“YOU’RE pregnant?” Dahan-dahang kumunot ang noo ni Mattheus. Is that a bad sign? I guess. “I am—” “When was this? Kailan pa? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” I was immediately bombarded by his questions. Hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin sa lahat ng iyon. “I was about to tell you, okay? Sasabihin ko rin naman sa ‘yo. I just learned about the pregnancy recently. Naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin sa ‘yo—” “Bakit nga hindi mo agad nasabi sa akin nang malaman mo?” My nose flared. Bakit parang kasalanan ko pa na hindi ko agad sinabi sa kanya? “Because of that!” Itinuro ko si Mattheus. “Iyang mismong reaksyon mo ang dahilan bakit hindi ko agad sinabi sa ‘yo. I know you will get mad, dahil alam naman nating ayaw mo akong mabuntis. Well, sorry, Mattheus. May na

