“WALA KA ba talagang planong magpakita kay Maxine? Naniniwala ako na kailangan ninyong mag-usap na dalawa.” Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang sinabi ni Samuel. Isang buwan na rin simula nang maglaho ako sa buhay ni Maxine. May mga pagkakataon na iniisip ko kung iniisip niya pa ba ako o mas pinili nang makalimutan. Simula nang makita kong mabaril si Maxine sa harapan ko, hindi na ako nagkaroon nang maayos na tulog. Parati kong napapaginipan ang nangyaring iyon at kapag ipinipikit ko ang aking mga mata ay iyon din ang imaheng nakikita ko. “Naniniwala rin ako na hindi ako aalis sa tabi niya kapag naranasan kong makalapit ulit sa kanya. Kapag nakita ni Papa that Maxine is something more than a pawn to our plans, manganganib na naman ang buhay niya. You know my father. If you’re

