ARIANNE Buhat-buhat ni Hector si Iggy sa balikat nang pumasok kami ng bahay at umakyat ng kaniyang kwarto. Dahan-dahan niya itong inilapag sa malambot na kama. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapailing dahil hindi ko lubos maisip na nagawang maglasing ni Iggy nang ganito. He got drunk easily. Kaloka! “Salamat Hector,” saad ko at nginitian lamang siya. Natatawa siyang nagkamot ng batok. Halata na rin na may tama na ito dahil sa medyong namumula niyang mukha. “Hindi malakas si Boss sa alak kaya madali siyang malasing.” "I can see that." Natawa na lang ako at nilingon si Iggy na nakabulagta at namumula ang mukha dahil sa kalasingan. Lambanog na may ibang halo na klase ng alak ang ininom nila pero lasing na lasing na agad siya kahit nakakaunting tungga pa lang siya. Tinanguan ko lang si

