ARIANNE “She’s not going anywhere, Atticus.” Sabay kaming napalingon ng lalaking nakatayo sa aking harapan kay Iggy na kakapasok lang ng bahay. Inalis nito ang sout na sombrero, naglakad palapit at huminto sa aking tabi. Hindi ako nito tinapunan man lang ng tingin dahil ang kaniyang mga mata ay nakapako sa kaniyang kapatid at nakipaglaban ng titigan. Para silang dalawang tigre na naghihintayan kung sino ang unang gagalaw. Parang dalawang nagtataasang bundok na naguumpugan. Walang may gustong mag-iwas ng tingin. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa madilim na awra ng magkapatid. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko ang nangyayari. “She’s ruining the Calientes name, Ignatius. Bilang isang Calientes at vice mayor ay ayokong mabahiran ang apelyido natin ng kahit na anong issue—” “

