TWO

868 Words
TWO: The Playboy’s Family Nandito kami sa bahay ng mga magulang namin. Well, every last Saturday and Sunday of the month dito kami nauwing lahat. Family Bonding in other terms. “Bakit naka-shades ka, kuya? Ang lamig ng panahon ni wala ngang araw.” Tanong ni Kuya Clinton. Pinigilan kong mapangisi. “Wala.” Maikling sabi ni Kuya Caleb “Anak, tanggalin mo nga yan. Nasa loob ng bahay.” Sabi ni Mama Charlotte kaya no choice si Kuya kundi tanggalin yung shades niya “Hahaha...” sabay-sabay na tawa nina Papa Owen, Kuya Clinton, Kuya Howard, ate Chantal at ate Jewel. Ako pinipigilan ko, ang sama makatingin ni Kuya Caleb eh. “Kaya wala kang girlfriend eh.” Pang-aasar ni Papa Owen. “Anong nangyari diyan sa kaliwang mata mo?” concerned na tanong ni Mama Charlotte “Ask her.” Sabi ni Kuya Caleb at masama parin ang tingin sakin “Anong nangyari, ija?” tanong ni Mama sakin’ “Mama, ganito pa kasi iyong nangyari. Kahapon po pagkagaling ko ssa trabaho naabutan ko po si Kuya na pababa ng hagdan dumiretso ako sa bathroom na katabi po ng closet. Pagkababa ko po bago umalis tinulungan ko po si Kuya Caleb paalisin ang fling niya tapos saka po ako pumunta sa bar kasama sina Teresa at ate jewel pinasundo ko po si ate jewel kay Kuya Clinton tapos po si Kuya Caleb pumunta rin. Nag commute po ako kasi sabi ni Kuya Caleb di naman ako lasing, pagkarating ko po sa bahay pumunta ako sa kwarto ko tapos nakita ko po na nagkalat ang foils sa sahig at gulo-gulo ang bedsheet at gamit ko kaya po sinapak ko po si Kuya Caleb hanggang mag-deal kami na doon siya sa sala matutulog at ako naman po sa kwarto niya.” Pagkekwent ko “Kasalanan mo naman pala.” Sabi nina Mama at Papa “Idol na talag kita, li’l sis.” Sabi ni Kuya Clinton “Kawawa ang future boyfriend mo, Akiara.” Sabi ni kuya Howard “Dapat lang strong si Akiara nang di siya maloko noh.” Sabi ni ate Chantal “Sabagay.” Pagsang-ayon ni ate Jewel “Nasabi narin lang, Akiara, ija, ikaw ba’y wala pang boyfriend?” tanong ni Mama Charlotte “Marami, Ma. Andyan sina Ken, Lewis – Ouch!” Napadaing ako nang batukan ako ni ate Chantal. “Ibig ni Mama sabihin ay kasintahan. Baliw.” Sabi ni ate Chantal “Wala pa, Ma.” Sagot ko “Wala pa? May hinihintay ka?” tanong ni Papa Owen “Opo. Si Kuya Caleb. Wala rin naman po siyang SERIOUS relatioship.” Sabi ko “Ikaw ba, Pierce, may balak pang tumino?” tanong ni Papa Owen “Bakit, Papa? Pwede na siya?” Nakakalokong tanong ni Kuya dahilan para samaan siya ng tingin nina Mama Charlotte at Papa Owen. Naging tahimik ang buong tanghali namin dahil sa nangyari kanina. Ano kayang ibig sabihin ni Kuya Caleb? Sinong siya? “Akiara, pwede bang pabantay muna sina Quicel at Richard?” tanong ni ate Jewel pagkapasok ko dito sa baby room. “Sige, ate.” Sabi ko. Ang cute kaya nila like me nung bata. “Tita..” Quincel mumbled “Yes, Quincel, Tita Yara is here.” Sabi ko at binuhat siya mula sa crib. Hinele ko siya at inilagay uli sa crib. So cute talaga. “Nice. Wala namang boyfriend naghahanda na.” Pang-aalaska ni kuya Caleb Andito narin pala ang playboy. “And so? At least handa.” Sabi ko at inirapan si Kuya Caleb “Tita...” biglang umiyak si Richard kaya siya naman ang binuhat ko at hinele. “Tahan ka na, Richard.” Sabi ko habang patuloy na hinehele si Richard. “Halika nga rito, Richard. Kay tito Caleb ka.” Sabi niya at kinuha si Richard. Sya ang ‘naghele’ at nagtaka ako nung tumahan yung bata eh niyuyugyog niya lang naman yung baby. “Hanga ka naman.” Ngising sabi ni Kuya “Che! Wala ka namang jowa.” Pang-aasar ko sa kanya “At nagsalita ang meron.” Nagising si Quincel kaya binuhat ko siya. Sabay naming pinatulog sina Richard at Quincel kaya lang nagising sila dahil sa flash ng camera. “Nagising tuloy.” Pagkasabi namin ni Kuya Caleb nun umiyak sina Quincel at Richard. Halos di kami magkadaugaga sa pagpapatahan sa dalawa. Sinubukan naming laruin hanggang nag hum nalang ako ng lullaby na dating kinakanta ni Mommy pag nagigising ako dahil sa mga nightmares. “Wow effective.” Sabi niya at dahan dahan namin ulit silang nilagay sa crib. Paglabas namin narinig namin silang nag-uusap. “Ang cute ni Akiara kanina.” Boses yun ni ate Chantal “Marunong pala siyang mag-alaga ng baby? Ang galing nila kanina ni Kuya Caleb.” Boses yun ni ate Jewel “It’s so mahirap kaya magpatahan ng mga batang nagising dahil sa flash ng camera.” Reklamo ko sa kanila. Halatang di nila ine expect na andito na kami. “Nag-training si Akiara wala namang boyfriend.” Pang-aasar ni Kuya Caleb “Bakit may matino kang girlfriend?” balik tanong ko sa kaniya. Makapang-asar tong si Kuya Caleb kala mo naman may matinong girlfriend. “Kuya, sinong siya ba ang tinutukoy mo?” tanong ni Kuya Clinton. Nice question, Kuya Clinton. “Siya. Siya na gusto ko.” Sagot niya kaya napairap ako. “Ang keso, Kuya Caleb. Malas naman niya.” Sabi ko. It’s so corny kaya. “Mas malas ang magiging boyfriend mo. Brattinela ka na, amazona pa.” Sabi niya “At least di keso.” Balik ko sa kanya “Keso ka dyan. Pag ikaw naloko ng mga salitang sinasabi mong keso, tatawanan talaga kita.” Sabi niya “Kapag. Kapag lang, kuya.” Sabi ko “Sus, mga single nga naman.” Sabi nina ate Chantal at Kuya Clinton “Mga inlababo nga naman.” Pang-aasar ni Kuya Caleb Maya-maya pa ay lumabas kami at sa isang Italian Restaurant naghapunan. Libre namin ni Kuya caleb dahil wala DAW kaming lovelife sabi ni ate Chantal. Sumang-ayon naman sina Mama Charlotte at Papa Owen kung gusto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD