“MATTHEUS, don’t leave me. I’m scared here and alone. I want to be with you. Take me, please?” Nakaupo kami ngayon sa kama niya at tinitingnan ang mga regalong binili ko para sa kanya. Ilang beses ko lamang nadadalaw si Bianca dahil hindi ako pinapayagan ng papa ko. Mahigpit din ang seguridad bago niya ako hayaang makapunta rito. Alam niya na sa oras na malaman ko ang eksaktong lugar kung nasaan ang kapatid ko, itatakas ko ito. Nagawa ko na iyon noon, ngunit bago ko pa makuha si Bianca, naitakbo na siya ni Dad at inilipat sa ibang lugar. Naalala ko kung anong sinapit namin noon. Pinagtangkaan pa ni Papa na papatayin niya rin ang kapatid ko kung hindi ako susunod sa kanya, kaya sa ngayon ay hawak ako nito sa leeg. “I will, pero hindi pa ngayon, Bianca.” Huminga ako nang malalim at hinag

