Ito na ang pinakahinihintay na araw namin ni Yzmael.Dahil ngayon magaganap ang kasal namin nito dito sa Isla At kahit pa wala itong mga dukomento ay nagawan na daw ng paraan nila itay ang mga kakailanganin mo nitong dukomento para maikasal kami ni Yzmael at wala na din akong pakialam kung peke ba ang mga ito basta ang gusto ko ay maikasal na kami. Nakikita naman nila Inay at itay kung gaano namin kamahal ang isa't-isa ni Yzmael kaya naman nang umamin kami sa mga ito ay mabilis naman nilang natanggap ang aming relasyon na hindi na namin kailangan pang itago sa kanila. Si FIA ay hindi ko alam kung nasaan na ngayon dahil matapos ang sagutan na namin kabilang isla ay umalis ito,dahil napagalitan ni aling Lagring ng magsumbong ito na hindi naman pinaniwalaan ng nanay n'ya ang mga maling sumb

