CHAPTER:1 SIMULA

1314 Words
'Nay! Tay!" Sigaw ko sa aking mga magulang.May isang lalaki kasi akong nakita sa dalampasigan na palutang-lutang. Nagpapahangin lang naman sana ako pero ito ang bumungad sa akin. Nakakapit ito sa isang manipis na kahoy at nang aking pulsuhan ay may pulso pa ito,kaya lamang ay mahina na. Hinila ko ito sa gilid at ngayon ay lalo kong nakita ang hitsura nito na bagama't may maraming sugat ang buong katawan ay hindi maikakaila nito na napakagwapo talaga n'ya. "Ano ba ang isinisigaw ni'reng batang are!" Sabi pa ni Inay habang palapit sila sa akin. Hanggang sa makalapit sila at agad lumapit sa lalaking nakahiga sa buhangin ngayon at wala pa din malay. "Hesus maryosep! Sino ang lalaking yan anak?" Napaantanda pa si Inay habang nagsasalita. "May pulso pa s'ya,halika at dalhin natin sa kubo para mabigyan ng tamang lunas sa mga sugat n'ya,baka ito ay dayo at naptagtripan ng kung sinong masasamang loob." Sabi pa ni Itay at pinagtulungan nga namin na buhatin ito papunta sa kubo na malapit lang din naman. Ang mga kapitbahay kasi namin ay hindi din makatulong dahil malalayo ang mga bahay dito sa Isla kaya naman kahit medyo hirap kami nila Inay at itay sa pagbuhat sa lalaki ay nadala naman namin ito sa kubo. "Hay napakabigat mo!" Sabi ko pa nang mailagay namin ito sa papag na halos hindi ito magkasya dahil sa tangkad nito. Kumuha na lamang si itay ng bangko para ilagay ang mga paa nito na namumutla na dahil sa matagal na pagkababad sa tubig. "Iha, kumuha ka ng maligamgam na tubig para malinisan natin sya." Utos no Inay sa akin ng maipasok namin dito sa loob ang lalaki na nakita ko sa dalampasigan. "Opo Nay." Sagot ko dito at nagmamadali na akong pumunta sa kusina namin para kumuha ng ipinapakuha nito sa akin. "At ikaw naman Agom ay kumuha ng mga halaman na gamot na maarimg mailagay natin sa mga sugar ng lalaking ito." Utos din ni inay kay itay. Mabuti na lamang at pagkagising ko kanina ay agad na akong nag-init ng tubig para nga makapagkape muna ako.Bago magpahangin. Ewan ko ba bakit gusto ko na lumabas kanina at lumanghap ng hangin mula sa dalampasigan. Mamaya kasi ay maghahabi na naman ako ng mga basket na dinadala naman ni aling Lagring sa bayan. Doon ay ibinibenta n'ya ito.Isa kasi itong negosyante at kapag nabenta na n'ya ang mga basket ay saka pa lamang ako nito babayaran. Mabait naman ito at madalas din ay sobra pa sa halaga ng mga basket ang ibinibigay nito sa akin na bayad kaya naman ginagandahan ko din talaga ang kalidad ng mga ginagawa kong basket na aking ibinibenta dito,dahil nakakahiya naman kung basta basta ko lamang ito ginawa. Ito ang aming kabuhayan dito sa Isla, hindi na din ako nakatapos ng highschool dahil nga sa kahirapan namin at hindi din biro ang mag-aral sa bayan.Dahil madalas ay pambubully lamang ang natatamo namin. May maliit na paaralan ng elementarya naman kami dito sa Isla at dito lamang ako nakapag-aral.Kung tutuusin ay kaya naman sana na makapag-aral ako,kaya lamang ay dahil sa aking kapatid na may iniindang sakit ay hindi na din ako nagpatuloy pa dahil ang pera na dapat ay gagamitin ko sa pag-aaral ay ginamit na muna para sa aking kapatid. Si itay naman ay pangingisda din ang hanapbuhay at matanda na din ito kaya minsan ay pinipigilan ko na din na pumalaot lalo na kapag mataas ang alon. Ang kapatid ko kasi ay may cerebral palsy na isang sakit na mula ipanganak ito ay mayroon na siya. Nakakaawa ito kapag sinusumpong kaya naman kailangan din ay palagi kaming gamot para sa kan'ya. Ang kapatid ko ang kasiyahan namin kaya naman kahit hindi na ako makapag-aral ay okay lang basta't maibigay namin ang mga kailangan nito. Sa mga gamot pa lamang n'ya ay kulang na kulang na ang kinikita ni Itay kaya naman maging ang kinikita ko sa paggawa ng basket ay napupunta din sa pambili nito ng gamot at ang ibang mga pangangailangan. Kapag pumupunta sila sa check up nito ay kailangan na umarkila ng bangka si itay sa kumpare nito na minsan libre na lamang din. Kapag dinadala nila sa hospital ang aking kapatid ay naiiwan lamang ako dito sa kubo namin. Minsan ay aalis sila nang madaling araw at makakabalik dito kinabukasan na. Dahil hindi din nakapag-aral ang mga magulang ko ay kailangan din na samahan pa sila ni aling Lagring. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa na danasin ng aking kapatid ang ganitong paghihirap. Nang maayos ko ang pinapakuha ni Inay ay kumuha na din ako ng malinis na towel mula sa sampayan. Mahirap ang tumira sa isla,malayo kami sa sibilisasyon.Ang ginagamit nga lang na ilaw namin dito ay gasera lamang at may solar din naman na binili nila itay para sa aking kapatid. "Nay ito na po." Sabi ko nang maihatid ko dito sa aking munting silid ang pinapakuha ni Inay. "Salamat anak,,nakakaawa naman ang lalaking ito.Tingnan mo ang mga pasa n'ya parang pinahirapan ng sobra." Sabi pa ni Inay at tama nga ito dahil puno ng pasa ang buong katawan nito. "Gusto talaga siguro s'yang patayin ng mga gumawa n'yan sa kan'ya Inay. Nasaan kaya ang pamilya n'ya?" Sabi ko naman at tinulungan ko na din si Inay na punasan ito. Mabuti nga at tulog pa ang aking kapatid,kapag nagising ito ay s'ya naman ang asikasuhin ni Inay. Hanggang sa marinig na nga namin na parang may umiiyak. "Gising na ata ang kapatid mo anak,sandali lamang at pupuntahan ko muna s'ya,ikaw na ang bahala sa dayo at ang Itay mo pagdating ay kailangan nang malagyan ng mga halamang gamot ang mga sugat n'ya pata,mabilis gumaling." "Ako na po ang bahala sa kan'ya Inay," sagot ko. Nang makalabas si Inay ay pinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa na paglilinis ng katawan nito. "Napakagwapo mo naman,kahit puro pasa ang mukha mo at itong katawan mo." Para akong tanga ngayon na kinakausap ito. Sa totoo lang ay no boyfriend since birth ako.Kahit may mga nanliligaw din naman dito sa akin isla.Katulad na lamang ng anak mo aling Lagring na si Fonso na masugid ko talaga na manliligaw. Kaya lamang ay hindi ko talaga magawa na pagbigyan ito dahil tanging kapatid lamang ang nararamdaman ko para dito at isa pa ay kababata ko din ito at ayaw kong masira kami nito. "Ano kaya talaga ang nangyari sa'yo,sana naman ay maging maayos din ang pakiramdam mo at mabuti nga at nakita kita,kung hindi ay baka nilalapa na nang mga pating itong napakagandang katawan mo." Kausap ko pa dito. Sa.totoo lang ay napakaperpekto ng mukha nito,parang mga artista na napapanood ko sa television nila Aling Lagring. May matangos na ilomg,pilikmata na kayhaba,mahaba pa nga sa akin.May mapupulang mga labi na kahit nababad na ito nang matagal sa tubig ay mapula pa din talaga ang labi nito. "Siguro ang sarap mong humalik!" Sabi ko pa at napapangiti na lamang ako sa aking mga sinasabi. Dahil ata sa lalaking ito ay lumalabas ang landing itinatago ko sa aking katawan. "Anak nasaan ang Inay mo?" "Ay k**i ng nanay mo!" Nagulat naman ako sa biglang pagsalita ni itay na dumating na pala mula sa pagkuha ng mga kailangan na halamang gamot at alam ko naman kung paano ito ilalagay sa dayo. "Nasa kabilang kwarto po Itay,grabe ka naman Tay ginulat mo ako!" Sabi ko pa dito at natawa na lamang ito. "Ganoon ba pasens'ya na anak,,ito ang mga halaman at nilinis ko na ang mga ito,kaya mo naman na itong ilagay sa kan'ya di ba?" Wika pa ni Itay. "Opo Tau kaya ko na."sagot ko dito. "Sige maiwan na kita at may papakuluan pa akong halaman para mainom n'ya ng paunti-unti." Sabi pa nito bago magpunta sa kusina. Ako naman ay inayos na ang mga ilalagay sa sugat ng lalaking ito para naman maghilom agad ang mga sugat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD