ISANG araw ay umuwi si Mattheus na may kakaiba sa kanya. Iniisip ko pa kung ano ang nagbago sa asawa ko nang mapagtanto ko na iyong amoy niya. “Did you switch perfume?” Inamoy ko siya nang paulit-ulit. Hindi ko maalala kung saan ko naamoy ang ganitong pabango pero sobrang pamilyar sa akin. “You like how I smell?” tanong ni Mattheus sa akin. May kung anong ngiti sa kanyang labi. Matapos ang aking pagseselos noong nakaraang araw, maayos na ulit kami ni Mattheus. Ipinaliwanag niya naman sa akin kung sino ang babaeng kasama niya. It’s a jeweler at may ipinapagawa siyang customized jewelry rito. Hindi niya pa lang sinasabi sa akin kung ano iyon. The reason na tumawa siya at ngumiti sa babae ay dahil pinag-uusapan nila ako. Ako ang rason bakit siya napangiti nang mga oras na iyon. Ako ang da

