Pagkaalis ni Miguel, umakyat agad ako sa kuarto ko. Dahil linggo ngayon inabala ko ang sarili ko kanina sa aking hardin. Nais kong makalimutan si Anthony pero di ko magawa. Bakit kailangang danasin namin ang ganito. Bakit pati kaming mga apo nila kailangan maging magkaaway din. Nagulat ako ng biglang tumunog ang celphone ko. Nakita ko ang caller ID, si Anthony iyon. Pero naka-apat na ring di ko dinadampot ang cp ko. Ayaw ko siyang makausap, baka di ko kayanin at pagbigyan ko na nman ulit siya.
Ang pagdalaw ni Miguel nagbigay din ng isang alalahanin sa akin. Di ko siya kayang sagutin, mahal ko pa rin Anthony. Pero paano ako makakawala sa kasunduan nila Papa. Iniisip kong umalis na lang papuntang ibang bansa ng sa ganoon, matakasan ko ang mga bagay - bagay na nakaatang sa aking mga balikat. Mag-isa na lang ang aking ama. Paano siya kapag iniwan ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan ko ng kausapin si Anthony sa ayaw at gusto ko. Mahal na mahal ko siya pero ano ang gagawin ko. Nakatakda ang aking kasal sa ibang lalaki.
"Hello , Anthony pwede ba tayong magkita?", tinawagan ko si Anthony para magkausap na kami. "Hello, Ann nasa ospital pa ako ngayon. Pwede bukas, saan tayo magkikita?" "Sa dati na lang Ga", sabi ko sa kanya. Ang dati naming tagpuan ay ang isang maliit na kantina malapit sa university kung saan kami bihira pumunta ang mga kaibigan namin kasi pangmahirap daw. Kilala na namin si Manong Jose ang tagaluto dito kaya alam niya ang gusto namin kainin lagi. "Langga, pwede bang sulitin natin ang maghapon bukas namis na kasi kita eh." lambing sa akin ni Anthony. Sa isip ko, ito na rin ang huling pagkikita namin kaya pumayag na ako. "Sige, di ba sabi mo , ipasyal mo sa bundok ng ilong bukid." " Talaga, gusto mo na sumama doon?", tuwang - tuwa si Anthony ng banggitin ang lugar na iyon. Di ko alam kung ano ang mayroon sa lugar na iyon pero nahawa ako sa kanya. "Oo nga, magdala ka ng mga kailangn natin ha", lambing ko sa kanya. "Okay, Langga ako na ang bahala".
Kinabukasan, nagfile ako ng sick leave. Tinawagan ko ang sekretarya ko na ipasa kay Miguel lahat ng urgent na dapat pirmahan. Tawag ng tawag si Miguel ng mabalitaan niya kay Agnes na nakaleave ako pero nakaoff ang celphone ko kaya kahit si Papa di ako makontak. Alas syete palang ng umaga nandoon na ako sa tagpuan namin ni Anthony. Dahil kilala na ako ni Manong Jose, binigyan niya agad ako ng isang mangkok ng Lapaz Batchoy. "Salamat Manong, namiss ko na itong batchoy mo". Ngumiti lang siya sa akin. "Mula kasi ng naggraduate na kayo ng boyfriend mo di na ninyo ako nadalaw", may halong tampo na sabi niya sa akin. "Hayaan po ninyo kapag may bisita ako sa opisina, mag-order ako lagi sa inyo para lagi mo akong makikita." "Naku , iha hindi ko na kaya magdeliver eh. Alam mo naman itong Manong mo, masakit na ang tuhod di na kayang magpadyak." " Eh di ipapick up ko nalang, para makatulong din ako sa negosyo mo". "Salamat kong ganong ,Ann." Nakangiti pa rin si Manong sa akin ng dumating si Anthony.
"Hi, Manong kamusta na po kayo?", bati niya kay Manong Jose. "Mabuti naman iho, mabuti naisipan ninyong dumalaw dito." sagot sa kanya ni Manong. Binigyan din siya ni Manong ng isang mangkok na Lapaz Batchoy. "Ummm, ang bango pa rin ng luto ninyong batchoy Manong ."Salamat naman at di pa ninyo nakalimutan ang lasa ng luto ko.Kaya lang dahil sa sakit ko na arhtritis , bihira na lang ako nagbubukas nitong tindahan ko. "Nagpacheck - up na po ba kyo Manong?" Tanong niya kay Manong. "Hindi pa iho, konti na lang kasi ang kinikita ko ngayon dahil bihira ako magbukas eh. Buti swerte ninyo at bukas ako ngayon kya nandito ako. Dalawang linggo nakahiga lang ako dahil sa sobrang sakit ng mga paa at binti ko, bumuti na ang pakiramdam ko kahapon kaya nagpasama ako sa pamangkin ko sa palengke. Inabutan ni Anthony si Manong ng isang calling card at sinabihan na pumunta sa ospital at hanapin siya para macheck up niya ito. Nagpaalam naman si Manong sa amin kaya naiwan kami na mesa.
Hinawakan ni Anthony ang kamay ko kaya di na ako pumalag. "Ga, I miss you", sabay halik sa kamay. Naramdam ko naman na nakuryente ang kamay ko dahil sa ginawa niya. Ngumiti lang ako sa kanya. "Ga, sulitin natin ang maghapon na ito ha."sabi ko sa kanya."Mabuti at naiisipan mong magbakasyon ,Ga." sabi niya sa akin. "Nakakapagod din kasi eh. Ikaw din naman kailangan mo ng bakasyon",sagot ko sa kanya. Ipinagpatuloy namin pagkain hanggang matapos kami. Nagpaalam na rin kami kay Manong at binilinan ko siya na balikan ko nalang ang kotse kasi may pupuntahan pa kami ni Anthony.
Habang nasa biyahe kami, sinabi ko sa kanya na gisingin na lang niya ako pagmalapit na kami. Medyo matagal din ang biyahe kasi galing kami sa City tapos pauwi kami sa probinsya. Nasa gitna lang ng rancho nila at sa amin ang Ilong Bukid kaya sinabi ko sa kanya. Iwan nalang namin ang kotse niya sa gas station sa bayan ng Saray at mag-arkila nalang kami ng motor paakyat sa bundok. Hind naman ganoon katirik ang bundok pero dahil hindi ko pa nasubukan maghiking kaya hingal ako bago kami makarating sa toktok pagkatapos bumaba kami sa sapa.
Magkahawak kami ng kamay sa boung panahon paakyat at pababa kasi nag-aalala siya sa akin. Ngayon ko lang siyang lubos na nakilala at sobrang maalaga siya sa akin. Pagdating namin sa tabing ilog, may nakita akong maliit na kubo doon. "Tao po, tao po", tawag niya sa may-ari ng bahay. May isang may edad na babae na lumabas doon. "Oy , Senorita buti na padalaw ka', sabi kay Anthony ng babae. "Manang Soling , andyan po ba si Manong Nato?", tanong niya dito. "Senorito, pumunta siya hacienda ninyo kasi may pinagawa ang Senor sa kanya." sagot kay Anthony ni Manang. "Ganon ba , sige po dito lang kami sa tabi ng ilog Manang." sabi nito kay Manang na ngumiti sa amin. Hindi na ako nagtaka kung bakit may nakatira dito at tauhan pala niya ang mga ito.
"Kaya naman pala, gustong - gusto mo akong isama dito, pag-aari mo yata ito eh." Ngumiti lang siya sa akin at nagkatingin ko din siya. Nilatag niya ang dala niyang banig at mga pagkain. Kahit nahihirapan siyang bitbitin kanina ang mga dala namin pero di siya nagreklamo.