ONE: The Playboy’s Sister
“Yara!!” blangkong tingin ang ibinigay ko sa taong tumawag sa akin
“Hi, li’l sis./Hi, baby girl.” Sabay na sabi nila at bumeso sa akin sina ate Chantal at Cherry
“Bakit?” tanong ko sa kanila
“Anong bakit?” tanong ni ate Chantal
“Anong kailangan niyo, ate Chantal? Kuya Clinton? Ikaw naman Cherry, pwede wag kang sumigaw? Nakakabulabog ka ng mga clients.” Sabi ko
“Iimbitahan ka sana namin ni Cherry mag-bar kasama ang bebelove nitong si Clint. Sama ka?” Sabi ni ate
“Okay. 8pm ang uwi ko.” Sabi ko at umalis na sila
“Miss, may clients na po kayo.” Sabi ng assistant ko kaya pumasok na ako sa office para magtrabaho.
Nang 8PM na lumabas na ako ng office. Pagdating ko sa bahay kababa lang ni Kuya Caleb.
“Magbibihis lang ako.” Sabi ko
“Aalis ka?” tanong niya
“Magba-bar kami nina ate Chantal kasama si ate Jewel, Cherry at Teresa.” Sabi ko
“Magda-drive ka?” tanong niya kaya umiling ako at nilagpasan siya. Naligo ako bago magbihis at mag-make up.
“Sino siya, Baby?” tanong ng girlfriend ngayong gabi ni Kuya Claeb.
And their relationsh*t will end in
3.. 2.. and 1
Kinindata ako ni Kuya Caleb senyas para palayasin ko na yung babae.
“Aalis na’ko. Huwag mo gisingin si baby.” Sabi ko at hinalikan siya kunwari sa pisngi pero bumulong ako.
“Ikaw na or bukas nalang.” Sabi ko at narinig ko ang busina ng kotse ni Cherry kaya humiwalay ako at bago lumabas ay tinarayan muna yung babae.
Pagkasakay ko sa kotse ni Cherry nag-drive agad siya papuntang bar.
Nagvibrate yung phone ko kaya binuksan ko at binasa yung text.
Kuya Caleb the Player
Thanks, sis.
Whatever, Kuya.
I’ll expect na walang b***h
dyan sa bahay bukas.
Pagkatapos ko mai send yung reply, itinago ko na yung phone ko.
Oh well. At 23, Architect na ako kaya the latest iPhone model ang gamit ko.
Bumaba kami ni Cherry ng kotse at pumasok sa loob ng bar.
“Kayshiee~~” halatang tipsy na si ate Chantal
Nagpunta ba siya dito para maglasing?
“Bakit naisip mong mag-bar, ate Chantal? Problem?” tanong ko
“Manghuhula ka talaga, Akiara. Si Howard kasi ayaw ako kausapin.” Sabi niya at umiyak.
Huh? Ayaw siyang kausapin ni Kuya Howard? Bakit?
“Saan mo ba kausap?” tanong ni Teresa
“Sa cellphone. Sinermunan pa nga ako na tawag daw ako ng tawag. Nasa bahay lang naman siya. Sabi niya tulog daw si baby. Baka may ibang baby na yun.” Ngawa ni ate Chantal
Wait. What?
Kung iaanalyze ko ang sinabi niya, tingin niya ayaw siya kausapin ni Kuya Howard dahil lang sinabihan siya na wag tawag ng tawag at dahil sinabi ni Kuya Howard na tulog yung baby.
“Ate Chantal naman eh!” reklamo ko sa kanya
“Tamo pati ikaw galit sakin. Panget ba’ko? Kapalit palit ba ako?” pagdadrama ni ate Chantal
Napailing nalang ako at umupo sa tabi ni ate Jewel.
Nagsalin nalang ako ng margarita sa shot glass at inisahang lagok bago inilabas ang phone at tinawagan si Kuya Howard.
“Hello, Kuya? Andito po kami sa Bleu Bar, ita-tag ko nalang po ang address sa post.” Sabi ko at nagselfie kasama si ate jewel tapos yung buong dancefloor tapos yung mga liquor at ang pwesto ng table namin.
Pinost ko sa IG at inilagay ang location tapos itinago ang phone ko.
“Yung totoo, ate Chantal? Naka drugs ka ba? Ang lakas ng trip mo.” Sabi ko sa kanya
“Oo nga, Chants. Ikaw narin ang nagsabi nasa bahay siya and diba around 2 years old lang ang anak niyo?” tanong ni Teresa at umubob sa lamesa si ate Chantal
“Howard!” sabi ni ate Jewel and nakita namin si Kuya Howard papalapit samin
“Halika nga dito. Sabi ng masama sa’yo ang alak eh.” Sabi ni Kuya Howard at inalalayan si ate patayo.
“Hindi naman uminom si Chantal. Si Akiara ang unang bumawas sa bote.” Sabi ni ate Jewel
Wait. Kung hindi lasing si ate pero ganyan siya ka sensitive that means...
“Buntis si ate?” gulat kong tanong
Ngumiti si Kuya Howard bago tumago at inalalayan si ate papalabas.
“Napag-iiwanan ka na, Akiara.” Sabi ni Cherry
“Nasaan na ba ang man of your dreams? Ma-hunting nga.” Sabi ni Teresa
“Nasa panaginip ko.” Pambabara ko kaya binatukan nila ako
“Gaga! Hindi ganoon. Hanggang ngayon kasi wala ka pang jowa kaya akala namin may standards kang cannot be reached.” Sabi ni Teresa
“Bata pa ako and besides bakit nga si Kuya, wala rin naman siyang serious relationship ah.” Sabi ko
“Bhe, yung kuya mo, walang hinahabol na menopausal stage, ikaw meron.” Sabi ni Cherry
“Palibhasa may mga jowa kayo, eh.” Reklamo ko sa kanila
“Laro tayo. Never Have I Ever.” Sabi ni Cherry
“Game.” Sabay sabay na sagot namin
“Never have I ever slept with a man ina room, just the two of us.” Sabi niya
Napa-irap ako at nag-shot rin ng isang lagok tulad nina ate Jewel and Teresa.
“Spill.” Sabi ni Teresa
Inirapan ko siya at natawa sila. It’s pretty obvious kaya, nagtatanong pa.
“Sige, never have I ever initiated a kiss.” Sabi ni ate Jewel
Sabay na uminom sina Teresa at Cherry.
“Never have i ever kissed a stranger.” Sabi ko at sabay na uminom sina Teresa at Cherry
1 point goes to me. Mga playgirl yang mga yan eh.
“Never have I ever like wait LOVE an Imperial.” Sabi ni Teresa
Sabay kaming uminom ni ate Jewel nung dalawang shot. Nag shot pa kami at umorder ng vodka, gin, at martini.
“Enough na, girls. Uwi na tayo.” Sabi ko at lumabas kami ng bar. Lasing na sina ate Jewel at Teresa kaya kami ni Cherry todo alalay sa kanila,
“Ingat sa pagmamaneho.” Sabi ko kay Cherry. Tinawagan ko si Kuya Clinton para masundo na si ate Jewel. Maya-maya pa ay dalawang Mercedez Benz na tumigil sa harap namin.
“Nilasing niyo na naman.” Reklamo ni Kuya Clinton sakin
“We’re just having fun, Kuya. Saka pati rin naman si Teresa nalasing.” Rason ko sa kanya. Binuhat niya ng pa-bridal style si ate Jewel at isinakay sa sasakyan niya.
“Oh?” tanong ko kay Kuya Claeb na nakatingin sakin
“Di ka pa naman lasing, Geh commute ka na.” Sabi niya
“Go lang.” Sabi ko at pumara ng taxi. Nasa unahan ang sasakyan ni kuya kaya nagmukhang nag-convoy lang kami.
Pagkabayad ko ng taxi bumaba ako at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto, only to find out na ang playboy na kapatid ko ay sa kwarto ko gumawa ng kalokohan.
“KUYA CALEB!!”