Kabanata 11 - Ang paghahanap

1120 Words
Sa tahanan ng mga Villareal , hindi nila ng alam kung saan nagtungo si Analyn maaga pa daw ito umalis pero wala ni isa man sa kanila kung saan ito nagtungo. Tumawag si Miguel kay Don Amancio na nagfile daw sick leave si Analyn kaya gusto lang sana niyang kamustahin ang dalaga. Hindi alam ni Don Amancio na maysakit ang anak kaya pinuntahan niya ito sa kanyang silid. Nakatatlong katok na siya pero walang sumasagot kaya pumasok siya. Ngunit wala siyang nakitang tao doon kaya siya bumaba at tinanong ang mga tauhan niya. "Senor, patawad po pero pagkagising ko wala na po ang kotse ni Senorita Analyn sa garahe", sabi ni Manang Melba. "Wala kang ihingi ng twad Melba, tawagan ko na siya", wika ng Don kay Manang Melba. Nakailang dial na si Don Amancio pero pumupunta lang sa voicemail ang tawag niya. Nasaan kaya ang batang iyon. Tinawagan niya si Miguel. "Iho, tanungin mo nga si Agnes kung may binilin ang Boss niya sa kanya."utos nito kay Miguel. "Tito,ang sabi lang sa kanya iforward sa akin yong mga urgent na papeles. Wala naman daw bilin at hindi daw siya nag tanong kasi baka nga daw maysakit si Ann", paglalahad niya sa sinabi ni Agnes. "May iba pa po bang kaibigan si Ann na pwede niyang puntahan? " tanong ulit ni Miguel sa ama ni Analyn. Narinig niyang nagbuntong hininga si Don Amancio sa kabilang linya. Tinawagan naman ni Don Amancio si Susan, isa na itong manager sa kanilang shipping company at si Analyn ang CEO. "Good morning Tito, napatawag mo kayo, may problema po ba?", tanong nito sa tiyuhin. "Iha, tumawag ba ang pinsan mo sa iyo? "Hindi po Tito." sagot nito. "Kasi di namin alam kung siya pumunta eh", paliwanag ni Don Amancio sa kanya. "Tito , ano oras po ba siya umalis at saka may tracker po yong kotse niya nakalimutan mo po ba inutos nyo sa akin na palagyan ko ng tracker ang kotse niya ". "Oo nga pala Susan, pakitingan mo anak sa celphone baka makita natin kung saan siya."Tito ibaba ko muna po itong phone ko ha, just give 5 minutes." Ibinaba ni Susan ang tawag mula sa tiyuhin at she connect it to Analyn's car. Maya-maya nakita na niya ito. "Tito, nasa City I si Ann, baka naman po nagshopping lang at nagrelax." alo nito sa tiyuhin. "Tawagan ko na lang po siya mamaya". "Sige iha, sabihin mo diyan sa pinsan mo nag-aalala ako sa kanya ha". "Opo", bye po Tito. Pagkababa ni Don Amacio ng celphone nito,nag-isip si Susan kung saan ba talaga ang pinsan niya. Sinabi niya dito ng huli silang nag-usap na nais na daw niyang makipagbreak kay Anthony dahil nakatakda na daw siyang ikasal sa anak ng business partner nila. Hindi na sila nag-uusap ng maigi mula ng magtrabaho sila sa kanilang kompanya. Maya -maya naligo at nagbihis si Susan , susundan niya ang pinsan niya. Nakita ni Susan ang kotse ni Ann malapit sa kantina na palagi nilang tinatambayan noon. Ito ang lugar kung saan halos araw-araw silang magpinsan kumakain dahil mura at masarap ang luto ni Mang Jose. Nandito pa rin pala ito. Pumasok siya sa loob at nakilala din siya agad ng may edad na lalaki. "Manong Jose, kamusta na po?" "Oy , Susan,ng swerte ko naman ngayong araw, kanina lang nandito ang pinsan mo kasama niya ang boyfriend niya."paglalahad nito sa kanya. "Talaga po, galing sila dito.Hinahanap ko po kasi siya eh.""Saan na po sila ngayon?"tanong ko kay Manong. "Hinabilin lang niya ang kotse niya sa akin at may pupuntahan daw sila ni Anthony eh, balikan na lang daw niya mamaya."sagot ni Manong Jose kay Susan. "Manong , ano oras po sila umalis dito?" "Mga dalawang oras na ang nakalipas."sagot ni Manong Jose ulit. "Ah sige po, baka nasa mall sila sundan ko na lang po, salamat po." "Lintik na", pagmumura sa isip ni Susan. Hindi pwede malaman ni Tito na magkasama silang dalawa. Pero paano ko naman siya makontak, bakit nakaoff ang celphone niya. Tawagan ko kaya si Andrew. "Hello ,Andrew ". "Hi, sino ito? "Si Susan ito, yong pinsan ni Analyn , remember." " Ikaw pala Su, sensya iba na kasi ang number mo" "Oo nga pasensya rin dahil ang tagal na ring hindi tayo nagkita" "Anyway, alam mo ba kung saan si Anthony", tanong ni Susan kay Andrew. " Hindi eh, matagal na siyang hindi nakadalaw dito , balita ko lagi daw siyang busy sa ospital eh." sagot ni Andrew kay Susan. " Alam mong tayo lang nakakaalam na may relasyon sila ni Analyn di ba, alam mo bang may nagsabi sa akin na magkasama sila. Baka maligaw sila dyan pwede pakisabi umuwi na Ann, nag-aalala na si Tito sa kanya." Samantala, pinuntahan ni Don Alejandro ang anak sa ospital na pinagtatrabrabahuan nito. "Nars, pwede magtanong, saan ang clinic ni Dr. Sanson?" "Good morning Sir, nagfile po ng sick leave si Dr. Anthony Sanson eh."sagot ng Nars kay Don Alejandro. Medyo natakot pa nars dahil may mga kasama ito na tingin niya ay mga body guard ng Don. "Brandon, tawagan mo nga ang body guard ni Anthony kakausapin ko." "Okay Boss". Lingid sa kaalaman ni Anthony mayroon siyang body guard na sumusunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Palibhasa nag-iisang taga-pagmana ng Sanson Shipping Lines and Industries. At over the years, medicine man ang kinuha ni Anthony alam niya na dadating ang panahon na kailangan niyang pamunuan ito. "Hello, kakausapin ka ni Boss". Inabot ni Brandon ang kanyang telepono sa kanilang amo. "Lito , nasaan ang alaga mo?" "Boss, nakasunod ako kanina sa kanila eh pagdating sa stop light biglang nawala kaya po sinusundan ko ang tracker sa kotse niya ." "Teka, nila? may kasama siya?" " Opo Boss, kasama niya si Analyan Villareal." paliwanag ni Lito kay Don Alejandro. "Punyeta , hanapin mo". "Akala ko ba di na sila nagkikita, bakit ngayon magkasama sila? "Di ko rin alam Boss eh." "Natrace mo na ba kung saan kotse niya?" "Boss nandito na ako, isang gasoline station po ito pero wala pong tao sa kotse." "Look further, tawagan ko ang ibang tao natin sa rancho." utos ni Don Alejandro kay Lito. "Andrew, nakita mo ba si Anthony?" "Hello po, hindi po Senor." "Andrew, alam mo mangyayari sa iyo kapag pinagtatakpan mo na nman yang kaibigan mo" ang pagbabanta ni Don Alejandro kay Andrew. "Senor, di ko po talaga alam, mula po kasi ng magduty na siya sa ospital bihira na po siya nakakahawak ng kabayo." " Ok, kapag naligaw dyan tumawag ka sa akin ha". "Opo , Senor". Kinakabahang binaba ni Andrew ang celphone pagkapaalam niya sa ama ng kaibigan. Kailangan hanapin ko si Anthony, baka mahuli sila ng mga tao ni Senor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD