Pagkatapos ng kasal namin ni Yzmael ay inasikaso naman namin ang mga bisita at bandang hapon naman ay niyaya pa s'ya nila itay na uminom at hinayaan ko lamang sila. Hanggang sa makaalis ang mga bisita at ako at si Inay ay inayos naman ang mga kailangan hugasan at ang mga ibabalik pang mga ginamit sa kasal namin. Hindi naman kasi kami mayaman para magpahinga na lamang pagkatapos ng kasal. Nang matapos namin lahat ni Inay ay agad na akong nagbihis ng damit pantulog. Eksaktong pahiga na ako sa higaan namin dito sa kubo kung saan kami titira na mag-asawa ay ang pagpasok naman nito. Ngayon ay wala na akong pakialam pa kung sino ba talaga si Yzmael.Basta ang mahalaga sa akin ay mahal ko ito at mahal n'ya din ako. "Asawa ko,okay ka lang ba? Gusto mo ba ng kape?" Sunod-sunod na tanong ko pa

