
"Sabi nila matigas ka daw? Bakit hindi naman! Ang lambot mo nga ohh!" Sabi ko pa at nag-eenjoy akong hawakan ito.
Hanggang sa bigla nga itong tumitigas ng paunti-unti at ngayon ay dumoble na ang laki nito.
"Hala nabuhay ka nga!"
"Hhhhmmm!"
"Anong ginagawa mo sa akin?"' Nagulat pa ako nang may magsalita at napakurap-kurap pa ako dahil baka namamalikmata lang ako na gising na ang dayo.
Napabitaw agad ako sa p*********i nito na tayong-tayo na ngayon at kumikibot-kibot pa ito na tila may buhay nga.
"Pasens'ya na," Sabi ko pa at agad na inilagay sa kan'ya ang kumot.Pero dahil sa kakamadali ko ay natalisod ako at nasubsob tuloy sa p*********i nito.
"Grabeng kahihiyan naman ito."Sabi ko pa sa aking sarili at tumayo na agad dahil baka isipin nitong pinagnanasaan ko s'ya.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko na lamang dito para mawala ang pagkapahiya ko dito.
"Sino ka? Anong ginagawa ko dito?" Tanong nito sa akin.
"Ako si Amirah!" Sagot ko dito.
"Ikaw sino ka ba?" Tanong kong muli dito.
Dahil wala naman kaming nakuha na kahit anong gamit nito para malaman ang kan'yang katauhan.
"Hindi ko alam kung ano ang aking pangalan!" Sagot nito sa akin na kita ko ang pangamba sa kan'yang mga mata.
"Hindi mo alam,paanong hindi mo alam? Wala ka bang maalala?" Sunod-sunod na tanong ko dito.
"Wala!" Sambit nito na umiiling pa.
"Sandali lamang at tatawagin ko sila Itay,dahil hindi ko maintindihan kung bakit wala kang maalala sa nakaraan mo at maging ang iyong pangalan ay hindi mo maalala!" Paalam ko dito.
Bago pa ako makaalis sa aking pwesto ay nahawakan na nito ang aking kamay.
"Bakit may kailangan ka pa ba?" Tanong ko dito.
"Kailangan ko nang shorts!" Nahihiyang sabi pa nito at naalala ko nga pala na tinakpan ko lamang ang ibabang parte nito ng kumot.
"Wait lang meron d'yan!" Sagot ko dito at nahulog na pala sa lupa ang shorts na dapat ay ipapalit ko sa kan'ya kanina.
'"Ito kaya mo ba na isuot na walang katulong?'" Tanong ko pa dito.
"Oo kaya ko na!" Sagot nito.
"May kailangan pa bang iba? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" Sunod-sunod na tanong ko dito.
"Tubig! Gusto ko ng tubig." Sagot nito sa napakadaming tanong ko sa kan'ya.
'"Sandali lamang at kukuha ako!"
Nang makalabas ako ng silid kung saan ito namamalagi ngayon ay napapabuntong hininga na lamang ako,dahil sa eksena na nakita nito kanina nang magising s'ya.
"Baka mamaya isipin nito na manyakis ako o baka mas worse ay isipin n'yang may ginagawa akong kalokohan sa kan'ya noong mga nakaraan na araw!?"
"Ay k**i ng nanay mo!?"
"Anak,anong ginagawa mo d'yan at para kang tanga na kinakausap ang sarili mo!?"
"Tay naman ginugulat mo naman ako,muntik na tuloy matapon itong tubig." Sagot ko kay Itay.
"Kasi naman anak ,mas nagugulat naman ako sa ginagawa mong pagkausap sa iyong sarili,baka mamaya n'yan ay magulat na lamang kami na baliw ka na pala." Sabi pa ni Itay na tumatawa.
"Tay gising na po pala ang dayo." Wika ko dito.
"Ganoon ba,para sa kan'ya ba ang tubig na dala mo?"
"Opo at ang ipinagtataka ko Tay ay wala s'yang maalala ni ang kan'yang pangalan ay hindi nito maalala." Paliwanag ko kay Itay ng kalagayan ng lalaking pumupukaw sa aking pusong pihikan.
"Halika nga anak at gusto kong maka-usap ang dayo para malaman natin kung bakit wala s'yang maalala o baka naman ito ang epekto ng nangyari sa kan'ya na hanggang ngayon ay hindi natin alam." Sabi pa ni Itay ay napatango-tango na lamang ako.
Bumalik ako kasama si itay sa aking maliit na silid at nakaupo na ang dayo pagbalik namin.
"Ito ang tubig,bakit tumayo ka na? Baka mamaya ay magdugo pa ang sugat mo!" Sabi ko dito at agad naman nitong kinuha ang isang basong puno ng tubig mula sa aking kamay.
Inubos muna nito ang laman ng baso.Bago tumingin kay Itay.
"Magandang araw iho,mabuti naman at nagising ka na!"
"Sino ho kayo?" Tanong pa nito.
"Ako ay ama ni Amirah iho!" Sagot ni itay at lumapit naman si itay dito.
"Ano ang naalala mo Iho,dahil ang sabi ni Amirah ay wala ka daw maalala?" Tanong pa ni Itay dito.
"Pasens'ya na po pero wala talaga akong maalala!" Sagot nito na may paggalang sa aking Itay.
"Kahit ba ang nangyari sa'yo ay hindi mo maalala?"
"Hindi ko po talaga maalala."
"Ilang araw na po ako dito?" Takang tanong pa nito.
"Dalawang araw ka na dito sa amin at nang makita ka ng anak ko na si Amirah sa dalampasigan ay punong-puno ka ng pasa at may tama pa ng bala."Sagot ni Itay dito.
"Kaya ho ba may benda ako?" Tanong pa nito.
"Oo iho at alam mo bang maswerte ka dahil hindi ganoon kalalim ang mga tama sa katawan mo at nakaya ko pa itong alisin, hindi ka na din muna namin inireport sa kapulisan dahil baka mamaya ay may mga masasamang tao ang naghahanap sa'yo." Sabi pa ni Itay at ikinuwento pa dito ang hitsura nito noong nakita ko s'ya sa dalampasigan.
"Maraming salamat po sa inyo,at makikiusap po sana ako!" Wika ng dayo at nagkatinginan naman kami ni Itay.
"Ano ba ang ipapaki-usap mo sa amin iho?" Tanong ni Itay.
"Maari ho ba na dumito muna ako hangga't hindi bumabalik ang aking ala-ala dahil hindi ko din naman alam kung saan ako uuwi kapag umalis ako dito,,iyon ay kung papayag kayo!?" Sagot nito sa tanong sa kan'ya ni Itay.
"Walang problema Iho,ang maganda nito ay gumawa tayo ng maliit na kubo malapit dito sa kubo namin at doon ka manuluyan habang hindi pa bumabalik ng tuluyan ang iyong ala-ala.Dahil tama ka baka mamaya ay mapahamak kung aalis ka dito sa poder namin." Sagot naman ni Itay dito at napangiti naman ang dayo sa amin.
"Maraming salamat,lalo na sa'yo Amirah,dahil sa ginawa mo kanina ay tuluyan akong nagising."Sabi pa nito na tumingin sa akin na may pilyong ngiti sa kan'yang mga labi.
"Bakit ano ba ang ginawa ni Amirah iho para makatulong sa paggising mo;?" Takang tanong ni Itay dito.
"Hinawakan at ginisi__." Hindi na nito naituloy ang kan'yang sasabihin ng lumapit ako sa gilid nito at takpan ang kan'yang bibig."
"Ginising ko po ang duwa n'ya Itay," pagtutuloy ko sa sasabihin nito ay tumingin din ako dito na sana ay maintindihan nito ang aking ibig sabihin sa pagkakatitig ko pa lamang sa kan'ya.
"Bakit naman kailangan mo pang pigilan s'yang magsalita anak,bitawan mo s'ya at baka mamaya ay matamaan mo pa ang kan'yang sugat dahil d'yan sa ginagawa mo!"
Sabi pa ni Itay kaya naman tinanggal ko na ang aking kamay sa bibig nito.
"Tama po ginising n'ya ang aking diwa sa pamamagitan ng pakikipag-usap aking walang malay na katawan." Pagpapatuloy pa nito sa kan'yang sinasabi at mabuti na lamang at ang sagot nito ay naayon sa aking gusto.
"Ganoon ba Iho,ang akala ko ay kung ano na ang ginising ng aking anak sa'yo!" Sabi pa ni Itay na parang doble ang kahulugan ng sinabi ni Itay para sa akin o baka iniisip ko lamang ito dahil sa aking kalokohan kanina.
.
"Sa susunod kasi Amirah ay pigilan mo ang iyong sarili na ma curious sa mga bagay bagay para hindi ka napapahamak" kausap ko na naman sa aking sarili at tanging sa isipan ko lamang ito,dahil baka mamaya ay isipin na ni Itay ng tuluyan na nababaliw na ang kan'yang anak kapag napansin na naman nito na kinakausap ko ang aking sarili.
"Kung ganoon ay maayos na ba talaga ang iyong pakiramdam Iho? Ang sugat mo ba ay kumikirot pa?" Tanong pa ni Itay.
"Medyo makirot pa po,pero kaya ko naman tiisin at isa pa ay mukhang kailangan epektibo din ang mga halaman na gamot na inyong inilagay para maghilom agad ito." Sagot ng Dayo at maging ako ay nakahinga din ng maluwag sa naging sagot nito dahil hindi na naman iisipin kung may nararamdaman pa ba itong iba sa kan'yang katawan.
"Tama ka Iho mabisa pa nga kung minsan ang mga halaman gamot kaysa sa mga nabibili sa mga botika.Kaya lamang ngayon gising ka na ay maari ka na din na uminom ng mga pinakuluan na halaman para lalo mapabilis ang iyong paggaling.Noong nakaraan kasi ay kunti lamang ang napapainom namin sa'yo dahil na din sa wala ka ngang malay." Sagot ni Itay dito.
"Amirah ang mabuti pa ay magluto ka na muna para sa pananghalian natin at nang makakain na s'ya " Utos pa ni Itay at ngayon ay hindi pa namin alam kung ano ang itatawag sa kan'ya dahil na din sa wala nga s'yang maalala kahit pa ang kan'yang pangalan.
"Itay anong itatawag natin sa kan'ya na pangalan, hindi naman maaring dayo lamang,dahil hindi naman bagay sa kan'ya iyon." Sabi ko pa.
"May maisusuhestyon ka ba na pangalan na maaring itawag natin sa kan'ya anak?" Balik tanong naman sa akin ni Itay.
"Sa totoo lang po ay may naiisip na ako kaya lamang ay baka hindi n'ya magustuhan." Sagot ko dito.
"Ano ba naiisip mo?"Tanong nito sa akin.
"Yzmael sana kung iyong mamarapatin na ito ang aming itawag sayo.'" sagot ko dito.
"Yzmael! Magandang pangalan,sige ito na lamang ang inyong itawag sa akin." Sagot nito at napangiti na lamang ako dahil sa naging sagot nito.
"Sige simula sa araw na ito ay Yzmael ang itatawag namin sa'yo iho at sana lamang ay bumalik na din agad ang iyong ala-ala para makabalik ka na sa iyong pamilya." Wika pa ni Itay.
"Maiwan ko na muna po kayo dito Itay." Sabi ko sa kanila.
"Sige iha!"
Iniisip ko tuloy kung ano ang aking lulutuin para sa pananghalian namin..
Hanggang sa makita ko ang upo na tamang tama na gisahin at may isda naman na itinira talaga ni Itay para sa amin.
Maganda din ang huli nila ngayon kaya naman masigla si Itay kahit pa nga puyat at pagod pa ito.
Mabuti nga at medyo hindi na maalon, hindi kagaya noong araw na makita ko si Yzmael sa dalampasigan na tinatangay ng alon.
Naisipan ko na din na sabawan ang sariwang isda na dala ni Itay at sana lamang ay magustuhan n'ya ito.
Ewan ko ba, marunong naman talaga akong magluto kaya lamang ay gusto ko syempre ay iyong magugustuhan n'ya.
Nag-umpisa na nga ako na maghiwa ng mga kailangan ko sa pagluluto.Pakanta-kanta pa ako.
Ganito naman kasi ako lalo na kapag mag-isa lamang dito sa bahay.Kapag kasi may check up si Mica ay mag-isa lamang ako dito at hindi naman ako natatakot dahil mababait din naman ang aming mga kapitbahay na malalayo din naman dito sa kubo namin.
"Ang ganda naman ng boses mo!"
"Ay nabundat na kabayo!" Sabi ko pa at napalingon kung saan nanggaling ang boses.