ARIANNE
Itinali ko nang mataas ang buhok ko saka paika-ika na lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga ako nang makitang wala man lang katao-tao kahit alas-otso pa lang ng umaga. Sabagay, si Iggy at Aling Lupe lang ang kasama ko sa bahay na ito. And boredom strikes hard since I have been in my room for two days because of my sprain.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng gatas nang maabutan ko si Iggy na nakatayo sa harap ng refrigerator habang umiinom ng tubig. Wala siyang sout na pang-itaas at sa bawat paglunok niya ng tubig ay gumagalaw ang kaniyang adam’s apple. And I find it sexy. Hindi ko rin mapigilan ang igala ang tingin sa kaniyang katawan. His broad shoulder, chiseled chest and those six pack abs that can make every woman fall into him.
"Are you done scanning me?"
Dumako sa akin ang tingin niya dahilan para mabilis akong mag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang aking pisngi dahil sa sobrang hiya.
"I'm not scanning you." Mabilis na tumitibok ang puso ko dahil lang sa kaniyang paraan ng pagtitig sa akin.
He tsked. “Lumabas si ‘Nay Lupe para mamalengke. Kung gusto mo mag-almusal, magluto ka na lang ng pancake diyan,” aniya at naglakad palapit sa akin.
Tumango lang ako at humakbang papunta sa pantry para maghanap ng maaring makain at tanging biskwit lang ang naroon at mga instant noodles. Kumunot naman ang aking noo nang mapansin ang presensya niya na hindi umaalis sa kinatatayuan. Lumingon ako para kumpirmahin at tama nga ako. Nakatayo pa rin siya at nakatingin sa aking paa.
Itinaas ko iyon at ginalaw-galaw. “Okay na ang paa ko. Salamat—”
"I'm not asking."
Ang sungit talaga kahit kailan.
"Sinasabi ko lang naman—"
"Sandra will be here to pick you up."
Gumuhit ang kunot sa noo ko. "May I ask why?"
Sa halip na sumagot sa tanong ko ay tumalikod lang siya at naglakad palayo hanggang sa ako na lang ang naiwan sa kusina. Nagkibit-balikat na lang ako at kumuha ng cup noodles para almusalin.
"Ma'am Arianne?"
Napatuwid ang aking likod at nilingon ang tumawag sa akin. Ang nakangiting si Sandra ang pumasok sa kusina. May bitbit itong basket ng manggang hinog. Inilapag niya ito sa lamesa at lumapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito, Sandra?"
She smiled sweetly. "Dalawang araw ka ng nandito sa loob ng bahay dahil sa injury mo. Gusto mo bang mag-ikot-ikot?"
Napaawang ang aking labi dahil sa tuwa. Boredom is making me crazy here and going out is the best thing I can do.
"Sure!" I said excitingly.
Nagpaalam naman si Sandra na babalik na lang dahil kailangan ko daw muna mag-almusal. Cup noodles at tinapay lamang ang kinain ko at nang matapos ay umakyat ako muli sa taas para magbihis. Simpleng pink pullover at black leggings ang sout ko saka pinaresan ng simpleng tsinelas. Naglagay din ako ng sunscreen sa mukha at light make up.
Pagbaba ko ay saktong naroon na si Sandra at hinihintay ako.
"Ang ganda niyo po talaga, Ma'am Arianne." Kumalat ang init sa aking pisngi at alam ko ay kasing pula na naman ng kamatis ang aking pisngi.
"Saan tayo pupunta?"
"Mag-iikot-ikot sa rancho."
Tumango ako at sumunod sa kaniya nang magsimula siyang maglakad. Hindi pa ganoon ka init ang sikat ng araw at puro huni ng iba't ibang hayop ang aking naririnig. Itinaas ko ang kamay ko upang takpan ang init na tumatama sa aking mga mata.
"Hi guys!" Umalingaw-ngaw ang boses ni Sandra sa kalawakan ng Rancho. Itinaas niya ang kaniyang kamay saka kumaway sa mga trabahador.
Niyaya niya ako papunta roon at marahan akong hinila ako. Nang marating namin ang tila malaking bahay ng mga hayop. Naabutan namin si Iggy na hawak ang tila tiyan ng isang baka. Unang tingin palang ay alam kong buntis iyon.
"Kumusta, Ma'am Arianne?" Pangunguna ni Hector at lumapit sa akin.
Hindi naman sa pagmamayabang pero masyadong halata ang ginagawang pagpapansin ni Hector sa akin. Ang iba pang mga kasama nito ay nagsilapitan at inakbayan si Hector. Inaasar-asar nila ito na ikinatuwa naman ng isa.
"Ganda ni Ma'am Arianne sa personal," komento ng isa at umakbay sa ibang kasama nito.
"Nako, Ma'am peyborit na artista po kayo ng asawa ko," singit ng medyo may edad na.
"Ako rin Ma'am, peyborit ko rin kayo. Mayroon ba kayong palabas na medyo, alam mo na," saad ng isa na kakaiba ang ngising pinapakita sa akin.
"Gago, talaga 'to, Dante. Nako Ma'am, huwag niyo pong pansinin iyan—"
"Ito naman si Hector, kj. Artista naman 'yan si Ma'am, kung sino-sino nga ka kissing scene niya," putol nito sa sinasabi ni Hector at ngumising aso. "Ano Ma'am Arianne? Share mo naman—"
Nanlaki ang mata ko at singhap ang aking narinig mula sa aking mga kasama nang biglang tumalsik ang Dante na iyon at sumubsob sa lupa. Nang dumako ang tingin ko sa may gawa niyon ay hindi ko maiwasan ang mapakagat labi.
Iggy's face is dark and his jaw is clenching hard. Matalim rin ang tingin na pinupukol niya sa lalaki na nakadapa parin at pinipilit na tumayo. Naglalabasan ang ugat sa braso dahil sa higpit ng kaniyang nakakuyom na kamao.
"Putangina! Sino may gawa no'n?!" Galit na galit ang mukha ng lalaki na humarap sa amin.
"Arianne is my sister's bestfriend and visitor. Mag-ingat kayo sa mga lalabas sa bibig niyo kung ayaw niyong paduguin ko ang mga 'yan," Iggy warned with a deep and dangerous tone. His voice is scary as hell and so is his face.
"S-Sir I-Iggy, pasensya na—"
"Go home, Dante—"
"Pero Sir Iggy—"
"Uuwi ka o tatanggalan kita ng trabaho? Don't try my patience, Dante," banta ni Iggy na matalim pa rin ang tinging pinupukol.
"Sige na, Dante. Umuwi ka muna at baka mas lalo lang magalit si Sir Iggy," payo ng isa sa mga kasama nito.
Napapailing ito at nang dumako ang tingin sa akin ay tinitigan niya ako nang matalim. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka inirapan. Buti nga sa kaniya.
"Sige, Sir. Pasensya na po," anito at naglakad palayo.
Nang muli kong ibalik ang tingin kay Iggy ay matalim din ang tinging ipinupukol niya sa akin at hindi ko alam ang dahilan niyon. Tumalikod na siya at muling bumalik sa kaniyang ginagawa.
"Ang mabuti pa, mag-ikot muna kayo ni Ma'am Arianne, Sandra. Medyo sumama ang mood ni boss pogi eh," ani Hector na napakamot pa sa batok.
"Sige, babalik kami kapag tanghalian na para makasabay kami ni Ma'am Arianne."
Matapos sabihin iyon ni Sandra ay niyaya na niya ako paalis. Sumulyap pa ako kay Iggy na animo'y kinakausap ang baka. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa simpleng ginawa niya ay ipinagtanggol niya ako.
"Let's go?"
Nagpatuloy kami sa paglalakad at panay ang Kwento ni Sandra ng kung anu-ano at tahimik lamang akong nakikinig. Nakarating kami sa tila malaking tree house at akmang aakyat ako nang pigilin ako ni Sandra sa braso.
"Why?"
"Tree house ni Sir Iggy 'yan. Bawal tayong pumasok diyan," bulong niya at tumingin sa paligid.
"Goon ba?"
She nodded her head. "Tara? Marami ka pang makikita dito sa Ranch—"
"Hi Sandra!"
Kumunot ang noo ko nang makita si Nelly na naglalakad palapit. I rolled my eyes. Wala akong pakialam kung nakita niya ba iyon o hindi. Nang makalapit sila ay nagtataka ako dahil ngumiti siya sa akin.
"Hi, Ma'am Arianne," anito at ngumiti.
Plastic. Galing ako sa industriya ng pag-aartista, pagkukunwari, pag-arte at pagpapanggap kaya hindi niya ako mauuto sa pangiti-ngiti niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"What do you want to say now?" mataray na tanong ko a humalukipkip. Ayokong makipag-plastikans sa tulad niya. It's just a wastenof time.
Kumalat ang pula sa kaniyang pisngi. Lumapit naman sa akin si Sandra na may naiilang na ngiti sa labi.
"Ma'am, huwag na po ninyong tarayan. Ang totoo niyan ay napagsabihan na siya ni Sir Iggy kaya bumait," bulong sa akin ni Sandra. For the second time, I rolled my eyes again.
"Fine," maikling sagot ko at ibinaling ang tingin kay Nelly. "What do you want?"
She looked up to me and smiled. "Ako na lang po ang magt-tour sa inyo."
"No, thanks. Sandra is enough—"
"Tawag po siya ng kaniyang ina," mabilis na sagot nito at tumingin kay Sandra. "Tawag ka ni Aling Thelma."
"Ganoon ba?" bumaling sa akin si Sandra. "Ma'am, okay lang ba na si Nelly muna mag-iikot sa 'yo? Huwag ka mag-alala, babalik ako agad."
I sighed. "Sure, Sandra. Ingat ka."
Tumango sa akin si Sandra at nagpaalam. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala rin naman akon choice kundi pumayag na siya ang mag-tour sa akin.
"Salamat, Ma'am Arianne," ani Nelly at nagsimulang maglakad. Nauuna siya sa akin kaya hindi ko nakikita ang reaksyon ng kaniyang mukha.
Unlike Sandra, Nelly is not talking. Hindi niya ikunukuwento ang mga bagay nakakaiba sa paningin ko sa loob ng rancho. Naglalakad lang siya nang naglalakad na siyang ikinainis ko. I stopped from walking and crossed my arms against my chest.
"Wait," pigil ko sa kaniya, "aren't you going to talk?"
Tumigil siya sa paglalakad at unti-unting humarap sa akin. My forehead creases when I saw how her lips twitch into a smirk. Humalukipkip din siya af inilibot ang tingin sa paligid. Dahil sa ginawa niya ay tumingin din ako sa paligid.
Nasa loob ako ng masukal na tila gubat. Hindi ko na matandaan kung paano kami nakapunta sa lugar na ito. My heart thump and my throat dry.
"Where are we?"
She took a step backward. "Good luck."
Matapos nito sabihin iyon ay bigla siyang kumaripas ng takbo hanggang sa hindi ko na siya makita. I cursed under my breathe when realization hits me hard.
She intentionally left me here. I'm lost, s**t!
"You crazy b***h!" I screamed.
Paano na ako babalik?