ARIANNE Nakaharap ako sa salamin habang naglalagay ng concealer sa ilalim ng aking mga mata dahil masayadong halata ang eyebags ko. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa ginawa ni Iggy sa akin kagabi. Idagdag pa ang maingay na tilaok ng manok tuwing madaling araw. Napabuntong-hininga ako at napangiwi dahil eleven pa lang ng umaga pero tirik na tirik na ang araw. Bakit ba kasi kailangan tanghaling tapat pumunta sa barrio? “Ma’am Arianne?” Nilingon ko ang pinto nang marinig ang katok at boses ni Sandra mula sa kabilang bahagi. Tumayo ako at binuksan iyon at muling bumalik sa harap ng vanity mirror para ituloy ang paglalagay ng make up. Nakangiti lang si Sandra na lumapit sa akin at pinanood akong mag-ayos. Nang matapos ay tumayo ako at kinuha ang flat shoes na nasa loob ng closet sa

