“MALAPIT na nating malaman kung anong gender ng baby. Handa ka na ba?” tanong ko kay Mattheus. Kakagaling lang namin sa checkup ko at sa susunod na punta ko roon ay maaari na naming malaman ang gender ng baby ko. Gusto ko sana na ma-surprise kami sa kung anong kasarian nito. Tipid na ngumiti si Mattheus. Itago man niya ay alam ko naman na excited na siya. Sa aming lahat, si Mattheus man ang tila less excited sa baby, siya rin ang grabe ang pag-aalagang ibinigay sa amin. Siguro ay sadyang kaakibat ng saya niya ay ang takot sa maaaring mangyari sa akin kaya mas pinipili niyang huwag masyadong magpakasaya at baka may mangyari pang hindi maganda. Pagkasakay namin ng kotse ay nagmaneho na si Mattheus papauwi. Mas napapadalas si Mattheus na manatili sa tabi ko at sa bahay na lamang ginagawa a

