PROLOGUE

1801 Words
"ASAWA KO!" Tawag ko sa lalaki at agad akong lumapit dito sabay halik sa labi nito.Hindi ko na alintana pa kung may mga taong makakita sa amin.Ang mahalaga sa akin ngayon ay sa wakas na nakita ko na din s'yang muli. "Miss ano ba bitawan mo ako!" Sigaw nito sa akin ng mailayo ako nito sa kan'ya ng bahagya. "Ikaw si Yzmael ang aking asawa ." Sagot ko dito at parang lalong kumunot ang noo nito dahil sa aking naging sagot sa kan'ya. "Anong sinasabi mong babae ka! Ako ang fiancee ng lalaking ito na sinasabi mong asawa mo." Sigaw naman ng babaeng kasama nito ngayon at hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi nito dahil sa totoo lang ay kamukhang-kamukha talaga ni Yzmael ang lalaking ito. "Xandro ano bang ibig sabihin ng babaeng yan? Totoo ba ang sinasabi n'yang asawa mo s'ya?" Tanong ng babaeng kasama nito na tila galit na galit at pinipigilan lamang ito ni Yzmael na makalapit sa akin. "At Ikaw babae ka! Anong karapatan mong halikan ang magiging asawa ko!" Sabi pa nito na aking ipinagtataka.Dahil paanong magpapakasal sa kan'ya si Yzmael? E' asawa ko ito. "Bakit hindi ka makasagot d'yan? Totoo ba ang sinasabi ng babaeng yan XANDRO!" Sigaw pang muli babae at pinagtitinginan na kami ngayon dito sa mall kung saan ay nakita ko ang aking asawa. "Hindi ko s'ya kila___." Hindi pa natatapos ni Yzmael ang kan'yang sagot dito ay sinampal na s'ya ng babae at agad itong naglakad pero muli ay hinawakan ni Yzmael ang kamay nito para pigilan. "Bitawan mo ako!" Sigaw pa ng babae at pinipilit na kumawala mula sa pagkakahawak ng aking asawa sa kan'ya. "Hindi ko nga s'ya kilala,maniwala ka naman sa akin." Paliwanag pa ni Yzmael dito. "Tingin mo maniniwala pa ako sa'yo,magsama kayo ng kabit mo!" Sigaw pang muli nito at inapakan sa paa si Yzmael kaya naman nabitawan n'ya ito ng tuluyan. "LOYDA!" Tawag pa nito babae na hindi naman na s'ya nilingon pa nito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aming paningin. At hindi ko alam kung ano ba ang aking mararamdaman ngayon dahil nandito na s'ya sa harapan ko. Pero bakit tila hindi ako maalala nito samantalang lumuwas lang naman ito dito sa Manila para ideliver ang mga order sa amin na mga basket na aking hinahabi sa isla.At kaya naman ako lumuwas ay para sundan na ito dahil nga halos dalawang buwan na itong hindi bumabalik at kahit nga natatakot akong lumuwas ay naglakas loob ako. "Ikaw babae,nakita mo ba ang ginawa mo! Galit na galit ang fiancee ko ngayon sa akin dahil sa bigla ka na lamang na sumulpot at inaangkin pa akong asawa." Madiin na pagkakasabi nito sa akin at halos mag-violet na ang aking braso dahil sa pagkakahawak nito. "Halika sumama ka sa akin at kailangan mong maipaliwanag sa aking kasintahan na hindi kita kilala at kailangan mong ipaliwanag sa kan'ya na nagkamali ka lamang." Galit na galit ito habang hila-hila ako ngayon palabas ng malaking building na ito na hindi ko alam ang tawag dahil wala naman ganito sa isla. "Sakay!" Utos nito sa akin nang makarating kami sa magarang kotse n'ya. "Sandali lamang dahil kukunin ko pa ang aking tsinelas sa may malaking salamin na pinto." Pakiusap ko dito dahil aking iniwan ang tsinelas ko sa labas bago ako pumasok dito. Napahawak naman ito sa kan'yang buhok na tila sinusuklay ito. "Sumakay ka na maraming tsinelas sa bahay,kung bakit naman kasi iniwan mo!" Sabi pa nito na napapasigaw na naman sa akin. Iniisip ko tuloy na baka nga nagkamali lamang ako at baka nga kamukha lamang ito ng asawa ko. "Yzmael!" Tawag ko pa sa pangalan nito. "Pwede ba h'wag mo akong tawagin sa pangalan na yan, dahil hindi Yzmael ang aking pangalan ku'ndi Xandro." Sabi pa na ramdam ko ang kan'yang galit sa bawat katagang sinasabi nito ngayon sa akin. Sumakay naman ako sa kotse nito at grabe sobrang ganda ng kan'yang sasakyan na wala sa isla at hindi din ako nakakakita ng ganito sa tuwing pumupunta ako sa bayan. "Ilagay muna ang seatbelt." Utos pa nito. Hindi ko din alam kung anong seatbelt ba ang sinasabi nito "Ano ba iyong seatbelt?" Tanong ko dito. "Are you serious pati ba naman simpleng seatbelt lamang ay hindi mo alam?" Tanong pa nito na may pa english pa na medyo naiintindihan ko naman kahit na hindi ako nakapag-aral dahil sa sobrang hirap namin sa isla Hindi ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa bayan kaya naman hindi din ako marunong masyadong bumasa. "Ako na nga!" Sabi pa nito at lumapit sa akin.May hinila ito mula sa aking gilid na tila isang lubid. "Ito ang seatbelt kapag sumasakay sa kotse ay inilalagay muna ito." Paliwanag pa nito habang ako naman ay titig na titig sa kan'yang mukha habang ikinakabit nito ang seatbelt sa akin. Napakagwapo nito at kita ko ang nunal n'ya na katulad nang kay Yzmael. "Natulala ka na d'yan,, hindi ako ang asawa mo okay kaya naman tigilan mo ang kakasabi n'yan.Kaya lamang kita isinama ngayon ay dahil kailangan mong magpaliwanag sa kasintahan ko. Naiintindihan mo ba!?" Wika pa nito sa akin. "Pero kamukhang-kamukha mo s'ya maging ang iyong boses ay katulad din ng sa aking asawa." Sabi ko pa dito habang hindi na din ako nakapagpigil na hawakan ang perpektong mukha nito na hindi ata nagkakaroon ng tigyawat sa sobrang. "Bitawan mo ako at huwag munang uulitin na hawakan pa ang aking mukha,dahil wala kang karapatan." Ani pa nito sabay tabig ng kamay ko. "Umayos ka nang upo d'yan aalis na tayo." Sabi pa nito kaya naman ibinaling ko na lamang ang aking pansin sa labas ng bintana ng kotse nito. Ngayon lamang ako nakatapak sa kamaynilaan kaya naman wala talaga akong alam sa mga lugar dito at kanina nga ay sinasadya talaga ata ng tadhana na makita ko na s'ya dahil sa totoo lang ay takot akong pumasok sa malaking building na iyon kanina. Habang nasa byahe kami ay hindi na ito nagsalita.Kaya naman nanahimik na lamang din ako at tinatanaw ang naglalakihang billboard na totoo pala talaga.Wala kasi nito sa isla kung saan Ako lumaki kaya naman manghang-mangha ako sa aking mga nakikita ngayon. Hanggang sa tumigil din ang kotse at ngayon ay nasa harapan kami isang napakalaking bahay o mas tamang sabihin ata ay mansion sa sobrang laki nito. "Bumaba ka na d'yan." Utos nito sa akin kaya naman binubuksan ko ang kotse nito pero hindi s'ya mabuksan. "Bilisan mo na!" Sigaw pa nito. Pero kahit anong tulak ko sa pinto ay hindi ito bumubukas. "Pati ba naman pagbukas ng pinto ay hindi ka marunong?" Tila patanong na sabi pa nito at napapatango na lamang ako. Lumapit ito sa akin at saglit lamang ay bumukas na ang kotse. "Labas na!" Utos nito. Nang makababa ako ng kotse nito ay sumunod din naman ito at may isang lalaki na lumapit sa amin. Ibinigay nito ang susi ng kan'yang kotse dito. "Halika na pumasok na tayo sa loob." Pag-aya nito sa akin. Ako naman ay pinagmamasdan pa din ang bahay nito. "Miss halika na!" Nabaling lang ulit ang pansin ko dito nang sumigaw na naman ito. "Sir Xandro good afternoon,nand'yan na pala kayo at nasaan po si Ma'am LOYDA?" Tanong ng isang tila katulong n'ya dito sa kan'yang mala-mansion na bahay. "Manang Ising hindi ko na muna sasagutin ang tanong n'yo sa akin,pero kayo na muna ang bahala sa babaeng ito." Sagot nito sa tanong ng katulong sa kan'ya. "Sino ba s'ya Sir? Bagong kasambahay ba dito sa mansion?" Sunod-sunod na tanong pang muli ng katulong dito. "Hindi Manang, ngayon lamang s'ya mananatili dito dahil kailangan n'yang magpaliwanag kay LOYDA.Sige na po at aakyat muna ako sa itaas.Ikaw na ang bahala sa kan'ya." Sagot nito at naglakad na paakyat sa hagdan. "Pakainin n'yo s'ya at bihisan!" Utos pa nito at tumigil sa bandang kalagitnaan ng kan'yang paglalakad. "Iha halika na at tama nga si Sir kailangan mong maligo." Sabi naman ng tinawag na Manang Ising ni Yzmael. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo at tila yata mainit ang ulo ng Sir Xandro ngayon." Hindi ko naman ito sinagot dahil namamangha pa ako sa laki ng bahay na ito. "Ang laki naman po ng bahay na ito." Sabi ko na lamang habang inaakay ako nito. "Syempre Iha,isang Alegre ang may-ari nito kaya naman talagang malaki at kay sir Xandro ito." Paliwanag nito sa akin. Hanggang sa makarating kami sa kusina ata ito ng mansion ng ito. "Halika kumain ka muna dito at pagkatapos ay maligo ka na din."Magiliw na pagkakasabi nito sa akin. "Salamat po!" Sambit ko pa dito bago ako sumubo ng kanin at hindi ko alam kung ano ba itong ulam na inihain nila sa amin dahil sa isla ang kinakain lamang namin ay madalas lamang dagat at mga ligaw na hayop,mayroon din naman kaming mga alagang manok na kinakatay kapag may special na okasyon sa simpleng kuno namin sa isla na ilang beses ng tinangay ng bagyo at palagi na lamang ay inaayos ni Itay. "Dahan-dahan naman Iha at baka mamaya ay mabilaukan ka n'yan." Sabi pa nito sa akin. Nillunok ko muna ang laman ng aking bibig bago ako sumagot dito. "Pasens'ya na po gutom na gutom kasi talaga ako dahil ilang linggo na po ako dito sa Manila at ngayon lamang po ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain." Sabi ko dito at panay na naman ang subo ko. Hanggang sa halos maubos ko na ang nakahain sa mesa at punong-puno na ngayon ang bibig ko. "Sandali lamang Iha at titingnan ko lamang ang pinapalambot kong karne ng baka." Paalam sa akin ni Manang at tumango lamang ako dahil nga punong-puno ang aking bibig "Nasaan si Manang?" . Ngumunguya pa ako nang bigla na lamang may magsalita mula sa aking likuran. Paglingon ko ay nagulat pa ako ,dahil si Yzmael pala at naibuga ko ang aking kinakain dito dahil wala itong suot ngayon na pang-itaas at tanging shorts lamang ang suot. "What the f**k!" Sigaw nito dahil punong-puno na s'yang ngayon ng lahat ng aking kinain. "Sorry po!" Sambit ko pa pero matalim na tingin lamang ang ipinukol nito sa akin. "Alam mo namumuro ka nang babae ka eh! Kanina ka pa sinira muna nga ang date namin ni LOYDA.Ngayon naman ay binugahan mo ako ng lahat ng kinain mo!" Sigaw nito na dinig na dinig ata sa buong bahay. "Anong nangyari dito?" Napalingon kami kay Manang na kababalik lamang. "Itong babaeng ito,wala nang ginawa ku'ndi sirain ang araw ko!" Sagot ng kamukha ni Yzmael na halata naman na galit na galit sa akin. "Tama na yan Sir,ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga nagawa n'ya." "Bukas ay umalis ka na agad after mong maipaliwanag lahat kay Loyda ang kabaliwan mo." Sabi pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD