Pagkatapos ng tawanan sa loob ng bulwagan ala covered court , sinabihan ni Don Amancio ang tao niya na kumain na silang lahat. Lahat ay pumila sa isang mahabang mesa kung saan nakahain ang iba't ibang putahi ng lutong Pinoy. Walang pagsidlian ng kaligayahan ang lahat lalo na sina Analyn at Anthony. Parang kailan lang, naalala ni Analyn na halos ikulong siya ng ama huwag lamang sila magkita ni Anthony. Pero ng malaman nito na nabuntis siya ng lalaking ito ay unti - unti niyang inalam ang tunay na ugali ni Anthony. Si Don Amancio pa mismo ang gumawa ng paraan upang magkalapit ang dalawa at siya naman ang pilit na lumayo dito dahil sa pag-alala na kunin nito sa kanya ang anak niya. Dahil sa kalagayan ni Anthony na hindi pa masuadong nakaalala, iniiwasan niyang magkwento dito ng mga nakara

