THREE: Meet Ian
Lunes na naman. May hangover pa ako sa weekends.
“Ms. Hinihintay na po kayo ng client niyo sa office.” Sabi ng assistant ko kaya agad akong pumunta sa office para kausapin ang client ko.
“How may I help you?” tanong ko at ngumiti pagkaupo sa swivel chair
“Iya..” sabi niya at parang nakakita ng multo. Iya?
“Wait. Ian?” gulat kong sabi
“The one and only.” Sabi niya kaya napatayo ako at niyakap ko siya.
He is Brian Elliot Castro, my cousin.
“Naks. Architect na si bunso.” Sabi niya at humiwalay sa yakap
“Bakit nandito ka?” tanong ko
“Gusto kong magpa design ng bahay. Oh wait eto pala.” Sabi niya at may iniabot na invitation sakin. A wedding invitation.
“You’re getting married? Di ka na torpe?” di makapaniwalang tanong ko sa kanya
“Akiara naman. Anyways back to what I was saying gusto ko magpadesign ng 2 storey house na may 6 rrooms at isang master’s bedroom.” Sabi niya
Nagtake down ako ng notes para sa gusto niyang bahay.
“Easy. E-mail ko nalang sayo ang sketch.” Sabi ko at kinuha ang business card ko
“Actually, I want you to work on it for me. Gusto ko rin silang ma-surprise sa kasal namin and gusto kong masurpresa si Kiandra pag nakita niya yung bahay namin.” Sabi niya
“Okay. Here’s my number para ma-send mo sakin yung location and such. Anything else?” sabi ko at iniabot ang business card ko sa kanya
“Wala na. Bye, Iya. Thank you very much.” Sabi niya at tumayo na kami pareho
“Bye, Ian. Congratulations uli.” Sabi ko at niyakap ko siya
“Di ka parin nagbabago. Sweet ka parin.” Sabi niya at kumalas sa yakap
“Oo nga pala sa Wednesday ka susukatan kasabay ng ibang bride’s maids.” Sabi niya
“Bye, Ian.” Sabi ko at ngumiti siya bago ginulo ang buhok ko
“See you soon, Iya.” Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Same old Elliot.
“Ehem. Am I disturbing something?” Napatingin ako sa may pintuan
“No, you aren’t.” Sabi ni Ian at nginisian ako ng nakakaloko. Oh my royals. He didn’t think that –
“Seloso ang boyfriend mo, Iya.” Bulong ni Ian
“Anong kailangan mo, Kuya Caleb?” tanong ko not minding Ian’s conclusion
“Hindi ako makakauwi pero ikaw dapat 8 palang nasa bahay na. Huwag mo na akong intayin. May spare key ako.” Sabi ni Kuya caleb at umalis
“Akala ko boyfriend mo eh.” Sabi ni Ian
“Impossible. May gusto siyang iba.” Sagot ko at umiling. Napaka imposible nun.
“Sige, kita nalang tayo soon.” Sabi niya at lumabas ng office ko
“Arch. pinapapabigay po ni Eng. Caleb.” Sabi ng assistant ko pagkapasok niya
“Sige, thank you.” Sabi ko
Pagbukas ko ng paper bag tumambag sakin ang isang black lingerie at ilang condoms. Sa asar ko ibinalik ko nalang sa paper bag at inilagay sa bag ko. Bwiset talaga si Kuya Caleb.
Nag-type ako ng text para kay kuya Caleb. Ang lakas na ng trip maling akala pa.
To: Kuya Caleb The Player
Asar ka, Kuya. Bwiset ka
talaga kahit kailan.
From: Kuya Caleb The Player
Sus, nasira ko ba diskarte
mo? Isusumbong kita kay
Mama na nagsinungaling
ka. May boyfriend ka na.
To: Kuya Caleb The Player
Isumbong mo. Sabihin mo
pa kay Mama Charlotte na
Ian ang pangalan ng
BOYFRIEND ko
Humanda talaga sakin yang si Kuya Caleb. Lagot siya kay Mama Charlotte sa oras na isumbong niya ako.
May nagtext na unknown number.
Iya, eto yung address;
Lot 3, Lagusan, Tagaytay
City
Si Ian pala yung nag-text. Kung si Kuya Caleb ang nag-reply sasapakin ko talaga siya uli.
Sige, Ian. Pupuntahan
ko bukas. Nga pala sino
Engineer?
Pwede favor?
Oo na. Ako na bahala
Salamat, Iya. The best
ka talaga kahit kailan.
Batiin mo nalang si Kiandra
para sa akin.
Sinimulan ko na mag sketch ng layout ng bahay. Ginawa ko lang simple dahil kilala ko si Kiandra, simple lang ang gusto niya. Pati narin ang cousin ko.
Sa first floor nandoon ang salas tapos ini-angat lang ng onti yung dining room at isang rattan divider lang ang humahati sa kitchen at dining room. May isang CR at 2 kwarto tapos sa seond floor na yung master’s bedroom at apat na kwarto.
Hapon na nung natapos ako sa ginagawa ko. Umabot ng 75K ang buong presyo ng mga materyales, as for the workers may kinuha na si Ian at sabi niya nai-deposit na daw niya yung pera sa account ko at kung magkulang daw ay sabihin ko lang. Halos 140K ang inihulog na pera ni Ian sa account ko kaya labis pa.
Tinawagan ko si Kuya Clinton dahil baka may kakilala siyang Engineer.
“Nakalimutan mo ba? Engineer si Kuya.” Sabi ni Kuya Clinton sa kabilang linya.
“Papayag naman kaya si Kuya Caleb?” sarkastikong sabi ko
“Sabihin mo kay Mama para siya ang magsabi at hindi na makatanggi si Kuya.” Suhestiyon ni Kuya Clinton na naisip ko ay medyo right naman.
“Pwede nga naman.” Sabi ko. Nice idea. Kuya Clinton is matalino talaga like Mama at Papa.
“Salamat, Kuya Clinton.” Sabi ko at ibinaba ang tawag
“Arch. ‘di pa po ba kayo kakain? Magtu 2 na po.” Paalala ng assistant ko
“Ahm kakain na. Kumain ka na?” sabi ko habang umoorder ng pagkain via fastfood app
Nang dumating na ang order ko kumain agad ako. Habang nakain may nag-text sa cellphone ko.
Kuya Caleb The Player
Bakit kailangan mo pa
ipasabi kay Mama? Anong
silbi ng bibig mo? Display?
Si kuya Clinton siguro ang nagsabi.
Kailan ang simula?
Bukas.
Saan?
Forward ko nalang sa’yo.
Pagka-forward ng text ni Ian nagpatuloy ako sa pagkain. Nang magsi-6 na umuwi nako. Buti nalang dito ako sumabay kay Kuya Caleb kaninang umaga kay Kuya Caleb kaninang umaga kaya nandito ang kotse ko. Nagdrive ako pauwi at na-stuck ako sa traffic. Ang traffic talaga sa EDSA.
Pagkarating ko sa bahay nagluto ako ng hapunan tapos natulog na. Hindi naman nagpa intay si Kuya Caleb sakin saka sabi niya wag ko na daw siyang intayin.