CHAPTER: 2

1958 Words
Nang matapos kung ayusin ang mga halamang gamot ay isa-isa ko ng nilagyan ang mga sugat nito na ang iba ay malalim pa. "Mabuti hindi ka naubusan ng dugo dahil sa dami nitong sugat mo.' Kausap ko dito. May ilang sugat itong malalim at nagulat ako sa tagiliran na bahagi ng katawan nito na hindi ko pa napupunasan kanina. "Tayyyyy!" Sigaw ko ulit sa kay itay. "Bakit anak may problema ba?" Humahangos na tanong nito sa akin. "Tay may tama ata s'ya ng baril." Sagot ko dito dahil hindi kasi pangkaraniwan ang lalim ng sugat nito sa tagiliran. "Patingin nga." Sabi ni itay at lumapit dito. "Tama nga ito ng baril Anak," sabi ni Itay " kumuha ka ng lambanog doon sa lagayan ko.Kailangan na makuha ang bala sa loob n'ya dahil maaring yan pa ang maging sanhi ng pagkamatay n'ya dahil sa tetanos." Utos nito sa akin at agad naman akong sumunod sa inutos nito.y Sana lamang ay matanggal ni itay ang bala sa loob sa ng katawan nito. Nang makuha ko ang mga pinapakuha nito ay agad ko ng ibinigay ito kay itay. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit sa tagiliran ang tama nito, dahil kung talagang gusto s'yang mamatay ay hindi dapat doon ang tama n'ya? Nahihiwagan ako sa lalaking ito. "Itay kailangan na siguro natin s'yang dalhin sa hospital." Sabi ko pa dahil baka mamaya ay lalo itong mapahamak dahil sa gagawin ni Itay. "Anak sa aking palagay ay kakayanin n'ya naman ito,at isa pa ay kung may mga tao man na may masamang balak sa kan'ya ay tiyak na hahanapin s'ya ng mga ito sa hospital.Kaya naman mas maigi na dumito muna s'ya." Sagot sa akin ni Itay.Napakabuti ng aking mga magulang dahil kung tutuusin ay hindi naman namin kailangan na tulungan ang lalaking ito,pero heto at ginagawa ni itay ang lahat para lamang matanggal ang bala sa loob ng katawan nito.. "Tay paano kung masamang tao pala s'ya?" Tanong ko pa kay Itay. "Anak,sa tagal ko na nabubuhay sa mundong ito ay marunong naman akong kumilatis sa tao kahit pa nakikita ko pa lamang ito.at isa pa ay sino tayo para husgahan s'ya habang nasa ganito s'yang sitwasyon ngayon,walang masama ang tumulong Iha,lagi mong tatandaan yan." Sagot sa akin ni Itay kaya naman minabuti ko na lamang na pagmasdan ang ginagawa nito. At halos ilang minuto pa ang lumipas ay hawak na nito ang may kahabaan na bala ng baril. "Malalim din ang sugat na tinamo n'ya dahil dito," Sabi nito Itay at hindi lang pala isa ang tama nito dahil dalawa. Mayroon din pala malapit sa dibdib,Kaya lamang ay medyo mababaw lamang ang sa may bandang dibdib nito kaya naman hindi na masyadong nahirapan si Itay. Halos maubos ang laman ng lambanog nito sa kan'yang ginagawa dahil matapos nitong matanggal ang lahat ng bala ay binuhusan n'ya naman ng alak ang buong paligid ng mga sugat nito. "Mabuti at hindi masyadong madugo anak,,sana ay makaligtas s'ya para malaman natin ang nangyari sa kan'ya." Sabi pa ni Itay. Nilagyan na ng benda ni itay ang tagiliran nito kaya naman sa aking palagay ay magiging okay na ito. "Itay bakit po may kaalaman kayo sa ganito?" Tanong ko dito. "Sa totoo lang anak ay bata pa lamang ako ay kaalaman na ako sa ganito dahil sa namayapang Lolo mo na isang taong rebelde noong panahon at kapag napapa-engkwentro sila sa mga sundalo ay madalas madami ang napupuruhan sa kanila at dahil ayaw magpahospital ay sila- sila na lamang ang gumagamot sa kanilang mga sarili." Sagot ni itay sa akin at hindi ko alam ang aking magiging reaksyon dahil sa mga sinasabi nito ngayon sa akin. Ako ang madalas na kasama ng Lolo n'yo noon kaya naman ako ang katuwang n'ya sa tuwing may mga tama s'ya ng bala at ako lang din ang nagtatanggal nito.". Dugtong pa nito na tila binabalikan ang kan'yang nakaraan. "Sige na IHA asikasuhin mo muna ang dayo at ako ay magluluto muna ng pananghalian natin,dahil ang kapatid mo ay inilabas muna ng iyong Inay." Paalam sa akin nito. "Bihisan muna din s'ya at sana lamang ay magising na s'ya sa lalong madaling panahon dahil hindi biro ang tama n'ya sa tagiliran,pero malayo naman ito sa mga organ at nakakasigurado ako doon."Wika pa ni Itay at ngayon ay naniniwala na ako dito.Dahil sa kwento nito tungkol sa aking namayapang Lolo na hindi ko na nakagisnan. "Opo Tay," tipid na sagot ko dito. Nang makalabas ang Itay ay agad naman na inasikaso ko ang dayo.Kumuha na din ako kanina ng damit ni Itay na sana ay magkasya dito,dahil malaking tao kasi ito. "Kanina ay napalitan na ito ni Inay ng pang-ibaba kaya naman hindi ko na kailangan pang palitan ito doon. Malamig din naman dito sa pwesto n'ya ngayon dahil sa sariwang hangin na nanggagaling sa dalampasigan. "Ayan okay ka na,gumising ka na pogi," Sabi ko pa at hinawi pa ang may kakapalan na buhok nito,napansin ko tuloy ang nunal nito sa nang kan'yang mata na kapag nilapitan mo ito ay mapapansin mo agad. "Ang gwapo mo talaga,may asawa ka na kaya?" Napapatanong pa ako dito.Samantalang hindi naman ito sasagot sa akin. " Hay naku Amirah, h'wag ka nang umasa na walang kasintahan ang lalaking yan dahil sa angking kakisigan nito at napakagwapo na mukha ay malabong wala itong kasintahan!" Sagot ko din sa aking sarili. Pati ang aking konsensya ay magiging kalaban ko pa ata ngayon dahil sa lalaking ito. Nagtatalo na aking ibang katauhan dahil lamang sa lalaking ito na hindi ko man aminin pero iba ang t***k ng puso ko sa tuwing napapatitjg ako sa mukha nito. "Iiwan na muna kita dito,dahil marami pa akong kailangan na asikasuhin,may mga nakuha na din na kawayan si itay kaya naman may magagamit na ako para sa aking paghahabi."Sabi ko pa dito kahit hindi naman n'ya ako naririnig. Nagpunta na muna ako sa kusina dahil baka mamaya ay may iuutos pa sa akin si Itay. "Tay may iuutos pa po na kayo sa akin?" Tanong ko dito at aking inabutan itong tinatanggalan na ng laman loob ang manok na kinatay nito. "Wala naman na anak,kaya ko na ito at hindi din naman ako makakapaglaot ngayon dahil sa storm surge at sobrang tataas din nang alon kaya naman ako na ang bahala sa pagkain natin." Sagot nito sa akin. Tama nga si Itay matataas ang alon ngayon sa dalampasigan kaya naman delikado para sa malilit na mangingisda na pumalaot at isa pa ay wala kaming sariling bangka. Madalas ay sumasama lamang si itay sa mga kumpare nito para pumalaot. "Sige po Tay,gagawa na lamang muna ako ng mga basket para naman may pandagdag tayong panggastos."Sabi ko pa dito at nagpunta na ako sa labas,dahil nasa maliit na kubo ang mga kawayan na aking ginagamit para makagawa ng basket. Mahirap ang buhay namin,pero nakakaraos naman,pero ang gusto ko sana ay makapagtrabaho pa din at makatapos syempre ng pag-aaral. Kaya lamang ay kailangan ko din na makapag-ipon kaya naman hangga't kaya ko na gumawa ng basket ay gagawa ako. Maganda din naman ang bentahan ngayon,kaya naman baka makapag-ipon na ako at sa susunod na taon ay makapag-enroll na din sa highschool. Bente uno na ako pero hindi ako nahihiya na mag-aaral pa din dahil naniniwala din naman akong wala sa edad ang pag-aaral.Ang mahalaga ay makapagtapos pa din kahit papaano. Nag-umpisa na akong gumawa at ilang oras lamang ang lumipas ay nagawa na agad ako ng limang basket at hindi ko man namamalayan ang oras. Hindi kasi mainit ngayon kaya naman kahit tanghali na ay hindi mo mapapansin ang oras at isa pa ay nakakalibang ang aking ginagawa. Si Inay ay gumagawa din naman nito kaya lamang dahil sa pag-aalaga nito sa aking kapatid ay hindi s'ya makatulong agad sa akin lalo na kapag gising pa ito. Mahirap ang sakit ng aking kapatid kaya naman kailangan na laging may bantay ito. Naiiwan naman ito ni Inay kaya lamang ay sandali lang. Hindi din ito nakakapagsalita kaya naman lalo akong naawa para sa kalagayan nito. "Amiraaahhh! Anak halika na at kakain na tayo!" Sigaw ni Itay. "Opooo!" Pasigaw din na sagot ko dito. Paborito ko pa naman ang niluto nito na sinampalukang manok kaya naman mukhang mapaparami din ang kain ko ngayon. Mabuti nga at nakapag-ani din si itay ng palay kaya naman kahit paano ay hindi kami nag-iisip ng isasaing sa araw araw. Kapag kasi mahirap ka lamang ay kailangan na maging matatag ka sa lahat. Kaya naman lahat na ata ng trabaho dito sa Isla ay ginagawa ni Itay at mayroon naman itong maliit na sinasaka na lupa. Nang makapasok ako sa aming kubo ay amoy na amoy ko na ang ulam namin. "Wow naman Tay, parang napakasarap ng niluto mo!" Sabi ko pa at natawa naman ito. "Nambola ka pa d'yan Anak,sige na maupo ka na d'yan at ang inay mo naman ay pinapakain ang kapatid mo."Sabi pa nito. Ang pagkain kasi ng kapatid ko ay mga dinurog lamang na pagkain kaya naman sobrang maingat sila sa mga kinakain nito. Mayroon naman na durugan ng pagkain ito na hindi na kailangan ng kuryente,iyong mano-mano lamang na regalo dito ni Fonso. "Iha ang dayo nga pala ay subuan muna ng sabaw at tyagaan mong painumin.ng tubig,,may gagawin pa kasi ako ngayon sa bukid kaya naman ikaw na muna ang bahala sa kan'ya." Sabi pa ni Itay na napatango na lamang ako dahil sa punong-puno ang aking bibig ngayon ng pagkain. Nagkape lang naman kasi ako kaninang umaga kaya naman gutom na talaga ako ngayon. "Dahan dahan-dahan kasi anak at hindi ka naman mauubusan ng pagkain." Natatawang sabi pa ni Itay. Nilunok ko muna ang lahat nang nasa bibig ko bago ako nagsalita. "Ang sarap kasi nitong luto mo itay kaya naman ginagandahan po akong kumain." Sagot ko dito. "At h'wag kang mag-alala itay dahil ako na ang bahala sa dayo.". dugtong ko pa sa aking sinabi. "Pero itay pwede ba s'yang painumin kahit walang malay?" Seryosong tanong ko dito. "Pwede naman Iha kaya lamang ay paunti-unti lang,dahil ganoon ang ginagawa ko noon sa Lolo mo at mabilis naman na nanunumbalik ang lakas n'ya." Sagot sa akin ni Itay. "Pero Tay,kung si Lolo ay taong rebelde? Bakit po hindi kayo naging katulad n'ya?" "Sa totoo lang anak ay napipilitan lamang ang Lolo mo noon na sumama sa kanila para sa kaligtasan namin ng Lola mo,kaya lamang ng minsan ay maka-engkwentro sila ng grupo ng mga sundalo ay namatay ang pinakaleader nila at iyon na din ang naging hudyat para sumuko sila." Sagot sa akin ni Itay at nakita ko na naluluha na ito kaya naman tumayo na ako at lumapit dito. "Sorry Tay,dahil sa kakatanong ko ay naalala n'yo pa ang inyong kabataan na dapat ay kinakalimutan n'yo na." Paghingi ko ng sorry dito. "Ayos lang Anak, mas maganda na kahit paano ay alam mo ang nakaraan ng Lolo mo.At ang aking kabataan na hindi ko naman talaga na-enjoy dahil nga mas kailangan kami noon na matutong humawak ng armas na kahit ayaw ng Lolo mo ay kailangan kong matuto dahil iyon ang kailangan na sundin." Sabi pa nito. "Sobrang hirap po pala ng buhay n'yo noon Tay." Sabi ko pa. "Tapos na iyon Anak at ngayon naman ay payapa akong makakasama kayo." Wika pa nito. "Sige na at tapusin muna ang iyong pagkain." Utos nito sa akin.Kaya naman bumalik ako sa pagkain. Hanggang sa magpaalam na ito na pupunta na sa bukid. Ako na lamang ang natira sa kusina, pagkatapos ko nga na kumain ay nagdala lamang ako nang tubig sa loob ng kwarto ko kung saan ay namamalagi ngayon ang dayo. Naisip ko kasi na baka hindi pwede dito ang sabaw ng manok dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD