KABANATA 1

1146 Words
Makalipas ang isang araw ay hindi na ako nag aksaya ng panahon para mag asikaso pauwi sa Pilipinas, nagulat si mama sa desisyon ko at nagtanong kung bakit nagbago ang aking isip ngunit hindi kona langsinagot. Ipinagpaalam ko na din si Miggy sa kanyang teacher sa school na uuwi muna kami sa Pilipinas at mag ta-take na lang si Miggy ng online classes sa kanya. Ganun din kay tita Amelia at pumayag naman ito na mag work from home na lang muna ako habang nasa Pilipinas. Sinundo kami nila papa at mama at mahigpit kaming nagyakapan ng makita nila kami. Tinulungan kami ni papa na isakay ang mga bagahe sa sasakyan. "Buti naman at nagbago talaga isip mo iha, miss na kita lalo na si miggy" sabi niya at bakas ang kasiyahan sa kanyang muka. Hindi pa kami nakakasakay sa loob dahil hinihintay namin na matapos si papa. "Oo nga pala ,nasan po si kuya?" tanong ko. "May concert sa Singapore ang kuya mo kagabi lang din umalis" sagot ni papa Agad naman akong nasorpresa. "Bakit hindi niya sinabi sakin?" takang tanong ko. "Eh nung mga nakaraan pag may concert sila sa ibang bansa lagi naman nagsasabi." dugtong ko. Mula pa lang ng high school ay may banda na si kuya. Bata pa lang nakahiligan na talaga niya ang musika kaya di na ako nagtataka kung bakit successful sila ngayon at kilala na din internationally. Masaya ako na naabot niya ang kanyang pangarap dahil pinaghirapan din naman nila yun at alam ko ang mga pinagdaanan nila sa hirap at ginhawa sa pag babanda kasama mga miyembro niya. "Nag away ba kayo?" tanong ni papa Umiling nama ako. Pero nakakapag tampo pa rin siya, hmp. "Ang batang iyun talaga, tara na pasok na kayo alis na tayo" saad ni papa. Habang nasa byahe walang tigil sa pangangamusta si mama sa amin at aliw na aliw naman kay Miggy. Nasa passenger seat ako umupo at sila mama at Miggy ang nasa likuran para naman makapag bonding. "Nga pala anak, nakakapag usap pa ba kayo ni Ella?" tanong ni papa Si Ella ay isa sa mga pinaka bestfriend ko noong high school, ngunit simula noong pumunta ako ng states hindi na ako nakipag usap ni isa sa mga kaibigan ko. "Hindi pa,bakit?" tanong ko naman. "Ang batang iyun araw-araw bumubisita sa bahay simula nang umalis ka papuntang states at kinakamusta ka" Bigla akong nakaramdam ng guilty. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong iyun ngunit ngayon pa lang gusto nang bumuhos ng luha ko. Alam kong naging makasarili ako pagdating dun at hindi ko naman sila masisisi. Hindi naging madali ang hindi ko pagpansin sa mga tawag at pangangamusta niya kahit na sa email, ginawa niya lahat ng paraan para makamusta ako makausap ngunit hindi ko na lang pinansin ang mga yun. Alam kong nasaktan ko siya dahil dun, kaya hindi ko alam kung paano siya haharapin. "I'll talk to her" bigla kong sabi kay papa Sumulyap sakin si papa saka tumingin sa daan. "You should anak" saad naman niya. Wala naman gaanong traffic sa Manila kaya nakarating agad kami sa bahay. Sa Batangas kami nakatira kaya di masyado hassle ang byahe. Gabi na ng makarating kami sa bahay. Wala pa ring pinagbago dito, kung ano ang huli kong kita sa bahay noon ganun pa rin ngayon. Halos gate lang ang nagbago simula nung maging sikat si kuya, dahilang kwento ni mama dumadagsa daw sa labas ng bahay minsan ang mga fans niya na kung minsan ay nakakapasok pa sa loob ng gate kaya pinapalitan ni kuya ng mas mataas at hindi masyado kita ang loob ng bahay. Agad namang binuksan ng katulong ang gate at pinasok na ang sasakyan saka kami bumaba. Nang tignan ko si Miggy sa likod ay tulog na ito, mukang napagod sa pakikipag kulitan kay mama. "Ma, ako na magbubuhat kay Miggy" tumango naman si mama saka binigay sa akin si Miggy. "Welcome po ma'am" bati sakin ng mga katulong na naka abang samin "Ako na ma'm magbubuhat kay Miggy" sabi ng isang katulong, hindi ko kilala ang ibang katulong dahil bago ako umalis ang pagkakatanda ko dalawalang katulong namin, ngayon dinagdagan ata nila mama. "Ako na po, pakitulungan na lang si papa sa pag asikaso ng bagahe" sabi ko at saka nauna na pumasok. Malawak ang bahay namin at malaki ito, tatllo ang kwarto sa taas at isa doon ay sa akin. Nilibot ko muna ang aking paningin sa kabuuan ng bahay, na-miss ko ito sobra. Naalala ko yung mga panahong dito lagi kami nila ella nag o-overnight at sila kuya halos dito lagi nag papractice ng banda pagkatapos ng klase dahil mayroong music room na nakalaan para sa kanila. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto. Malinis ang loob at natuwa naman ako dahil ganon pa rin ang ayos nito simula nung umalis ako, nilapag ko muna sa Miggy sa kama saka ko kinumutan. Pumunta ako ng study table at nakitang nandoon pa rin ang mga kagamitan ko sa school, madaming mga gamit at halos mga printed draft ng mga sinusulat kong story. Rinig kong kumatok ang isang katulong namin bitbit ang mga bagahe. "Ma'am san po namin ito ilalagay?" tanong ng isa. "Diyan na lang po sa may tabi ng kama, ako na din po mag aayos mamaya" saad ko "Uh nga pala anong pangalan nyo? Hindi ko kasi kayo naabutan noong andito pa ako" dugtong ko. "Ako ho si Melissa at eto naman ho si Iska halos magkasing edad lang po kami" mahaba ang buhok ni Melissa at medyo kulot ito si Iska naman ay hanggang balikat ang buhok, sa tingin ko ay mga na sa 40s na sila base sa pananalita at kilos. Inilagay nila sa may gilid ang mga bagahe. "Kung may kailangan pa po kayo ma'am tawagan nyo lang po kami." sabi naman ni Iska. "Sige. Maraming salamat po" saad ko saka sila nginitian. Binuksan ko ang isang maleta at kumuha ng pang palit na pantulog saka nag half bath. Ilang minuto na ako naka babad sa bath tub at iniisip pa rin ang nangyari sa state at ang taong nakita ko. Nagka amnesia ba siya? o kaya nagpapanggap na di ako kilala? pero bakit naman niya gagawin yun? tss. Nakaramdam na ako ng antok kaya nag banlaw na ako saka nagbihis, hindi naman na ako gutom dahil nag drive thru kami nila papa kanina at busog pa ako, tinabihan ko si Miggy saka naki share ng kumot. Bago ako makatulog ay biglang tumunog ang phone ko, may tumatawag pero unknown number naman ito pero baka importante kaya sinagot ko na lang. "Hello?" sabi ko "Salamat naman at sinagot mo na tawag ko Reyna Alexa Trinidad" agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at gulat sa kung sino ang nagsalita. "Ella?" saad ko "Let's meet tomorrow, I'll send the details." agad na din naputol ang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD