ARIANNE Malalim na ang gabi pero dilat na dilat pa rin ang mata ko na para bang nilayasan na ata ako ng antok. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Iggy. Bumangon ako sa kama at nagpasya na lang na lumabas para sa magpahangin kahit alas diyes na ng gabi. Nagpalit lang ako ng t-shirt at naglakad palabas ng pinto ng kwarto. Bumaba na ako at dahil sarado na ang main entrance ay nagdesisyon akong sa back door sa kusina dumaan para makalabas. Kumuha pa ako ng maligamgam na gatas saka lumabas. Bahagya kong nayakap ang aking sarili dahil sa malakas na pag-ihip nang malamig na hangin. Puro puno pala ang nasa likod ng bahay at sa gilid ay may mahabang upuan na gawa sa kahoy. Ipinatong ko doon ang hawak kong baso at umupo saka tumingala. There’s a particular star that shines more a

