NAKAUPO ako sa kandungan ni Mattheus at pareho naming binabasa ang mga binili niyang books and baby magazines. Simula pala nang malaman niyang buntis ako ay ito ang pinagkakaabalahan niya kaya parati siyang naririto sa home office niya. “Why didn’t you tell me?” Hindi rin matanggal ang ngiti sa labi ko. Like, super cute na ginagawa ito ni Mattheus. Gusto ko siyang kurutin sa pisngi. Nag-iwas siya ng tingin sa akin na akala mo ay hindi ko na dapat iyon tinatanong sa kanya. He’s embarrassed. Umaakto lang siyang ayaw niya sa pagbubuntis ko pero the moment na nalaman niya iyon ay siya ang unang taong umalam kung paano ba ako alagaan. “Come on, you don’t have to feel embarrassed about it.” Sa mga sumunod na araw ay pakiramdam ko, palala nang palala ang paglilihi ko. Minsan ay iniisip k

