" Iha, I think it's time for you to comeback here" saad ni mama mula sa kabilang linya, tumawag siya para lang kumbinsihin akong umuwi ng Pilipinas at dun na ulit tumira, ilang linggo na nya ako pinipilit na umuwi ngunit hindi pa rin niya ako makumbinsi.
"You know, it's been years already at miss ka na namin ng papa mo pati ng kuya mo" dugtong niya.
"Ma, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako uuwi diyan, if you miss me we can have a vacation there, pero to settle? no."
"Anak, listen--" I cut her off dahil kahit ano pang pangungulit niya sa akin hindi umeepekto sakin.
"Look ma, nagsasayang ka lang ng oras at energy sa pangungumbinsi, hindi na magbabago isip ko okay?" I heard her sigh na para bang bigong bigo dahil sa sinabi ko.
"How's Miggy?" Pag-iiba nya ng topic.
"He's fine, he learn so fast ang dami na niyang alam ma, at the age of 3 he already wants to learn how to cook" Rinig kong tumawa siya kaya pati ako napangiti na lang.
"I can't wait to see him and pinch his cheek" Magiliw na saad ni mama.
"Miss ka na rin niya ma, he's also excited kapag nababanggit ko na magkikita kayo soon"
"Mag-iingat kayo dyan anak sa states, ingatan mo sarili mo at ang apo ko" saad niya.
"Of course ma, lagi kami----"
"Mommy!! I'm here" sigaw ng matinis na boses mula sa pintuan. Kadarating lang ni Miggy at Yaya Lucy mula sa school. Agad na tumakbo papunta sa akin si Miggy at humalik sa pisngi ko.
"How's school big boy?" tanong ko nang niyakap ko siya at hinalikan din sa pisngi.
"I've got a lot of stars look oh" ipinakita niya sa akin ang braso niyang punong puno ng very good at stars.
"Wow! that's good baby. I'm so proud of you!"
"Is that Miggy, Iha?" rinig kong tanong ni mama mula sa phone na hawak ko.
"Yes Ma kadarating lang, Miggy talk to lola dali" kinuha nya sa akin ang phone at tinapat sa kanyang tenga.
"Lola! I miss you! When can I see you?" saad ni Miggy habang nakangiti.
Hindi ko na marinig ang pinag uusapan ng dalawa dahil hindi naman naka speaker ang aking phone. Pinagmasadan ko si miggy habang kausap si mama, aaminin ko miss ko na din sila mama at papa. Maraming nang nangyari at nagbago makalipas ang ilang taon. Masaya ako sa estado ng buhay ko ngayon dahil meron akong Miggy. Labing-walong taong gulang ako ng dumating sa akin si Miggy, at sa mga panahon na iyon madaming mga pagsubok ang dumating sa buhay ko.
Nag desisyon akong pumunta dito sa states hanggang sa ipanganak ko si Miggy. Hindi naging problema ang pinansyal sa akin dahil kahit papaano malaki ang kinita ko sa pagsusulat ng mga libro. Isa akong kilalang manunulat at author ng aking mga story, kung saan nagkakaroon din ako ng book signing event dati ngunit matagal na akong tumigil sa pagsusulat. Sa ngayon nagtatrabaho ako sa isang kompanya dito sa states na pag ma may-ari ng tiyahin ko na si tita Amelia, kapatid ni papa. Walang asawa't anak si tita Amelia kaya nang malaman niya na dito muna ako sa states maninirahan ay agad na tinulungan nya ako.Malaki ang pasasalamat ko kay tita dahil dito nakapagtapos din ako ng kolehiyo kahit meron na akong Miggy siya ang sumuporta sa akin. Noong una hindi pumayag sila papa na dito na ako sa states pero wala din silang nagawa.
"Mommy I want some ice-cream" saad ni Miggy tapos na sila mag usap ni mama at nagpaalam na din siya.
Tumango muna ako bago nagsalita.
"Okay, ako na kukuha sa ref, hintayin mo lang ako dito"
"Okay po" magalang na sagot niya.
Dumeretso ako ng kusina at binuksan ang ref ngunit pagbukas ko wala na stock ng paboritong ice cream ni Miggy.
"Yaya Lucy, lalabas muna ako bibili ako ng ice-cream naubos na kasi yung stock ni Miggy" sabi ko kay Yaya Lucy na nag hahanda ng pagkain.
"Ay ma'am ako na lang ho bibili"
"No, it's okay ako na lang pabantay na lang din po kay Miggy" nginitian ko siya saka lumapit kay Miggy na prenteng nakahiga sa sofa.
"Hey anak, I'll go buy some ice-cream sa labas muna ha, wait me here okay?"
"Run out of ice-cream?" takang tanong niya.
"Yes, takaw mo kasi eh" humalakhak ako sa sinabi ko ngunit si Miggy seryosong nakatingin pa rin sa akin. Hays may pinagmanahan talaga.
Kinuha ko na ang wallet ko saka lumabas. Malapit lang ang convenient store dito kaya naglakad na lang ako.
Nang makarating ako sa store agad akong pumunta sa may hilera ng mga yogurt at ice-cream. Nag desisyon na din akong kumuha ng yogurt pagkatapos hinanap ang paboritong ice-cream ni Miggy. Nakita kong isa na lang ang stock nito at mukang last na kaya dali dali kong inabot ito ngunit bago pa man yun may naunang nakakuha nito.
Tumingin ako sa taong kumuha nun, gulat at sumikip ang aking dibdib ng makilala ko ito. Hindi pwede, bakit siya nandito? Mas lalo akong kinabahan ng lumingon siya sa akin, titig na titig siya ngunit walang ekspresyon ang mukha. Ilang taon na ang nakalipas nang huli ko siyang makita akala ko wala na, pero bakit bumalik yung mga emosyon at naramdaman ko nung mawala siya. Ang taong kaharap ko ang dahilan kung bakit nagbago ang buhay ko.
"Miss, are you okay?" bigla nyang tanong. Kaya mas lalo akong kinabahan.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat kaya di ako sumagot.
"I guess this is the last stock of this flavor but, here" inabot nya sa akin ang grapon ng ice cream ngunit hindi pa rin ako kumikibo. Hindi niya ba ako kilala? Panong nangyari?
Bigla kong inabot ang ice cream at dali dali pumunta ng cashier para magbayad. Bakit pano nangyaring di niya ako kilala? Is he trying to act like he didn't know me? Wtf.
Nang makalabas ako ng convenient store agad na tinawagan ko si mama sa phone.
"Hello--"
"Ma uuwi kami diyan ni Miggy"