Chapter 4

2106 Words
ARIANNE Panay ang tunog ng cellphone ko dahil sa sunod-sunod na notifications nang buksan ko iyon para tawagan sana ang aking manager. But unfortunately, her number is busy. May mga text na rin siya na sinasabing huwag muna akong lumuwas ng maynila dahil mainit ang mata ng mga tao sa akin. The people who hated me in the industry wanted me to crawl on the ground. Ako rin ang hot topic ng showbiz dahil sa patong-patong na eskandalo na pati ang mga lumang isyu ay inuungkat nila. Hindi ko sinasadyang mabuksan ang isang message sa notification bar. Wala sa sarili na binasa ko iyon at napangiwi. The message was from a dummy account telling me to face the consequences of being a mistress. Kriminal daw ako at higit sa lahat ay malanding desperada na kabit. “Are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Noelle. Ngumiti lang ako nang bahagya at tumango bilang sagot. Sino ba naman kasi ang magiging okay kung bigla ka na lang maging prime suspect sa isang bagay na ni sa panaginip ay hindi ko kayang gawin. “I’m a b***h, I know. But I fear God, Noelle. At saka paano ko magagawa iyon eh ilang araw na tayong magkasama.” “I know, Arianne.” Lumapit sa akin si Noelle. “I need to go to Manila. May project ako na kailangan gawin and I will help Manager Dina to fix your problem.” “And me?” “You need to stay here until we clean your name—" "Pangalan ko iyon, Noelle. Ako ang dapat maglinis." She sighed. "I know. Pero paano mo magagawa iyon kung paglabas mo pa lang ng condo mo. Media agad bubungad sa 'yo?" Napabuntong-hininga na rin ako dahil tama siya. "Fine. I'll stay here." "Good. Ngayong gabi na ang alis ko kasama si Napoleon." Matapos iyon sabihin ni Noelle ay nagpaalam siya sa akin na aakyat para mag-ayos ng kaniyang damit. Nagdesisyon naman ako na maglakad papunta sa labas kahit na paika-ika ako. May malaking puno sa tabi ng bahay ng Calientes at may duyan doon na gawa sa gulong. I smiled and walk towards it but I suddenly stop. Inunahan ako ng tatlong babae na sa tingin ko ay kaedad ko lamang. Mga nakasout ito ng dresses na bulaklakin at mukhang mga asawa ng trabahador dito. Lumapit sa akin ang isang babae at naglahad ng kamay. "Hi! Ako si Sandra!" tiningnan ko lang ang kamay niya dahil medyo marumi ang kaniyang kuko. Napansin niya naman iyon at nahihiyang binawi. "Huwag ka mag-alala, dagta lang ito ng gulay na pinutol-putol ko." "Nako, Sandra! Hindi mo ba kilala 'yan?" tanong ng isa na lumapit pa sa akin. "Hindi ba ikaw si Arianne Gervacio?" "Hala! Oo nga! Siya 'yong kabit ni Leo!" dagdag ng isa pang babae. Lumunok ako ng laway at kinuyom ang aking kamao. Tinaasan ko lang siya ng kilay at akmang tatalikod nang hawakan ako sa braso ng pangalawang babae para pigilin. "Attitude ka girl, salta ka lang," anito at ngumiwi saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Nelly, tama na 'yan—" "Sandra hayaan mo na si Nelly," bulong ng isa na rinig na rinig ko naman. "Pero kasi Dina—" "You're right, I am Arianne Gervacio," taas noo na sagot ko, "and yes. Attitude ako pero hindi ako kabit." Nagtaas ako ng kilay nang makita ko kung paano tumalim ang tingin sa akin ng tinawag niyang Nelly. Nang hindi na siya makapagsalita ay nagpasya na akomng talikuran sila ngunit bumungad sa paningin ko ang apat na kalalakihan kabilang si Iggy na palapit sa amin. Napakurap ako at nag-iwas ng tingin dahil iyon ang kundisyon niya. Paika-ika na akong naglakad at nang akmang lalagpasan ko sila ay bigla akong hinarang ng isa sa mga kasama ni Iggy. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Infairness, he got a well-built body and tan skin. Hindi ito kagwapuhan na tulad kay Iggy pero may ibubuga rin. Maganda ang ngiti nito dahil sa magkabilang dimples. “Ma’am, baka po gusto niyong sumama mag meryenda sa amin. Marami-rami ang dala na bananaque ng kapatid ko na si Dina,” anito na may matamis na ngiti sa labi. “No, thanks,” maikling sagot ko at akmang magpapatuloy na maglaka ng marinig ko ang boses ng babaeng si Nelly. “Hi, Iggy! May dala ako monay para sa ‘yo,” anito sa malanding boses. Nanliit ang mata ko at lumingon sa kanila. Kitang-kita ko ang pagkapit niya sa braso ni Iggy ay hinayaan lamang ito ng isa. Napabuga ako ng hangin nang makita na tila sa akin lang galit si Iggy. Ang boung akala ko ay mailap lang siya sa babae ngunit nagkamali ako. “Meryenda tayo?” Napalingon ako sa nagsalita. It was the girl named Sandra who has a banana which are coated in a thick layer of caramelized sugar. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at kay Iggy na maganang kumakain ng meryenda. I smiled and took the snack from her. Paika-ika akong naglakad papunta sa kanila at umupo sa improvised na upuan. Tumabi ako kay Iggy at hindi na pinansin ang matalim niyang tingin. “Ma’am, ang ganda niyo po sa personal,” saad ng lalaki na nag-alok sa akin mag meryenda. “Hindi ko akalain na makikita sa dito. Ako po si Hector.” "Oo nga, ang puti ni Ma'am parang bigas. Ay, ako po si Gusting," singit ng isa. Ang katabi nitong lalaki ay pasulyap-sulyap lang sa akin habang si Iggy ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin. “Maputi lang siya, hindi naman siya ganoon kaganda,” komento ni Nelly na nakataas ang kilay. “At saka kabit siya at mamatay tao—” “Nelly,” singit ni Iggy. “Bakit? Totoo naman—” “It’s not true,” saad ko at tumayo. I won’t let this woman throw false accusation about me. “Look Nelly, I’m here in Rancho Calientes to unwind not to stress myself out with some people who judge me based on what they hear or watch. Excuse me.” Ibinigay ko kay Hector ang meryendang hawak ko at naglakad palayo. Masyado na akong maraming problema at ayoko ng idagdag sa iisipin ang isang katulad niya na wala namang alam sa buhay ko maliban sa aking pangalan at isa akong artista. Dumiretso ako sa aking kwarto at sa bawat hakbang ko ay sumasakit ang aking paa dahil sa sprain. Nang marating ko ang kwarto ay akmang isasara ko ang pinto nang biglang may pumigil niyon. Napaatras ako at napakurap nang makita si Iggy na siyang pumigil sa pagsara ko ng pinto. Tuluyan kong binuksan iyon hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa loob. “A-anong ginagawa mo dito?” “Gusto kong humingi nang dispensa sa mga nasabi ni Nelly—” “You’re not Nelly. It’s not your apology I want to hear,” saad ko at tumalikod. Nang paghakbang ko ay bigla na lang ako nawalan ng balanse dahil sa bigla akong nakaramdam ng kirot. Ngunit bago pa man ako sumalampak sa malamig na lapag ay ang matitigas na braso ni Iggy ang sumalo sa akin. Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil lang sa pagkakadikit ng aming balat. Hindi na rin ako nakapag-react dahil mabilis niya akong binitawan na para bang nandidiri siya sa akin. Sa paghakbang ko muli akong nawalan ng balanse. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako sinalo. "Ouch!" I screamed as I felt sting of pain on my ankle. Iggy immediately scooped me and put me on the bed. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilin ang sarili na mapasigaw sa sakit nang tingnan iyon ni Iggy. "Your ankle is swelling. Masyado mong pinuwersa," aniya at tumayo. "Hindi mo dapat nilalakad ang sprained ankle mo." "Kaya ko naman—" "It's swelling and if you don't listen to me. It will get worse." Tumalikod na siya at akmang maglakad palabas nang pigilin ko siya sa braso. "Saan ka pupunta?" His brow rose. "I'll get a new bandage and ice pack." Tumango lang ako at hinyaan siyang umalis. Matapos lamang ang ilang minuto ay bumalik na rin siya bitbit ang kaniyang mga sinabi. Nanatili akong nakaupo sa kama at siya naman ay umupo sa lapag at inabot ang namamaga kong paa. I flinched when he touch it. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang muli niyang hahawakan ang paa ko at inalis ang benda. Napapangiwi ako sa sakit at kahit gustuhin ko mang pigilin ang hindi maiyak ay hindi ko magawa. It feels like I need to let it out. Mabilis kong pinunasan ang luhang kumuwala sa akin upang hindi na niya makita iyon. I also looked up to prevent myself from crying hard but physical pain and emotional pain is mixing up inside me. Suminghot ako at hinayaan na lang na tumulo ang mga luha sa aking mga mafa habang nakatingala. "Is it hurt?" tanong niya. I looked at him and nod my head. "Masakit," I cried, "sobra." It was a double meaning answer. Because, who wouldn't get hurt? Artista ako pero hindi ako manhid para hindi makaramdam ng sakit mula sa mga taong hinuhusgahan ako kahit wala naman silang alam tungkol sa akin. "Don't worry. There's no such thing as permanent in this world. They will eventually forget about it," aniya na para bang alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Nang matapos siya sa pag-gamot at paglagay ng benda ay tumayo na siya saka inabot ang braso ko at tiningnan ang aking sugat sa siko. Tumango lang siya at binitawan ako. "S-salamat," I stuttered. He sighed. "Look, Arianne. I'm sorry for what Nelly said. It was insensitive. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay okay na ako sa pagtira mo dito." Tumaas ang aking kilay. "Alam mo, feeling ko mabait ka naman eh. Mabait ka nga sa mga kasama mo kanina pati doon sa Nelly na nilait-lait ako. Pero bakit sa akin, masungit ka? I mean, I did nothing—" "You're from Manila," putol niya sa lintanya ko. "And so?" "Everything that comes from Manila brings nothing but disaster and misfortune here." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatayo. Dahil doon ay bigla akong napahawak sa kaniyang balikat at sabay kaming nawalan ng balanse. We both landed at the bed, he's on top of me. Our nose touched. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib at pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa aking ribcage. Sobrang lapit ni Iggy na halos hininga niya naamoy ko na. And it smells sweet and manly. Dumako ang mata ko sa kaniyang labi at napakunot ang noo. His lips seems familiar and inviting. Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang pumasok sa isip ko dahil bigla ko na lang ipinulupot ang aking braso sa kaniyang leeg at inilapat ang kaniyang labi sa akin. The familiarity of his lips against mine brings shiver down to my spine. Ngunit agad natapos ang halik na iyon nang iangat niya ang kaniyang ulo at alisin ang braso ko sa kaniyang leeg. He stood up and wiped his lips. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng hiya sa aking ginawa. "What's that for?" pagalit na tanong niya, "ganiyan ba talaga ang mga taga-maynila na artista? If you want to kiss someone, you will do it without thinking what might happen next?" "Sorry—" "Sorry my ass, Arianne. Just because I treat you nice for a couple of minutes, doesn't mean I like you here. Wala ka sa harap ng camera para halikan ang kung sino-sino lang." Akmang tatalikod siya nang muli akong magsalita. "Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon—" "What if I kiss you back, undress you and f**k you hard? Tapos sasabihin ko rin na, hindi ko alam kung bakit ko nagawa?" Naglalabasan ang ugat sa kaniyang leeg dahil sa pagpipigil ng inis. I swallowed an imaginary lump. "I-Iggy..." "Damn it," he mumbled and turned his back. Hindi na ako nakapagsalita dahil tama naman siya. "Think before you move, Arianne. Results of your impulsive action aren't always good. Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa katulad mong napagsawaan na ng kung sino-sinong artista." And he left. My heart broke into pieces. Muli na naman akong nahusguhan. Muling tumulo ang luha ang luha sa mga mata ko at kinuha ang aking cellphone ng tumunog iyon. My mom sent me a message. Binasa ko iyon at napangiwi. "Arianne, ano na naman itong dala mong kahihiyan sa pamilya natin? Kahit kailan napakawalang-kwenta mo. Huwag ka muna umuwi dito." I wiped my tears and chuckled with disapointment in my voice. "Damn."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD