Pagkaalis nina Miguel agad na tinawagan ni Manang Loring si Analyn. "Yaya, kamusta kayo dyan?" tanong ni Ann kay Manang Loring. "Anak, pinatawag ako ng Papa mo. Huwag mo daw kalimutan sa linggo , magkakaroon tayo ng salo-salo para kay Miguel at Anthony." wika nito sa alaga. Kinuwento ni Manang kay Analyn ang pagdalaw ng mag-iina sa mansyon ng mga Villareal. At bakas sa kwento ni Manang ang kasayahan ng kanyang ama. Sabado pa lang gabi abala na ang mga tauhan ni Don Amancio sa rancho. Parang piesta ang pinaghahandaana nila. May kumakatay ng mga manok, pato at baboy. May naghahanda ng panglitson. Masayang - masaya ang mga tao ni Don Amancio. Halos sampung taon na mula ng mamatay ang maybahay ni Don Amancio ay ngayon lang ulit naging ganito ang atmosphere sa hacienda. Alas siete palang ng um

