Kinabukasan ay nakatanggap agad ako ng text mula kay Ella, suot ko ang isang puff dress na above the knee at nakalugay ang aking buhok kinulot ko ang dulo nito para hindi plain tignan. Magkikita kami sa dating pinagtatambayan namin nung high school pa kami isa itong coffee shop sa Lipa na kung dati ay maliit lang ngunit ngayon ay malaki na. Kilala kami ng may-ari nito dahil noon halos bago umuwi galing school ay dito agad ang deretso namin. Iniwan ko si Miggy kay mama at nagpaalam na kikitain ko si Ella. Nag text si Ella na nandun na siya kaya mas lalo akong kinabahan. Nagmadali akong magmaneho ng kotse kaya nakarating din agad sa coffee shop. Pagkalabas ng kotse ay di muna ako naglakad dahil masyado akong kabado.
Pagkapasok ko ng coffee shop ay nakita ko na agad si Ella. Deretso ang tingin nito sa akin at ang kanyang kamay ay magka cross sa harap ng kanyang dibdib. Mas lalo akong kinabahan dahil sa aura nito simple lang ang suot niya ngunit elegante pa rin tignan, suot niya ay isang white dress na longsleeve na may slit sa gilid ng hita at naka heels. Lumapit ako sa kanya ng naka ngiti.
"Uh- Hi?" kabadong bati ko
Seryoso pa rin ang itsura nito saka tumayo sa pagkakaupo.
Bago pa man ang lahat nagulat ako ng sinampal niya ako ng malakas sa kaliwang pisngi. Lumingon ako sa paligid at wala namang tao dahil maaga pa kami ata unang costumer dito.
"Hi?! Hi lang Reyna? How could you do that! You ignored all my messages, calls and pati emails!" Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Don't you dare smile walang nakakatuwa" Hanggang ngayon eskandalosa pa rin talaga ang babaeng ito, wala pa rin nagbago.
"Ella kumalma ka"saad ko
"Panong kakalma ha Reyna? 4 years! Apat na taon mo akong iniignora! For what?!" halos mangiyak na si Ella sa kinatatayuan niya. At ako nagsisimula na ding maging emosyonal.
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.
"I miss you" saad ko saka napahagulhol ganun din siya, yumakap din siya pabalik. Tumagal iyon ng ilang minuto bago kami umupo.
"Tss. Ang dami mong ikukwento sa akin bruha ka" sabi niya, umorder kami ng paborito niyang americano at caramel machiatto naman ang sa akin.
"Madami nga, anyway akala ko ba hindi mo bet ang short hair bakit maiksi na yan?" tanong ko nag muka tuloy siya lalong koreana dahil sa mestisa nitong balat at singkit na mata. Na miss ko ng sobra itong bestfriend ko sa lahat ng bagay, parang kapatid na din turingan namin sa isa't isa.
"People change" saad naman niya at winaksi ang buhok. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
"Nga pala, I have to tell you something" sabi ko
"You should sa tagal mong nawala ng walang dahilan, jusko Reyna"
"I'm sorry for that" sincere na sabi ko "I want you to meet someone, saka ko lahat ikukuwento ang lahat lahat sayo" dugtong ko pa
"Who? boyfriend? husband?" curiuos na tanong nya. " OMG! kasal ka na?!" histerikal na sabi niya nakatakip pa kamay nito sa bibig niya habang nanlalaki ang mata.
"Baliw ka, hindi basta afte rnito punta tayo sa bahay"sabi ko, tumango na lang siya saka siya nagyaya na sa bahay dahil excited daw siya sa ipapakilala ko. Bago kami makalabas ng coffee nagdagsaan ang mga estudyante papasok kaya pinauna muna namin, ngunit isa sa kanila ay di ko aakalaing makikilala ako.
"OMG! Ikaw po ba si Ms. Reyna? author po ng Summertime?" medyo kinabahan naman ako dahil nilalaylo ko nga ang identity ko dahil gusto kong mamuhay ng mapayapa, pero hindi ata mangyayari yun.
"Uh-hahahha" awkward na tawa ko at napakamot sa ulo.
"Yes she is" sabat naman ni Ella "The one and only" dugtong niya pa.
Siniko ko naman si Ella dahil dun. At kumunot naman ang kanyang noo.
"Pwede po bang pa-picture?Fan nyo po ako miss!" sabi niya
"Ako din po!" sagot ng isa sa mga kasama niya
"Ako din po next!" may isa pang nagsabi.
Napa face palm na lamang ako saka sila pinagbigyan isa isa. Halos tumagal ang pag pipicture kaya medyo nakaka-abala na kami sa ibang papasok sa coffee shop kaya agad na din kaming nag paalam at umalis.
Nakapasok na kami sa loob ng kotse at ako ang nag drive pauwi.
"See wala ka pa ring kupas Reyna, kilala ka pa rin ng mga tao mapa-teenager at matanda" sabi niya na may halong palakpak.
"I think it's not a good idea tho" sabi ko
Napatingin naman siya sa akin na kunot ang noo.
"Huh? bakit naman?" tanong niya.
"You'll know soon" nginitian ko siya saglit at nag focus na sa pagmamaneho.
Pinarada ko na ang sasakyan sa labas ng bahay saka kami pinagbuksan ng gate ni ate Melissa.
"Hi ate Melissa!" masiglang bati ni Ella sa kanya. Napangiti na lang ako sa ideya na close ang dalawa.
"Ma'am Ella naku buti naman at napadalaw ulit kayo" masiglang sabi ni ate Melissa.
"Syempre, parang second house ko na nga po ito eh" nagtawanan naman ang dalawa. Napailing na lang ako dahil noon pa man ganyan na si Ella palakaibigan sa lahat.
"Ate Melissa si Miggy ho?" tanong ko
"Nasa sala ma'am, tara po pasok na kayo"
Tumingin naman sakin si Ella
"Miggy?" takang tanong nya
"Tara na" yaya ko sa kanya sa loob
Pagkapasok ay nakita ko si Miggy na katabi ni mama mukang may binabasa ang dalawa na story book.
Lumingon sa banda namin si Miggy saka madaling lumapit.
"Mommy! You're here" niyakap niya ako ganun din siya.
"How are you baby?" tanong ko
"Fine" maiksing tugon niya. "Who is she?" tanong naman ulit ni Miggy.
"Uh, It's tita Ella"
Tinignan ko naman si Ella at kita ang pagkagulat nito sa nangyayari.
"W-what?? Anak mo?" utal na sabi niya.
I sighed and smiled to her.
"Yes, he's Miggy my son"